[72] SMS

63.1K 2.2K 283
                                    

[72] SMS

Chelsea's POV

Kinabukasan, niyaya ko si Wayne na mamasyal sa buong Sitio Maligaya. Hiniram niya yung motor bike ni Warren kaya nagawa naming libutin ang buong lugar.

"Dyan ako nag-aral ng elementary." Nakatayo kami sa tapat ng dati kong eskwelahan habang nakaakbay siya sa akin. "At sa bandang dun naman yung school ko noong high school."

Kumunot ang noo niya habang pinapanuod ang mga estudyanteng nagbubunot ng mga damo sa paligid ng school. Natawa tuloy ako sa sarili nang maalala kong ginagawa rin namin yan noon.

"Anong ginagawa nila? Gardening?"

Ngumisi ako sa tanong niya. "Compulsary yan, Wayne. Dati, hindi kami pwedeng umuwi kapag hindi kami nag-gamas."

"Nag-gamas?"

"Yang ginagawa nila. Pag-gagamas ang tawag dyan."

Tinignan niya ako nang hindi makapaniwala. "Bakit kailangan gawin yan?" Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at pinisil pisil iyon. "Itong kamay mo, naranasan mag-gamas?"

"Oo naman. Normal lang 'yan sa amin dito sa public school."

"Ba't 'di ka pinag-aral sa private ng Mama mo?" Sumimangot siya at tinignan ulit ang mga bata. "Ang hirap kaya n'yan."

I laughed at his reaction. Ang cute talaga ng bawat reaction niya. "Like what I said, normal lang sa amin yan. It's no big deal... Kaya naman ako ng parents ko na pag-aralin sa private school sa bayan pero mas prefer kong mag-aral dito dahil sa mga kaibigan ko. Dito ako masaya e."

Humakbang siya palapit sa bakod habang hawak hawak pa rin ang kamay ko. Seryoso niyang pinapanuod ang mga bata sa pag-gagamas. I wonder what he's thinking right now.

"Nakaka-enjoy ba yang gawin?" tanong niya.

"Kapag kasama mo ang friends mo, masaya pero—"

"Parang gusto kong subukan," sabay hila niya sa akin papunta dun sa gate kung nasaan may guard na nagbabantay.

"Wayne!"

Pumunta siya sa likod ko at ako ang pinagtulakan sa guard. "Tanong mo kung pwede tayong tumulong..."

As if I have no choice, tinignan ko yung guard. Good thing, kilala ko siya. "Manong Elias!"

"Chelsea, ikaw pala yan!" He exclaimed with a big smile. "Kumusta?"

"Ayos lang po. Kayo po?"

"Ayos lang din."

Nilingon ko si Wayne. Nakatanaw pa rin siya sa mga batang abala sa paggagamas. "Wayne," I called to catch his attention. "Si Manong Elias, ang pinakaloyal na guard ng school namin. Manong Elias, si Wayne po..."

"Boyfriend?" Malisyong ngumiti si Manong kaya natawa lang ako't tumango. "Sabi na e!" sabi niya matapos bumaba ang tingin sa kamay naming magkahawak.

I blushed and Wayne just smiled.

"Pwede po bang pumasok? May isang makulit na nilalang kasi po akong kilala na gustong tumulong sa paggagamas."

Malugod na binuksan naman ni Manong Elias ang gate. "Oo naman! Matutuwa pa nga ang maestra kung tutulong kayo. Medyo malalago na ang mga damo e."

"Salamat!"

"Chelsea Yuan?"

Napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin. Yung teacher ko pala noong grade 6. "Ma'am!"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon