[19] Gusto Mo Siya
Chelsea's POV
Hindi ako mapakali. Palakad-alakad ako sa loob ng kwarto ko habang nakasapo sa ulo ko. Tama ba yung nakita ko kanina? Si Wayne? Titira kami sa iisang bahay?
"No, this can't be. Hindi pwede." Pabulong-bulong ako sa sarili habang pari't-parito hanggang sa napagod ako at nahiga nalang sa bago kong kama. "Parang ang awkward..."
Hindi ko pa nga halos matanggap yung fact na magiging step brother ko siya for real tapos malalaman kong titira kami sa iisang bahay? Ano pang susunod? Magbabahay-bahayan kami at maglalaro ng role playing kasama ang mga magulang namin?
"This... is... insane!"
Napabalikwas ako sa kama nang marinig kong may kumatok sa pinto. Nataranta tuloy ako lalo. Hindi ako sanay na may iba akong kasama sa bahay bukod sa mga kasambahay pati na rin sa pamilya ko.
Tok... Tok... Tok...
Bumangon na ako at inayos muna ang sarili ko. Pagkahakbang ko papunta sa pinto ay bumuga muna ako sa hangin bago ko pinagbuksan ang kung sinumang kumakatok.
"Hi! Saan ko ilalagay ito?" bungad sa akin ni Wayne na may dala-dalang malaking kahon. Hindi siya nakangiti, hindi rin naman seryoso. Basta maaliwalas lang ang facial expression niya.
"Ako nalang. Thank you." Kukunin ko sana sa kanya yung kahon kaso iniwas niya iyon.
"Ako na po. Mabigat e."
"Hindi. Ako na."
"Ako na, Chelsea."
"Wayne naman..." Ang kulit talaga niya!
He chuckled heartily. Buti nalang disente na ang ayos niya kaya hindi na ako masyadong nailang sa presence niya unlike kanina na half-naked siya. "Ito naman. Nahiya ka pa."
"Wayne-"
"Anong nangyayari dyan?" Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot si Mama dun sa hagdanan. Kasama niya si Rance na may yakap-yakap na bagong manika.
Tinuro ako ni Wayne at mukhang maninisi pa. Tsk. "Tita, yung anak niyo po ang tigas ng ulo."
"Bakit?"'
Hindi ko na siya pinasagot pa. Fine, siya na ang winner. "Oo na. Sige na, ipasok mo na 'yan."
Ngumisi lang si Wayne nang nilawakan ko yung pagkabukas ng pinto ng kwarto ko. Pagkapasok niya, nilapitan naman ako ni Mama. "Ayos lang ba ang kwarto mo? Si Tito Anton mo ang nagpagawa niyan."
"Hmm..." I lazily nodded my head. Maganda ang kwarto ko. Medyo may pagka-sakura ang aura. Sakura petals din kasi yung wallpaper ng buong kwarto pati na rin yung bedsheets. Pagkapasok sa pinto, bubungad muna ang book shelf na nagsisilbing divider. Then there's the couch, cabinet, bed, bathroom and most especially yung balcony.
"Ate, maganda rin yung kwarto ko. Parang fairytale."
Nginitian ko lang ng tipid si Rance. Hindi na ako magtataka kung bakit sumakto sa standards namin ang interior design ng kwarto namin. Marahil naikwento na iyon ni Mama kay Tito Anton. Gusto niya talaga kunin ang loob namin.
"Sige, maiwan ko na kayo. Mag-ayos ka na rin ng sarili, Chelsea. Dadating sina Metch at Sheen dito mayamaya lang."
Napaayos tuloy ako ng tindig bigla pagkarinig sa pangalan ni Sheen. Naalarma ako. Bakit siya pupunta rito? Hindi pa nga ako nakakarecover sa nangyari sa Laguna tapos...
BINABASA MO ANG
The 13th Guy [On-going]
RomanceX10 Series: Mark Wayne Madrigal (Formerly: That Beat Of Love) Ako si Chelsea Yuan. Malas daw ako sa pag-ibig. Laging kasing iniiwanan, laging pinapaiyak. Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang love life ko. Complicated na nga, mas naging pathetic...