[14] I Told You

92.9K 3K 326
                                    

[14] I Told You



Metch's POV



"Bakit ngayon lang kayo?" was that all Sheen asked when the two step siblings finally arrived home. Napaikot nalang ako ng mata sa ere habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin ni Sheen. Hassle nga e. Kung may gripo sana dito, edi hindi ako mahihirapan ng ganito.

"Kumain kami sa labas. Pasensya na kung hindi na kami nakapagpaalam." Narinig kong sagot ni Chelsea. Napabuga ako sa hangin. I can't help but to mock her. Ang saya-saya naman nilang dalawa. Samantalang ako dito, hindi na nga nakakain ng maayos, aba't naghugas pa ng pinagkainan. Isn't that amazing? Tse!

"Hindi man lang kayo nagpaalam. Gabi na o'. Hindi niyo pa naman alam itong lugar na ito." Aba, parang tatay lang ang peg ni baby?

"Stop scolding us, Sheen. Nakauwi naman kami ng maayos. Chelsea already apologized. End of story. Now, will you let us rest? Masyadong mahaba itong araw na 'to." Dun na ako napalingon. Si Wayne na kasi yung nagsalita. Nararamdaman ko yung tension sa pagitan nina Sheen at Wayne. Oh no! Pati si Chelsea ay parang naiipit sa kanilang dalawa.

"Ehem," tikhim ni Chelsea tapos hinila niya ng bahagya si Sheen palayo mula kay Wayne. "Sige na, Wayne. Magpahinga ka na. Mag-uusap muna kami ni Sheen," tapos nilingon niya si Sheen at tinanguan. "Tara, sa labas."


Nung makalabas na sina Chelsea at Sheen, pasimple kong nililingon si Wayne. Tahimik lang siyang nakaupo roon sa sala habang busy siya sa cellphone niya. Seryoso pa ang mukha niya. Well, let me say ang gwapo rin nitong lalaking ito. No doubt about that. Kaya pala bentang benta siya sa mga kababaihan sa E.H.U. Except for me though, na kay Sheen kasi ang attention ko for the past years. Haayyy... Baby, ano bang ginawa mo sa akin? Ginayuma mo ba ako?

Hindi ko alam kung napansin na ba ni Wayne ang presence ko dito kasi ni hindi niya magawang kumilos man lang para tignan ako. Masyado siyang concentrated sa cellphone niya e.

"Wayne..." tawag ko sa kanya. Tinignan niya naman ako tapos yung ginagawa ko. Pinupunasan ko na yung mga hinugasan ko.

"Uy, Metch. May binili pala ako para sa'yo. Muntik ko nang makalimutan." Tumayo siya at nilapitan ako. I was surprised to see him handing me a plastic with food inside of it. Basta nakita kong ulam at kanin yung nasa loob niyon.

"Oh, nag-abala ka pa. Kumain na ako."

Medyo ngumuso siya tapos nagkibit-balikat pa. "Sayang 'to. Nag-take out pa naman ako."

Nakatitig lang ako dun sa plastic. Natakam ako sa kanin. I can't live my life without eating rice!!!

"Ay, sige na nga. Kakainin ko na 'yan."

Si Wayne na rin yung nagsalin ng ulam at kanin sa mangkok at plato. Akala ko nga pagkatapos nun ay babalik na ulit siya sa sala pero humila pa talaga siya ng upuan at sinamahan ako sa dining area. Emeghed, sana ganito rin si baby Sheen ko! Hindi yung pinaghuhugas lang ako ng pinagkainan.

"Uuwian naman talaga namin kayo ng pagkain. Na-late nga lang kami ng uwi kasi naghanap pa kami ng mabibilhan ng damit ko tapos nahirapan pa kaming maghanap ng tricycle na maghahatid sa amin dito. Malayo raw kasi," paliwanag niya.

Tumango nalang ako sa kanya. In fairness, ang sarap nitong adobo. "Thank you."

"Nagalit pa tuloy si Sheen. Tss."

Tinignan ko siya. His face turned irritated. Napangiti nalang tuloy ako. Akala ko, intimidating siya sa umpisa pero 'pag nagtagal pala ay napakakumportable niyang kausap. Bagay nga talaga sila ni Chelsea. Wala lang. Ma-i-pair lang. Hindi na kailangan ng rason. Hahaha!

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon