[71] Missing In Action

75.5K 2.3K 792
                                    

[71] Missing In Action

Metch's POV

Lumalalim na ang gabi. Lahat ay nagkakasiyahan na sa pool party pero kaming dalawa ni Chelsea ay nakaupo lang sa monobloc chair habang pinapanuod sila. Parehas yata kaming badtrip nitong bestfriend ko e. Halata naman sa mukha niya. Siguro LQ na naman sila ng dyowa niya.

Anyway, kanina ko pa napapansin na biglang missing in action si Sheen sa pool party. Not that I'm worried about him it's just he's supposed to be here. Siya ang celebrant e.

"Metch. . ." Tinignan ko si Chelsea nang tawagin niya ako. "Nakita mo ba si Wayne?"

"Si Wayne?" Luminga linga ako sa paligid. Oo nga, ano. Pati siya ay wala rin. "Hindi e," sagot ko. "Wala rin si Sheen. Nasaan kaya ang dal'wang 'yon?"

"Girls, excuse me. . ." Biglang sumulpot sa harap namin si Kaye Anne. Nakasuot na siya ng bathrobe. Kanina pa kasi siya nagtatampisaw sa pool. Ngayon lang yata umahon.

"Yes?" sagot ko.

"Nakita niyo ba si Nathan?" tanong niya. Nagkatinginan tuloy kami ni Chelsea na para bang nahihiwagaan na sa nangyayari. "Kanina pa kasi siya wala e. . ."

"Nawawala rin siya? Actually, pati sina Sheen at Wayne, missing in action din..." sagot ni Chelsea at pagkatapos ay tumayo at nagsimula nang iikot ang paningin sa resort. "Nasaan na kaya ang tatlong 'yon?"

"Hala, nagkatampuhan kasi kami ni Nathan. Nag-aalala tuloy ako," problemadong sabi ni Kaye Anne.

Lumabi si Chelsea at pati na rin ako. "Kami rin ni Wayne e..."

"Kami rin ni Sheen," I uneasily retorted.

Sabay naman napatingin sa akin ang dalawa na para bang nabigla. "Kayo na?"

Mabilis ang pag-iling ko sa tanong nila. "Hindi a! Ang ibig kong sabihin, may tampuhan din kami ni Sheen."

"Hindi kaya magkakasama sila?" Kaye Anne said, wondering. Hindi imposible 'yon. "Hanapin kaya natin sila banda dun?" suhestyon ni Chelsea habang nakaturo sa likurang bahagi ng resort.

At iyon nga ang ginawa namin. Hindi lang sa likurang bahagi ng resort kami nagpunta. Halos kalahating oras na naming nilibot ang resort pero hindi pa rin namin nakikita ang tatlong mga pasaway na lalaki. Hinanap na nga namin sila sa may Jacuzzi, infinity pool, wave pool, kiddie pool, hot spring at maging sa kanilang room at mga cottages pero wala ni bakas nilang tatlo.

Napasapo na sa kanyang noo si Kaye Anne. "Nasaan ka na bang pandak ka?"

Nilabas ni Chelsea ang phone niya at mukhang tinatawagan si Wayne. She seemed to be failed based on her expression. "Walang signal..."

"Magkakasama talaga ang tatlong 'yon!" I whined.

Nagsisimula na tuloy akong maguilty sa nangyari kanina sa bundok. Simula kasi nun ay halata ang pagkabadtrip ni Sheen sa buong araw. Malamang dahil 'yon sa akin. At nakakaguilty dahil mukhang sinisira ko ang dapat ay special day niya.

Humalukipkip ako at natulala sa malayo. "Magpakita ka lang, Sheen, kakalimutan ko na ang nangyari kahit unforgettable yun. . ." wala sa sa huwisyong bulong ko sa sarili.

"Anong kakalimutan?"

Halos mapatalon ako sa tanong ni Chelsea. Napaatras tuloy ako bago umiling. "Wala-" Napahinto ako sa pagsasalita dahil may narinig akong tugtog ng tambol sa direksyon ng wave pool. "Naririnig niyo ba 'yon?"

"Drums?" Nagtatakang nagpalipat lipat ng tingin sa amin si Kaye Anne. "Tara! Tignan natin!"

Halos patakbo na naming pinuntahan kung saan nanggagaling ang tugtog hanggang sa napadpad kami sa isang cabana sa gilid ng wave pool. Sigurado akong kakabukas lang nito dahil nakita ko pang nakasarado at madilim iyon kanina.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon