[25] Caught Up

85.5K 2.9K 647
                                    

[25] Caught Up


Chelsea's POV


Sobrang na-relieved ako nang malaman kong after wedding dress pala yung see thourhg stuff na ibinigay sa akin noon ni Mama. The motif is peach at lahat ng kasama sa entourage ay naka-peach tube dress na hanggang tuhod, well that is if they're part of the bride's maid, and the little kids. Yung mga groom's men at ninong naman ay nakasuot ng suit na may touch of peach color. Samantalang ang mga ninang ay naka-formal dress na may peach touch din.

So much for that. Hindi ko alam kung ba't kinakabahan ako ngayon. Ngayon na ang kasal nina Mama at Tito Anton pero hindi pa rin nagpaparamdam sa amin si Papa. Mukhang napansin naman ni Metch 'yon dahil hinahayaan niya lang akong manahimik.

"Hmm, Chels o. Inom ka muna." Inalok niya ako ng juice kaya kinuha ko 'yon. In a few minutes, magsisimula na ang kasal. All is set. 5PM magsisimula ang kasal para sakto raw sa paglubog ng araw kapag natapos na. So romantic I wanna run.

"Hindi mo pa rin ba tanggap?" Naupo siya sa tabi ko. Habang ang lahat ay naeexcite, ako naman itong parang nalugi.

"Alam mo namang Papa's girl ako. Syempre, masakit sa akin 'to."

She looked to me as if she's sorry. "I know, Chels, pero siguro it's about time na tanggapin mo na si Tito Anton as part of your family."

Napabuntong-hininga nalang ako bilang pagsagot sa sinabi niya. Mahirap pero siguro nga tama si Metch. As I glanced back at her, I saw a familiar guy behind him. Nakatingin siya sa direksyon namin kaya nagbawi ako ng tingin at tumingin nalang kay Metch. "Si Sheen ba 'yon?"

"Saan?" At nataranta siya.

"Sa likod mo." Ituturo ko pa sana kaso tinabig ni Metch ang daliri ko.

"'Wag mong ituro. 'Wag mo ring tignan. Hayaan mo siya. Kunwari, wala akong care."

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Baliw talaga. "Nakatingin ba?"

"Oo," natawa nalang ako.

"Kainis 'yan. Binigyan ako ng strawberry cheesecake nung isang araw. May naka-lettering na 'sorry'. What for?" Tinignan niya ako at sumimangot. "Sa katangahan niya?"

I looked to her unbelievably. "Oh? Swerte mo. Ang daming gustong makatikim ng cheesecake niya tapos ikaw binigyan niya lang. 'Wag mo nalang isipin yung sorry. Yung cheesecake na lang."

"Oo nga. Nasa ref pa nga e. 'Di ko pa kinakain," she rolled her eyes and I laughed. Hindi kaya mapansin 'yon?

Saglit lang ay narinig na namin ang announcement ng wedding coordinator na magsisimula na ang kasal ni five minutes. I tried to look for Rance kaso busy siya sa mga pinsan niya. Kaya kami ni Metch, nanatiling nakatayo lang dun sa entrance ng venue. Malakas ang hangin mula sa dagat kaya medyo nagugulo na ang buhok namin.

"Sino sila?" tanong ni Metch kaya tinignan ko ang tinitignan niya.

I saw France and Wesley standing beside Wayne on the aisle talking to their dad. "Mga anak ni Tito Anton. Yung little boy, ang name niya ay Wesley. Yung isa naman na matangkad, si France."

"Oohhh... Ang gwapo ng lahi nila, in fairness," komento niya at may tinignan na naman sa kaliwa ko. "Eh sino 'yon?"

This time, hindi ko na kilala ang tinutukoy niya. He wasn't familiar to me either. Ngayon ko lang nakita. He's a tall guy with some stubbles on his face. Mukha siyang foreigner dahil iba ang kulay ng mga mata niya pati na rin ang kutis na medyo may pagka-tan.

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon