[55] Boyfriend

90.5K 2.7K 644
                                    


[55] Boyfriend

Chelsea's POV

Isa lang ang masasabi ko sa nangyari kanina sa family dinner namin— AWKWARD. Hindi ko alam kung awkwardness lang ba talaga ang bumabalot sa sistema kundi pati GUILT.

Guilt, dahil tuluyan ko nang pinasok ang bagay na matagal ko nang iniiwasan na mangyari at dahil alam kong hindi biro ang magkaroon ng karelasyon sa pagitan ng pamilya.

Alam ko namang nasa iisang pamilya na kami pero hindi naman kami magkadugo, 'di ba? At 'yon lang ang pinanghahawakan ko.

Bumuntong-hininga ako. Bumalik din ako sa right side ng bedroom ko. 11pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Sa lahat ng nangyari ngayong araw, medyo hindi pa rin nagsi-sink in sa isip ko na pumayag na akong maging boyfriend si Wayne.

September 15. . . Hindi ko alam na aabot kami sa ganitong punto. Kahit anong pilit na tanggi ko, sa huli ay dito rin pala ang bagsak namin. I know it's too risky but can't I just let myself be happy with him even though it's only temporary?

I was pulled from my own deep thoughts nang mag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng bedside cabinet. Wondering who it was, I reached for it and quickly checked on it.

Napangiti ako. Si Wayne pala.

Pagkatapat ko palang nito sa tenga ko ay narinig ko na agad ang boses niya. "Bakit gising pa ang girlfriend ko?"

I just suppressed my laugh. He's just too cute. "Hindi ako makatulog. E bakit gising pa rin ang boyfriend ko?"

"Hindi rin ako makatulog," he said as he stifled a laugh. "Ikaw ah, Chels. Humihirit ka na rin ng ganyan."

I just let out a chuckle for him to hear my reply. Wala akong masabi. Sa totoo lang, na-coconscious na ako bilang girlfriend. I just wonder why my past relationships ended failingly. Nasa akin ba ang mali?

"Oh, natahimik ka dyan? May problema ba?" narinig kong sabi niya.

Natatakot ako na baka maging boring na girlfriend lang ako para sa isang Mark Wayne Madrigal.

"Wayne..."

"Hmm?"

Bumuntong-hininga ako. "Boring akong girlfriend."

"Hindi ah," tanggi agad niya.

"Hindi tayo pwedeng umakto na ordinary couple dahil alam mo naman yung sitwasyon natin. You'll find me lame, eventually." halos pabulong na sabi ko.

I heard him smile. "Anong lame? May thrill nga yun, Chels."

"I always get stressed at little things..."

Wayne snorted but surely, he forbade himself from laughing. "If you have a rough day, I'll make you smile. You've always got my back. Ano pa't boyfriend mo ako, 'di ba?"

Lumabi ako. He's twisting whatevery I say. "Gwapo ka. Hindi naman ako ganun kagandahan," nahihiyang sabi ko. Simple lang ako. Kung ihahalo mo ako sa crowd ay hindi mo ako mapapansin. I'm just a typical girl in town. There's nothing special with me.

"Whatever floats your boat... Basta para sa akin, Chelsea, you just look better for me."

Nag-init ang buong mukha ko. Sumeryoso na kasi ang tono ng boses niya. He must be serious at this point.

Wala na tuloy akong maisip. Nalulusutan niya kasi lahat ng sinasabi ko. Natahimik nalang tuloy ako. . . at napangiti sa sarili.

"Hmm, ano pa? May sasabihin ka pa ba?" his voice was a glint of humor. Hindi ako sumagot. "Chelsea, I know it's too soon but I just wanted to say that you'll be the best girlfriend I've ever had. Sa'yo lang ako nahirapan ng ganito. Sa tingin mo ba, hindi ka worth it na maging girlfriend ko?"

The 13th Guy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon