Chapter 18

198 4 0
                                    

CHAPTER 18

AIRA'S P.O.V.

Okay. Tinatamad na naman ako. Pasukan na naman kasi. Anak ng tupa! Di pa ako natutunawan mula sa Noche Buena at Media Noche, aral na naman! Haaayy, di ko talaga maintindihan ang mundo! Bakit ba kailangan mag -aral? Lalo na ang mga babae tulad ko? Mayaman na, maganda pa. Hindi ko kailangan mag -aral kasi madami naman akong pera, tapos di ko naman kailangan magtrabaho kasi mag -aasawa naman ako! Asar talaga! Kung di ko lang talaga namimiss yung boyfriend ko hindi talaga ako papasok eh!  

@School... 

At kahit nga tamad na tamad akong pumasok, heto nasa school ako ngayon. Pagpasok ko, wala pa si sweetheart ko kaya tumabi na lang muna ako sa mga bff ko. 

"Hey dear! Lalo ka yatang nagiging blooming ah! Is that because of Mark? " bati sa akin ni Sherna sabay asar pa with matching pataas -baba pa ng mga kilay sa akin. Ngumiti ako sa kanya at umupo sa tabi niya. 

"Yeah, of course! " sagot ko. 

"Yan tayo pag in love eh nuh? " sabi niya pa. Di na ako sumagot at ngumiti na lang sa kanya ulit. Kelangan pa ba sumagot? Eh kitang -kita naman kung gaano ako kinikilig ngayon? 

At dahil nga sa kinilos ko, bigla siyang lumingon kay Loren na tahimik lang tas siniko at tinaasan ng dalawang kilay sabay ngumuso na para bang nagsasabing 'oh diba? sabi sayo eh!'. Teka para saan kaya yun? Tumingin naman ako kay Loren na siya namang umiwas ng tingin sa akin. Hinayaan ko lang siya kasi wala namang dahilan para iwasan niya ako at bumaling ulit kay Sherna. 

"Ikaw kasi! Magboyfriend ka na ulit para same tayong always blooming! You don't have boyfriend since last month, you're so eeeww! Hindi ka pa din ba nakakamove on kay Mike? " comment ko sa kanya sabay hampas.

"Duh, may bago na akong type ngayon nuh! Pero tong si Loren, napaka ahas! Siya yata yung type ng type ko! The nerve! " asar na sabi niya tas inirapan si Loren na di naman siya pinatulan. Nacurious naman ako. 

"What? Teka nga, bakit anong nangyari? "

"Aira, do you know Nick Sheilds? "

"Nick Sheilds? Wait, he's the son of Mr. Eduard Sheilds right? Diba business partner yun ng dad mo? At anong relate niya sa conversation natin ngayon? "

"Yun nga kasi, I met him last week at grabe talaga yung lakas ng tama ko sa guy na yun. Pero rejected ang beauty ko, kasama ko kasi si Loren at siya ang hiningan ng date! " sagot niya. Natawa ako sa kanya kasi obvious na nanggigigil siya. 

"Oh tapos? Pumayag ba siya? "

"Hindi. " sagot niya sabay iling. 

"Oh yun naman pala eh! Anong arte yan Sherna? Kung ako sayo ipush mo na yan nuh! Hindi naman pala pumayag si Loren eh. Mukha naman kasing may iba siyang type. " sagot ko. Nagulat naman silang dalawa sa sinagot ko. 

O____O 

"Teka, alam mo yung tungkol dun? " biglang tanong ni Loren. 

"Yup! Tatanggihan mo ba ang gwapong si Nick kung wala kang ibang lalaking nagugustuhan? "sagot ko. Yumuko siya at nagsalita. 

"Sorry... "

Huh? Para san yun? 

"Sorry? For what? " naguguluhan kong tanong. 

"Hindi ka ba galit sa akin? " tanong niya ulit kahit di pa sinasagot ang tanong ko. 

"Of course not! Unless you did something wrong with me. So tell me Loren, why are you acting like that? Meron ba akong hindi nalalaman? " tanong ko. Sasagot na sana siya pero nakita kong inapakan siya ni Sherna para manahimik siya. Naguluhan ako dun. Lalo pa nung nagtinginan silang dalawa na para bang may gusto silang itago sa akin. Hmmmm... so ganun? Nakaka- OP hah! Kaming tatlo na nga lang ang magkakaibigan tas paglilihiman pa nila ako? Okay... malalaman ko din yang tinatago nila! 

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon