Chapter 28

228 4 1
                                    

CHAPTER 28

V's P.O.V.

Heto nakakain na ako lahat -lahat, nanawa na ako kakanuod ng TV, kakabasa ng magazines, kakapakinig ng mga kanta ng BTS, at inantok na pero nung makita ko ang monitor sa may pinto, nagulat ako nung makita pa din ang higad na yun na naghihintay sa labas ng unit ko. Aba... matindi! Halos mangawit na din siya sa kakaintay pero matibay ah! So amazing!

Pinabayaan ko na lang siya dun at naghintay ng pagsuko niya. Binantayan ko siya hanggang sa maisipan niyang umalis. Pero tatlong oras na ang lumipas, hindi pa din siya sumusuko. Tinignan ko yung alarm clock, 5:30 p.m. na. Hala!? Grabe ang effort niya!? Hapunan na hah! Tsk. Kanina pa siya diyan, mukhang di pa siya kumakain ng lunch. Hindi pa ba siya uuwi?

Fine. Fine. Fine.

Oh sya! Nakukunsensya na ako. Sige na, lalabas na ako para mabilhan na siya ng pagkain! Oy baka isipin niyo may gusto ako sa kanya hah, baka lang mamatay to mangamoy pa sa tapat ng bahay ko -___-

Agad akong kumuha ng pera sa wallet at lumabas. Pagtunog pa lang ng pinto, naalarm kaagad siya at napatayo. At pagkakitang-pagkakita niya kaagad sa akin, nakita ko kaagad yung pagningning ng mata niya at pagwide ng ngiti sa labi niya.

"\(*0*)/ V!!!!!! " unang lumabas sa bibig niya. Hindi ko naman siya pinansin at pumunta sa elevator kaya hinabol niya kaagad ako. Ng bumukas ang elevator, pumasok kaming dalawa kasabay ng pagpulupot niya sa akin.

"Hihihi! Buti na lang V lumabas ka. Kanina pa ako nag -aantay dun eh. Pero okay lang sa akin :) Lam mo namiss kita kaagad :) " sabi niya sabay yakap sa akin. Ako naman tong si tanggal ng tanggal.

"Ano ba lumayo ka nga sa akin!! " naiirita kong sabi habang tinutulak siya palayo. Kaasar tong babaeng to, lumalabas pagkalalaki ko sa kanya eh.

"Ouch!! Magpaka gentleman ka nga! Lagi mo ko sinasaktan! "

"Kung ganyan inaasal mo, sasaktan talaga kita palagi! " gigil na gigil kong sabi sabay sinakal siya. Halos masuka na siya sa ginawa ko pero maswerte siya at nag open na yung pinto ng elevator at nakita ko ang madaming taong naghihintay kaya natigil ako.

"Grabe ka talaga sa akin! You're so mean! Mabuti na lang mabait ako kundi pinatulan na kita dyan! " sabi niya habang hinihilot yung leeg niya. Lumabas na kami ng elevator at pumunta sa isang grocery store.

"Wow. Mabait ka pa niyan sa lagay na yan hah? Kumusta naman ang pambubully mo sa school?"

"Bakit sinabi ko bang sa lahat? Sayo lang nuh! Kasi special ka sa akin! Diba sabi ko sayo, sa lahat ng ginagawa ko, ikaw lang ang exception? "

"K. Don't care. " sabi ko tas umirap at pumasok na sa loob. Humabol ulit siya sa akin.

"Wui, oo nga pala. Bat bigla ka lumabas hah? " bigla niyang natanong.

"Pumili ka na dito ng gusto mo. " sabi ko sabay tinuro yung mga pagkain sa grocery store. Once again, nagspark yung mga mata niya at ngumiti ng wagas.

\(*0*)/

"W -wait... WOOOOOAAAHHH!! DINGA? Bibilihan mo ko? Bumaba ka para pakainin ako?? Yieeeee sabi na concern ka sa akin eh! Di mo rin ako matiis nuh!? Hihihi >\\\< " sabi niya.

"Wag ka na maingay, para kang taong bundok. Pumili ka na bago magbago isip ko. " sabi ko.

"OKAAAAAYYY ^___~" sagot niya tas pumili na. Aba grabe, butas ang wallet ko sa kanya! Daming binili may ramen, may chow fan, may siomai, may roasted chicken, blue marlin, may hotdog, clubhouse sandwich, icecream, chocolates, softdrinks, junkfoods... cinareer talaga ang pagbili eh nuh? Porque libre ganyan siya!? Kukuha pa nga dapat siya ng yogurt eh para balance daw sa kakainin niya pero pinigilan ko siya. Ano niya ako sugar? Can't imagine kung tao ba talaga siya, halimaw kung kumain eh tsk.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon