Chapter 127

105 4 0
                                    


CHAPTER 127

"Dali na besplen!!! Tulungan mo ako ditong mamili!!!" pilit sa akin ni Sherna habang niyuyugyog ako. Nandito kasi ako sa mansion niya kasama si Nick tsaka yung parents nilang dalawa. Oh diba OP ako? Anak ng janitor fish -__- Pinapapili niya kasi ako ng magandang motif ng kasal niya tsaka yung design ng wedding gown niya. Eh medyo nakakailang lang kasi hindi naman ako involve dito kaya hindi dapat ako kasali sa pagpaplano ng wedding niya. Pero sabi nga niya kasi, kailangan niya daw ang help ko. Kasi bilang ako daw ang bestfriend niya, bilang babae din daw ako kagaya niya kaya alam ko ang mga gusto ng mga girls, at bilang expert ako sa fashion, alam niya daw na mas gaganda ang wedding niya sa mga suggestions ko. Eh may wedding planner naman diba? Ano siya palamuti? Oh well, pagbigyan ang bestfriend kasi ikakasal na siya.

"Uh... It depends naman sa taste mo eh. Baka kasi hindi mo magustuhan yung mapipili ko for you. " sagot ko naman sa kanya. Kakahiya naman kay Nick, sa akin nagtatanong tong fiancee niya. Kami ba magpapakasal?

"Eh ang problem nga, lahat sila gusto ko kaya I am having a hard time to choose right now! Girl, I badly need your suggestions! Kundi maloloka na ako. " sagot niya.

"Okay fine! Since favorite ko ang color red, red na lang ang motif niyo sa wedding. Okay ba yun?" sabi ko.

"What? Red? Hindi ba masyadong aggressive?" tanong niya.

"Tignan mo to! Nanghihingi ng tulong tapos ayaw din naman pala!" asar na sabi ko. Humalakhak naman siya.

"Ahahahaha! I'm just kidding Aira! Agree ako dyan! I really like red for my wedding! Para class! Para maganda tignan ang buong paligid ng church tsaka para gorgeous din ang dating ng mga abay while they walk down the aisle 'coz wearing red makes a lady sexier. Oh diba?! Ang galing mo talaga pumili ^___^" sabi niya pa. Tapos lumingon kay Nick.

"Lalabs, okay lang ba na red yung motif natin sa wedding? " sabi niya.

"Yeah, it's up to you. Basta ang gusto ko lang maganda ang bride ko sa wedding day :)" sagot naman ni Nick sa kanya. Ang cheesy nila diba? Hagisan ko sila dyan ng daga eh.

"Papa, mom, dad..." tawag naman ni Sherna sa papa niya pati sa mga future in-laws niya. "Okay lang po ba sa inyo?" tanong niya pa kaya tumango silang lahat.

"Of course! Lahat naman ng kulay, bagay sayo :)" sagot sa kanya ng mommy ni Nick.

"Okay. Sige final na! Red na lang ang motif :)" sabi naman niya sa wedding planner na kasama namin kaya sinulat niya kaagad yun sa organizer niya.

"How about the date ma'am, ano po ba yung exact date na gusto niyo para ganapin yung wedding?" tanong nung wedding planner kay Sherna.

"Uhmmm... I'm still not particular with the date eh. Actually, dapat talaga sooner after my graduation. But I think hindi kakayanin because there are still many things need to be managed first. So baka next year siguro. Kapag okay na ang lahat. " sagot ni Sherna.

"Darling, wag muna nating intindihin ang date ng wedding. Hindi pa tayo nakakapag consult sa isang Feng Shui expert kung ano yung lucky date for your wedding." sabi naman ng mommy ni Nick.

"Okay." sagot ni Sherna sa future mother-in-law niya. Tumingin naman siya kay Nick. "Eh how about the venue? Saang church tayo magpapakasal? Gusto ko sa church eh or garden wedding. Tapos yung wedding invitations pala hindi pa natin naaasikaso. Yung catering, until now, hindi pa din ako nakakapili. Pati yung cake, yung mga ii-invite natin... My gosh. Ang dami pang dapat intindihin! How about my wedding dress? Ano kayang design? Lalabs? Ano sa tingin mo ang bagay sa akin? " sabi ni Sherna kay Nick. Grabe bisi-bisihan ang lola ko ngayon! Pero alam kong masaya sa pakiramdam yan. Nakikita ko sa mga tingin at ngiti nila eh. Worth it ang pagod basta kasama nila ang isa't-isa. Worth it ang stress kung sa huli, makakasama mo naman forever ang napili mong partner in life. Napangiti talaga ako. Happy ako para sa kanilang dalawa. Tuloy na tuloy na kasi yung wedding eh. Parang kelan lang batang uhugin pa tong bestfriend ko. Dati nakasuot pa yan ng pampers si Sherna sa tuwing pumapasok kami sa school. Tapos ngayon, ready na siyang magkaroon ng pamilya. Ikakasal na siya! Ang bilis ng panahon... Yung bestfriend ko, nahanap niya na yung 'the one' niya. Huhuhu nakakaiyak xD Joke lang. Ako kaya? Kailan kaya ako ikakasal? Nahanap ko na kaya ngayon ang 'the one' ko?

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon