Chapter 73

105 3 0
                                    

CHAPTER 73

AIRA'S P.O.V.

"What? As in si Nick Sheilds? Yung endorser ng company product niyo at the same time, best friend mo na super duper type na type mo to the highest level na kinuwento mo sa akin noon yung fiance mo?! " mahaba at mabilis kong tanong kay Sherna sa sobrang gulat nung ikuwento niya sa akin lahat ng nangyari sa kanya kahapon. Mabuti nga, hindi ako napasigaw eh kasi kasalukuyang nagkaklase kami ngayon. Kaya mabuti na lang talaga, nagpapasalamat ako sa sarili ko at hindi ko binirit ang aking voice ng bonggang bongga sa gitna ng pagdadaldalan namin ni Sherna at ni Mark. Well, magkakatabi naman kasi kami eh kaya dinig naman namin ang isa't -isa kahit nagbubulungan.

"Yeah. Siya nga." problemadong sagot sa akin ni Sherna.

"Tapos umamin siya sayo kahapon na love ka na din niya? " follow up question ko naman sa kanya. Tumango naman siya sa akin.

"Anong sagot mo? "

"Uh... wala. Sabi ko lang, ayoko." Sabi niya kaya nahampas ko siya ng mahina sa kamay.

"Oh ayan naman pala eh! Anong inaarte mo day?! Nagpapakipot ka? " sabi ko pa.

"Hindi yun ganun nuh. Ikaw kaya sa situation ko. Tignan ko lang kung hindi ka mahilo kung anong gagawin mo. Mahirap na magtiwala, malay mo nga kasi diba, baka isang malaking bluff lang yun. Tas ako pa ang magmukhang kawawa at the end. " sagot niya sa akin.

"Psh. Totoo lahat ng sinabi niya sayo Sherna... " comment naman ng katabi kong si sweetheart.

"At panu mo naman nalaman, hah? " tanong ni Sherna.

"Shempre lalaki rin ako. Alam ko kung paano magsinungaling ang mga lalaki. " sagot ni Mark.

"Oo nga friend, bat ayaw mo naman siya bigyan ng chance! Pabebe? Pachix masyado? Sige ka, baka magsawa yan. Maghanap ng iba. " comment ko pa.

"Hindi pachix ang tawag dun. Wise!" pangongorect niya naman sa akin.

"Hmmmp! Sherna, hindi ko naman sinabing maniwala ka kaagad sa kanya. Actually, maganda nga sa babae ang wais eh. Pero sana man lang, bigyan mo siya ng chance! " advice ko.

"Oo, kung gusto mo pahirapan mo pa. Basta ang mahalaga, makita mo kung gaano ang effort niya. Makikita mo yan kung gaano ka niya kamahal. " sabi naman ni Mark. Napakamot naman siya ng ulo at nag -isip ng malalim na para bang nagdadalawang isip kung ano ba talagang gagawin niya.

"Ay naku Sherna! Bago ka pa madepress kakaisip dyan. Aminin mo din, kinilig ka din kahapon nung pinagtapat niyang gusto ka niya, nuh? " kantsaw ko pa sabay kiniliti siya tagiliran.

"Uhhh... " pati pagsagot sa tanong ko, nagdadalawang isip siya. Napakamot pa nga ulit ng ulo eh. Tapos nakita ko naman siyang ngumiti ng konti pero pinigilan niya ang sarili niya. "M-medyo... pero konti lang. " hirit niya pa. Tumawa ako.

"Wahaha! Ayieeeee... Kita mo na?! " inasar ko ulit siya at kiniliti.

"Shhhh!! Anu ba?! Tumigil ka nga... baka mapagalitan tayo ni maam! " sita sa akin ni Sherna pero kita naman na pulang pula na siya. Haha! Siguro sa loob-loob ni Sherna, gustong gusto niyang inaasar siya xD Napatingin tuloy ako sa prof na nagtuturo sa harapan. Pero di niya naman kami napapansin kaya okay lang!

"Wihihi!!!! Kaya pala nagmumukmok ang pinsan ko yesterday! Pero himbis na mainis ako, para yatang natuwa pa ako :D Ikaw naman kasi, hindi ka nagkukwento, umaariba ka na pala! Gosh, my dear I'm so happy for you!! Congrats hah, may lovelife ka na ^____^" sabi ko pa. Hindi naman na siya sumagot at ngumiti na lang na nahihiya pa dahil kanina pa siya namumula. Tamang-tama naman ang tapos ng chikahan namin dahil natapos na din ang klase haha! Wala na naman akong natutunan for this day xD

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon