Chapter 64

113 5 0
                                    

CHAPTER 64

-Knock knock-

"Maam, buksan niyo na po yung pinto. May dala akong pagkain, kanina ka pa po hindi kumakain eh. " narinig kong sabi ng yaya ko mula sa labas.

UWAAAAAHHH!! T___T ANAK NG CHEESE BURGER NAMAN OH. BAKIT MO NAMAN BINANGGIT NA MAY PAGKAIN KANG DALA?! YAYA NAMAN EH!

Kanina ko pa kaya iniiwasang mag -isip ng pagkain. Kanina pa ako gutom eh >__<

Haaayy... bakit ko ba kasi kailangang magdusa ng ganito? Bakit ko ba kasi naisipang magwalkout effect? Eksena ko eh nuh? Hindi ko naman gustong gawin yun eh, kailangan ko lang gawin lahat ng yun para maging makatotohanan ang palabas. Pero panu na to? Kanina pa nagmumura yung tyan ko?? TT.TT

"Get lost yaya! I'm not hungry so can you please stop bothering me?! " sigaw ko. Pero ang totoo talaga niyan, kating -kati na yung kamay kong buksan ang pinto.

"Maam... hindi po pwede yun! Kailangan niyong kumain, baka magkasakit kayo." sabi niya pa.

"I said I'm not freaking hungry! What part of those words, you don't understand, you bastard! Kung gusto mo, ikaw ang kumain niyan if you want! Umalis ka na nga, bago pa ako mainis sayo! " sigaw ko. Ayt. Bad Aira! -.-

"Sure ka ba maam? Sayang pa naman tong niluto ko. Para po talaga sa inyo to eh, favorite niyo pa naman to tas hindi niyo kakainin." sabi niya. Teka favorite ko?

"Favorite? Bakit? Ano ba yung niluto mo? " nacucurious kong tanong.

"US BEEF SALPICAO PO. Favorite niyo po to diba? "

OH MY! OH MY! FAVORITE KO NGA YAN! NAKU PANU NA TO? ANG MGA ALAGA KONG ANACONDA SA TYAN, NAGWAWALA NA!!!

UWAAAAHHH! HINDI! HINDI AKO MAGPAPATINAG! PANGANGATAWANAN KO TO! >.< TAMA LANG SIGURO TO, PARA NAMAN MABAWASAN ANG BILBIL KO! KAILANGAN KONG MAGDIET!!

"Yan lang? Walang dessert? " oooppss... sabi na ngang wag magpatinag, Aira eh!

"Syempre naman po di ko makakalimutan yun! Kayo na po bahala pumili dito, madami po kasi akong dinala. May red velvet cake, may icecream, may pizza, cheese burger, at may pesto pasta. "

Wow. Ang mga mouthwatering desserts, nandyan na sa labas, hinihintay na kainin ko sila... My goodness, napakaheavenly na kainin ko lahat ang mga yun! Waaaahhh tukso! Tukso! Layuan mo ako!! >__<

"Walang French fries? " tanong ko.

"Ay oo nga pala, nakalimutan ko pong banggitin. Meron po syempre. "

"Anong flavor ng icecream? "

"Sansrival po tsaka cookies and cream. "

"Anong panulak? "

"Depende po. Meron ditong ice tea, tubig, tsaka milkshake na strawberry flavor. " sagot niya.

"Yun lang? "

"Opo. "

"Psh. Yun lang pala eh. Okay. " sagot ko.

"Hah? Bakit po? Hindi pa din po ba kayo kakain? " tanong niya. Nagulat naman siya ng biglang bumukas ang pinto at umappear ako sa harap niya. Ang bilis magbago ng isip ko nuh? Kanina pa kaya ako dito sa likod ng pinto. Nilalabanan ko yung sarili kong wag magpadala pero bago pa mag -isip ang utak ko, nauna nang mag-isip ang paa ko at kaagad na tumakbo para pagbuksan si yaya.

"Sino may sabi? " sagot ko sa kanya tas tinignan yung dala niyang mga pagkain. Actually, akala ko mag -isa lang siya, yun pala may katulong siyang magbuhat ng mga pagkain sa sobrang dami ng dinala niya. Napakamot naman siya ng ulo.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon