Chapter 94

132 7 2
                                    

CHAPTER 94

Matapos nung pag- uusap namin, bigla na lang may pumunta sa harap naming dalawa. Pagkatingala ko, yung mga umapon pala sa akin ang mga yun.

"MY GOD AIRA! We've been looking for you! Sobrang nag -alala kami sayo. Akala namin, napano ka na? You okay? May nangyari bang masama sayo? " sabi nung babae sabay niyakap ako ng sobrang higpit. Nakita ko naman si Mark na ngumiti sa akin na para bang nagsasabing 'See? Mahal na mahal ka nila'

Pagkatapos nun, lumingon yung babae kay Mark. Bigla naman siyang napabitaw sa akin sa gulat.

"Mark? Magkakilala kayo? " nagtatakang tanong niya. Ako din nagtaka kasi kilala niya si Mark. Ngumiti naman si Mark sa kanya.

"Actually ngayon ko lang siya nameet Tita. " nagbuntung hininga naman yung babae sa sagot ni Mark.

"Mabuti naman at ikaw ang nakakita sa kanya. Let's go :)" sagot niya tas niyaya na kaming maglakad pauwi. Dun ko nalaman na kilala nila si Mark kasi kapitbahay lang pala nila

"Thank you Mark hah, at sinamahan mo muna tong anak namin habang wala kami. " sabi nung lalaki kay Mark nung makauwi kami.

"Wala po yun :)" sagot naman sa kanya ni Mark.

"Gusto mo ba munang kumain dito? "

"Ay hindi na ho. Uwi na ako, I'm sure my mom is looking for me :)"

"Okay. Bye :)" sagot sa kanya tas sabay kumaway. Ngumiti naman ulit si Mark tas nawave din ng kamay. Pero bago siya tuluyang umalis, tumingin siya sa akin.

"Bye Aira! Nice meeting you :)" tapos tumalikod na siya at naglakad palayo.

Pagkatapos nun, dinala kaagad ako nung babae sa isang kwarto. Sobrang manghang- mangha ako sa nakita ko. Bukod sa malaki, gustong gusto ko pa yung mga bagay sa paligid. Puro laruan... May life size pang barbie doll pa na nakadisplay. Para akong nasa bahay ni Barbie sa sobrang dami ng magagandang bagay at halos lahat ng nakikita ko, color pink. Puro gadgets pa... Yung iba nga, ngayon ko lang nakita eh. Ang laki din ng kama at ang lambot- lambot pa. Yung tv, ang laki din. Para akong nasa sinehan.

"Wow!! *0* Ale... Sa akin lahat to?" tuwang - tuwa kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

"Mmm- mmm. Nagustuhan mo ba?"

"Hehehe opo :)" sagot ko.

"Sabi sayo eh, just ask anything and I'll grant it for you :)"

"Talaga po?"

"Syempre naman! Love na love kaya namin ang nag-iisa naming daughter! Kaya sisiguraduhin naming iispoil-in ka namin sa pagmamahal :)" sagot niya.

"Wow! Thank you po ^___^" tuwang- tuwa kong sabi sa kanya sabay niyakap siya. "First time ko lang magkaron ng ganito. Si nanay kasi, kahit kelan hindi ako binilhan ng mga gusto ko eh kasi wala siyang pera. Salamat po ah :)" sabi ko.

"Basta para sayo, baby! :) Pero I have one condition para masunod lahat ng gusto mo. " sabi niya kaya lumingon ako. "Kelangan tawagin mo akong Mommy Donna. Ang pangit naman kasi kung palagi kong maririnig sayo na tinatawag mo akong ale >___<" sabi niya pa. Natawa tuloy ako.

"Haha okay po :D"

"Oh sige, maligo ka muna para malinis ka. Tas papadala ko na ngayon kay yaya mo yung food mo para makakain ka na after mong mag take a bath hah. " sabi niya.

"Talaga po? Hindi ko na kailangang magluto?" tanong ko.

"Haha! Oo naman baby! Dito prinsesa ka, hindi ka katulong kaya lahat ng bagay iaabot na lang sayo :)" sagot niya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon