Chapter 30

177 4 5
                                    

CHAPTER 30

LOREN'S P.O.V.

"Oh? Loren ano pang ginagawa mo dito? Hindi ka pa ba umuuwi? " biglang tanong ni Mark na halatang galit ang expression ng mukha. Napakamot ako ng ulo. Nakakatakot siya eh, parang hindi siya natutuwang nakikita niya ako ngayon.

"Ehehe... gusto lang naman kita samahan. Kanina pa kasi ako sa labas binabantayan ka pero mukhang walang planong pumunta ni Madam dito eh kaya nilapitan kita ulit kaso may kinausap ka sa telepono at mukhang si madam yun. Sorry na talaga. Mukhang nakadagdag lang ako sa init ng ulo mo. Sige uwi na ako, ba-bye. " nangangatog kong dahilan at pagkatapos ay tumalikod na sa kanya para umalis.

"Uh Loren sandali lang." ang kaso bumalik ulit ako sa kanya nung tawagin niya ulit ako. "Samahan mo ako dito." dagdag niya.

"*0* T -talaga? " tumango siya kaya tumakbo kaagad ako sa table habang pumapalakpak. Tinignan ko yung mga pagkaing inorder niya... WOOOOOW ANG SARRRRRAAAAAAAAPP!! Pang richman lang to oy! Sinuswerte nga naman oh!

"Talaga bang okay lang? Pwede ng kumain? " tanong ko ulit. Tumango ulit siya. This time, nakakangiti na siya hindi gaya kanina. Nung pumayag siya, nilantakan ko kaagad yung katapat kong pagkain. Hmmmm... salap salap ^___^ Si Mark naman, napansin kong pinapanuod lang akong kumain habang nakakalumbaba. Nahiya tuloy ako, kalat-kalat pa man din yung sauce sa bibig ko.

"Ano ba, wag mo ko panuorin! Kakailang naman oh! Kumain ka kaya!! " sabi ko sa kanya. Natawa siya.

"Haha! Bakit ba? Ang saya mo kaya panuorin kumain. Ang cute mo haha... " sabi niya. KYAAAAAAAAHHH Oh my gosh, cute daw ako! Kanina sinabihan niya ako ng maganda, tas ngayon.... waaaaaaahhh para na akong hihimatayin ngayon >\\\\<

"Kumain ka na. Uubusin ko to lahat!! " panakot ko. Tumawa ulit siya.

"Haha! Oo na ho, eto na ho lola. " sabi niya tas kumain na din sa wakas.

Maya-maya, sa gitna ng pagkain namin, bigla akong napatingin sa mga regalo niya. Ang dami, may isang malaking bouquet ng flowers, may jewelry na sa tingin ko mamahalin, teddy bear na mas malaki pa sa tao, malaking case ng chocolates, may dalawa pang malalaking paper bag na sa tingin ko branded na sapatos or bag or dress yun. Lam mo naman si madam, di papahuli sa fashion yun. Haaayy, swerte talaga niya... Mahal na mahal siya ng mahal ko. Ako kaya? Kelan kaya ako bibigyan ng ganyan ni Mark? AY... wahaha! Assuming naman daw ako xD Iniisip ko pa yung mga bagay na yun, kahit kelan hindi naman mangyayari yun. Kitang si Aira lang ang babaeng nakikita niya.

Sa gitna ng pag -iisip ko, natigil ang pagtitig ko ng biglang magsalita si Mark.

"Gusto mo lahat to? "

"Huh? " yun lang ang nasagot ko sa kanya. Bigla niya namang inabot to sa akin lahat. Oo, as in lahat! Wala siyang tinira.

"Sige, sayo na to lahat. " sabi niya. HUWEH? DI NGA? GRAAAABBBEEE NAMAN! Bakit niya binibigay lahat ng to eh para to kay Aira?

"Ah hindi! Sorry napatitig lang ako dyan! Hindi ko intensyon na hingin yan sayo. " sabi ko.

"Hindi Loren... gusto ko talagang ibigay to sayo. "

"Hah? Pero bakit? Kay Madam lahat ng yan diba? "

"Sige na kunin mo na yan dali. "

"A-ayoko. Hindi na, ano na lang iisipin ni madam? " pagtanggi ko. Pero bigla niyang nilagay lahat ng regalo niya sa akin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya binalak kong ibalik to kung san to nakalapag kanina. Pero bigla siyang tumitig sa akin.

"Sige na kunin mo na to kundi magagalit ako sayo. " sabi niya. Hindi ko tuloy nagawang ibalik yun sa kanya at napaoo na lang. Natatakot kasi akong magalit siya sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon