Chapter 29

134 3 0
                                    

CHAPTER 29

LOREN'S P.O.V.

Matapos namin magdate ng best friend kong si Sherna, heto pauwi na sana ako pero bago pa ako makasakay sa terminal, nakita ko si Mark sa isang restaurant, mag -isa lang at malamang hinihintay niya na naman si Aira.

"Mark! " tinawag ko siya. Lumingon siya sa paligid para hanapin yung tumawag sa kanya pero hindi niya ako makita kaya lumapit na ako sa kanya.

"Wui Loren! Andito ka pala! Daming flowers ah! Ganyan talaga pag maganda nuh? " sabi niya nung makita yung mga natanggap ko ngayong valentines day.

>\\\\\<

My gosh. Ano tong sinasabi niya? Loren... pigilan mo sarili mo! Baka mahalata niyang nagbablush ka!

"A-ah... h-hindi naman. Grabe ka... " comment ko na lang. Ano ba nauutal ako! Mark kasi pinapakilig ako eh! Maganda daw ako? Yieeeee hihihi... ang landee ko -__- Sa anim na nagbigay sa akin ng flowers at gifts ngayong valentines day kabilang na si Nick, kahit gaano kabongga yung surprise nila sa akin, mas kinilig pa din ako sa sinabi sa akin ni Mark kahit napakasimple lang nun at walang kahulugan.

"Sus, humble. " comment niya. Ayoko na ng ganitong usapan, nanginginig ako.

"Uh... anong ginagawa mo dito? Hinihintay mo ba si madam? " bigla kong natanong. Tumango siya.

"Oo, may date kasi kami ngayon eh. Pero isang oras na siyang late. Alam mo ba kung nasan siya? " tanong niya.

"Uhhh... hindi eh pero ang alam ko kasama niya kanina si Vincent. Hindi niya ba nabanggit yun sayo? "

"Alam ko. Nagpaalam siya sa akin. Nakakapagtaka lang at wala pa siya hanggang ngayon. "

"Baka naman nag enjoy kasama si Vincent kaya nakalimutan ka niya!? Pinagpalit ka na nun. " bigla kong nasabi. Take note, ang lakas pa ng boses ko at deretsahan talaga. Napatitig tuloy sa akin ng wala sa oras si Mark. Haaayy tangang babae! Di ako nag -iisip! Bakit ba masyado akong pranka?

"Ehehe... joke lang! ^__^v " bawi ko na lang. Ngumiti na lang siya. Sobrang nakakahiya ako. Mabuti pa lumayas na ako ngayon din. Tama, yun ang tamang gawin.

"Uhm Mark, una na ako ah. Baka makaabala ako sa inyo mamaya sa date niyo. Wag ka mag -alala, padating na din yun. " sabi ko sabay tayo at kumaway. Ngumiti siya kaya umalis na ako. Naku sana talaga hindi na dumating si Aira!

Lumabas na ako ng restaurant. Pero nung lingunin ko ulit siya sa loob, parang hindi yata makagalaw yung mga paa ko. Ayoko umuwi. Ayoko siyang iwan. Gusto ko siyang bantayan. Kahit ba sabihin na nating ayokong dumating si Aira dahil ayokong magkaroon sila ng panibagong bonding time, naaawa pa din ako kay Mark dahil matyaga siyang naghihintay dyan.

Umupo muna ako dun sa may labas para bantayan si Mark. Lumipas ulit ang isang oras, wala pa ding Aira Rosenweig na nagpapakita. Ano ba naman kasi yan! Wala ba siya pagpapahalaga? Kung ako lang sana ang girlfriend ni Mark, hindi ko siya paghihintayin. Bawat oras na pwede ko siyang makasama susulitin ko. Pati mga effort niya, maaappreciate ko. Kita mo naman oh, ang daming dala ni Mark para kay madam pero halos malanta na yung flowers, hindi pa din siya dumadating?

------

MARK'S P.O.V.

9 pm. Ang tagal -tagal niya dumating!! Nauubusan na ako ng pasensya. Umiinit na ang ulo ko kakaintay sa kanya kahit ayoko. Pinipigilan kong wag magalit pero halos tumirik na mata ko kakahintay, wala pa din siya! Nagugutom na ako! Naiisip ko pa tuloy yung sinabi sa akin ni Loren kanina. Posible kayang nag enjoy siya kasama yun? Kinalimutan niya na ako. Gusto niya na ba yung bading na yun? Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi niya ako sinasagot dahil nakapatay ang phone niya. Lalo niya lang pinapatunayan na tama yung hinala ni Loren sa kanya. Haaayy... pag nalaman ko lang talagang totoo yun di ko lang talaga alam ang gagawin ko!

Dialing Sweetie pie...

Last try na lang talaga. Masisiraan na ako ng bait dito kakaisip kung ano nang nangyayari sa kanya! Mabuti na lang, sa wakas sumagot na din. Hindi ko alam kung panu kokontrolin tong emosyon ko.

"Hello!? :)" sagot ni Aira na para bang natutuwa pa. Wow, kakainggit naman siya, ako asar na asar na dito kakahintay sa kanya tas siya ang saya niya?

"Hey ano ba sweetie pie ko asan ka na ba!? " ayan. Galit na talaga ako.

" uh sorry!! Kas--" sabi niya pa. Pinutol ko na yung sinasabi niya kasi mas marami akong gustong sabihin sa kanya. At isa pa, ayoko marinig ang mga dahilan niya.

"Ang tagal ko na naghihintay dito! Ano ba hindi ka pa ba tapos dyan sa bading na yan? "

"H-hindi, kasi I'm here sa elevator nastock ako..." sagot niya. Sus, alibi.

"Really? Baka naman kasama mo pa siya?"

"yeah but-- " sinasabi na eh! Haaayy nako talaga!

"See? Di ka pa ba nagsasawa? Kanina pa kayo ah! Enjoy ka na porque pumayag lang ako sa gusto mo? Aba... abuso hah! "

"hala!? No I'm serious, diba nga I said nastock ako sa elevator? What do you want me to do? Ginusto ko ba to? "

"Oo! Mas ginusto mong gumawa ng kwento at piliing kasama siya kesa sa akin!

"Wow! So ganun pinaghihinalaan mo ako? " nagtaas na din siya ng kilay. Siya pa may ganang magalit.

"Yes! Because all of the words coming from your mouth is just a lie! You're such a liar! Puro ka alibi!

"TOTOO NGAAAAAA! Bakit ba ayaw mong maniwala? " sumisigaw na siya kakatanggol sa sarili niya pero hindi ko magawang maniwala.

"Because you're telling me lies! Kung talagang gusto mo ko kasama edi sana andito ka na ngayon!? Ilang oras na ako dito hoy! Ikaw enjoy na enjoy ka pa dyan at kinalimutan mo pa ko."

"No! Y-you know that's not true!! "

"This is the truth! Binabalewala mo lang ako! G*nag*go mo ko! So, do you have plan to come here? Wala na no? Sige... gumanyan ka lang! Masyado kang paimportante, gusto mo lagi kang hinihintay. Aalis na ako! "

"Wait! Anu ba, pwede bang habaan mo muna yang patience mo? "

"Bakit ko pa hahabaan!? Eh ikaw nga hindi mo man lang hinabaan yung pagmamahal mo sa akin eh! Pinagpalit mo kaagad ako sa bading!"

"Ganun?"

"Oo! Tama ako diba!? Kaya yan lang naisagot mo at hindi mo kayang idefend ang sarili mo kasi totoo."

"Stop accusing me! "

"Kung ayaw mong akusahan kita, kumilos ka ng maayos! "

"Ano ba pinuputok ng buchi mo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Meron ka ba?"

"Wag mo ko idaan sa ganyan! It's not funny! Hindi mo na siguro ako mahal! Dun ka na sa V mo! " sabi ko. Matapos nun, huminto muna siya at hindi muna nagsalita. Ewan, nag -isip na naman siguro ng panibagong kwentong ipang -uuto sa akin.

"....This conversation is so pointless." ayun na lang ang nasabi niya. See? Sumuko din siya?

"Talagang pointless. Gusto mo diba ng break up? Granted!! You're free! Go!! Stay with him! Kala mo kawalan ka sa buhay ko? NO! It's better to be alone! Magsama kayo dyan forever! Masaya ko namang kakainin mag -isa lahat ng inorder ko para sayo! "

"What? K. Fine!! SUUURRREE! Mag -isa ka dyan! Masayahan ka sana! "

"Oo masaya ako! Ikaw din sana! Sana maging masaya kayo! Wish you all the best! Mas mabuti pang humanap ako ng babaeng mas better sayo!" sabi ko. Naiinis na ako kaya kahit may sasabihin pa siya, pinatayan ko na siya ng phone.

"Really? W -wait! Wait!!" "

-Tooooooooottt!-

Pagkatapos nun, binato ko sa table yung cellphone ko. Nagulat naman ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Loren.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon