Chapter 69

130 5 0
                                    

CHAPTER 69

V'S P.O.V.

Hinatid ko kaagad si Aira sa kwarto matapos ko silang mahuling nag -aaway nung Helga na yun para naman makapagpahinga na siya. Grabe, halos kinabahan ako kanina nung makita kong kamuntik na siyang masaksak nung babaeng yun.

"Salamat hah... Sige V, papasok na ako. " sabi niya sa akin habang hindi makatingin sa akin ng deretso sabay binuksan na ang pintuan at pumasok na kaagad. Teka, nahihiya ba siya sa akin?

"Teka... " sabi ko sa kanya sabay hinila ulit siya pabalik sa akin. Nagtaka naman siya kung anong kailangan ko kaya naman hinintay niya ang susunod kong sasabihin.

"Hahayaan mo na lang ba yang mga sugat mo? " tanong ko sa kanya sabay tinuro yung mga kalmot niya sa may baba ng mata niya at sa noo na gawa siguro ng pagkakasabunot sa kanya. Pati na din yung tatlong mahahabang kalmot niya sa braso na hanggang ngayon umaagos pa din ng dugo.

"Ah... sige, ako na bahala gumamot nito. " sagot niya tas nagtangka na namang talikuran ako. Hinawakan ko naman ulit siya sa kamay para pigilan siya.

"Ako na. " sabi ko tas nauna ng pumasok sa kwarto niya habang hawak ang kamay niya.

"V... " tumigil siya sa paglalakad kaya naman pati ako napatigil. "Kaya ko naman na to... wag ka na mag -alala. "

"Aira, alam kong gusto mo lang akong umalis ngayon dahil ayaw mo sa akin. Pero please naman oh... kahit ngayon lang pagbigyan mo naman ako. Gusto kitang gamutin... Gusto kitang alagaan gaya nung ginawa mo sa akin nung ako naman ang nasugatan. Kaya please, hayaan mo na ako. " sabi ko sa kanya. Hindi naman siya sumagot at yumuko na para bang pinag -iisipan kung papayag ba siya o hindi. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinaupo na siya sa kama niya. At ako naman, kinuha ko na ang first aid kit sa cabinet. Wala namang makakapigil sa akin kung gusto ko talagang tulungan siya eh. Matapos kong kunin ang first aid kit, pumunta kaagad ko sa harap niya at tinignan ang mga sugat niya.

"Haaayy... grabe naman! Ano ba yung nakaaway mo, leon? " comment ko habang hawak ko ang mukha niya at tinitignang mabuti ang sugat niya sa mukha. Ang dami eh, tapos ang tindi din ng sugat niya sa braso. Pero alam ko namang mas madami yung nakuhang sugat ng nakaaway niya. Si Aira pa ba? Hindi yan papatalo! Sa comment ko, hindi naman siya sumagot kaya kumuha na ako ng bulak at alcohol.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit naman kayo nag -away? " tanong ko sa kanya.

"Psh! Matagal na kaming magkaaway nun." sagot niya sa akin.

"Eh ano ngang dahilan kung bakit nagsabunutan kayo kanina? " tanong ko sa kanya.

"Wala! Gusto ko lang siyang inisin kaya pinagtripan ko siya tas tinapunan ko ng juice. Ayoko sa kanya eh, kaya ipararamdam ko sa kanya yun. " sagot niya sa akin. Haaayy... may pagkamasama talaga ang ugali niya ano?

"Tsk. Iwasan mo na nga next time na masangkot sa mga ganyang gulo. Tignan mo tuloy, ang dami mong sugat. "

"Ayus lang! Eh bagay lang naman sa kanya yung ginawa ko nuh! Wala akong pinagsisisihan! Kulang pa nga yung ginawa ko eh! Sana tinuluyan ko na yung hayup na yun. " sabi niya.

"Kahit muntik ka ng masaksak sa likod kanina, wala kang pinagsisisihan? " tanong ko sa kanya. Nagtaas naman siya ng kilay at ngumuso.

"Nakatsamba lang yun!! " sabi niya. Natawa na lang ako sa kanya. Masyado kasi siyang palaban. Ayaw niyang magpadaig.

Hindi na ako sumagot pa sa kanya. At since natapos ko nang gamutin ang sugat sa braso niya, yung mga sugat naman niya sa mukha ang ginamot ko. Kaya lumapit pa ako ng kaunti sa kanya para lagyan to ng gamot. Pero habang busy ako sa pagpunas ng bulak sa may bandang ibaba ng mata niya, bigla ko na lang napansin na nakatitig siya sa akin. Nung una, hindi ko pa pinansin eh. Pero nung tumagal, nailang na ako. Natawa na nga lang ako ng mahina sa kilig at medyo huminto sa paggamot sa kanya. Haaayy Aira, itigil mo na nga kasi yang ginagawa mo! Kinikilig ako eh, matunaw pa ako niyan!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon