Chapter 108

95 3 0
                                    


CHAPTER 108

Pagkabukas ko ng laptop ko, as usual, napuno na naman ang notifications ko. Pero di gaya ng dati, puro bad comments na lang natatanggap ko. Kahit ayokong masaktan, di ko pa din napigilan ang sarili ko na magbasa. Kasi gusto ko din malaman kung ano yung mga pinagsasabi nila. Yung ibang mga tao, nilalait pa din ako. Kesyo anak ako ng kriminal at prostitute kaya ang naging kalabasan, sukdulan din ng sama ng ugali. Si Kuya Jong daw at si Helga ang naging karma ko dahil sobrang haba daw ng sungay ko. At sana daw, kunin na daw ako ng tatay kong kriminal at dalhin niya na ako sa impyernong tinitirhan niya tutal mag-ama naman daw kaming demonyo. Yan ang ilan sa mga nabasa kong post. Sukdulan yung mga pinagsasabi nila sa akin diba? Actually, medyo nakakapag adjust na ako sa mga walang kamatayan nilang panlalait eh. Pero bakit yung iba, nangingielam pa sa buhay ko? May nabasa din kasi ako sa mga nagpost na, sana daw bumalik na ako sa tunay kong pamilya. Wala na akong karapatan magmayaman. Sana daw danasin ko ng maging mahirap. Nakakainis yung mga taong mema ano? Ano bang paki nila kung gusto kong magstay forever dito sa mansion at humiga sa kamang punong puno ng dollars? Badtrip. Memasabi lang! Memaipost lang! Memailait lang! Memaitsismis lang! Yung mga taong ganyan sarap ipasagasa sa tren eh. Ang iingay sa facebook at twitter hindi na lang magsaing sa mga bahay nila. Pero hindi, paano kaya kung pagbigyan ko na lang talaga sila? Nakakapikon na eh. Gusto ko na ng tahimik na buhay. Sawang sawa na ako na simula sa paggising ko hanggang sa matulog ako, puro ganyan na lang sinasabi nila. Ano bang problema nila sa buhay? Inaano ko ba sila? Inis na inis sila sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanila. Hindi rin naman ako sobrang sikat na tao. Hindi ako superstar. Dala ko lang naman yung apelyido ng pinakamayamang tao dito sa bansa pero daig ko pa yung famous celebrity sa dami ng mga bashers at national hero dahil parang lahat yata ng tao kilala na ako. Kaya sige! Tama lang na pagbigyan ko sila para matapos na to. Siguro naman kung babalik na ako sa tunay kong pamilya, tatahimik na siguro sila. Nagkakaganyan lang naman ang mga yan dahil naghahanap sila ng paraan para pahirapan ako. Kapag nangyari na yung gusto nila, I think wala na silang maibabato pa sa akin na issue.

'Fine. As you wish, I'll go back to the family and to the place where I really belong. Just let me live peacefully. I hope all of you would be happy. '

-Post-

Matapos kong magtype sa twitter, cinlick ko kaagad yung post. Sana nga maging masaya na sila dyan sa balitang yan. Nasisiraan na talaga ako ng bait sa mga sinasabi nila eh.

-EEEEENNNGG-

Pero bigla ko na lang narinig yung pinto ng kwarto ko na bumukas. Nung lumingon ako para tignan kung sino yung pumasok, halos hindi kaagad ako nakagalaw nang makitang si daddy pala yung pumasok sa loob ng room ko.

O___O

"Daddy..." halo- halo na yung emosyon ko. Saya, takot, hiya, at lungkot. Masaya akong makita ko ulit siya ngayon, last time na nakita ko siya ay nung Christmas nung nakaraang taon at miss na miss ko na siya ngayon. Gustong- gusto ko siyang yakapin ngayon. Pero natatakot ako sa kanya. Lalo pa at nakita ko siyang seryoso ang mukha. For sure galit siya sa akin. For sure, kakampihan niya si Kuya Jong. Sino ba naman kasi ako? For sure sisigawan niya ako. At for sure itatakwil niya ako at palalayasin niya na ako sa mansion niya. Nahihiya tuloy ako ngayon sa harap niya. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipapakita yung mukha ko sa kanya. Ako yung may kasalanan ng lahat. Ako yung nagdala ng kahihiyan sa pamilya niya. Paniguradong ako din ang dahilan kung bigla na lang isang araw, maapektuhan ang mga business namin dahil sa scandal na nangyari. Nakakalungkot, bakit kailangang mangyari sa amin lahat ng to?

"Aira, what happened? Tell me everything! The news upset me!" sabi ni daddy na may halong galit yung tone ng voice niya. Lalo lang akong napayuko. Tapos, naramdaman ko na lang yung mga mata ko na may tumutulo nang luha.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon