Chapter 34

168 4 2
                                    

CHAPTER 34

Thursday.

-Beep beep-

From : +639*********

Hi! Don't forget our date hah. Magpaganda ka! See you later :)

--

Habang nanunuod ako ng TV sa bahay, bigla naman akong nakareceive ng message from unknown number. Dinedma ko lang to kasi akala ko wrong send lang or nangtitrip. Kaso, nakailang text siya sa akin at sa huli, tinawagan niya na ako. Nagdecide na din akong kausapin siya para malaman kung sino ba talaga siya.

-Kriiiiiinnnggggg kriiingggggggg-

"Hello? Mark kaw ba yan? Nagpalit ka ba ng number? " unang sabi ko.

"G*ga! Mark ka dyan!? Ako to, si Vincent." sigaw niya naman. Nilayo ko nga yung tenga ko sa phone eh, halos sumabog na eardrums ko sa sigaw niya eh.

"Oh! V!! Ikaw pala yan! Panu mo nalaman number ko? "

"Wag mo na alamin. "

"Weh di nga? Panu? Di ko naman binigay sayo number ko ah! "

"Kanya -kanyang diskarte lang yan! Diba nakitext ako sayo last time? Sarili kong number yung tinext ko sa cellphone mo para maforward sakin number mo. Mahirap na, feeling ka na naman pag personal na hiningi ko number mo eh. " sabi niya. Wihihihi... ang kuleet niya, binuko niya yung sarili niya! Haha... V talaga...

"Haha! Okay. Bat ka nga pala napatawag? "

"Tsk! Sabi na talaga eh! Nakalimutan mo na yung date natin nuh!? Kanina pa ako text ng text sayo, dinededma mo. Diba may date tayo ngayon!? " naiinis na sabi niya.

"V, hindi ko nakakalimutan. Sa lahat ba naman ng bagay yun ang malilimutan ko? "

"So you mean...?? Ah okay! Akala ko kasi hindi mo naalala. Mahina pa naman utak mo, nag -alala tuloy ako. " sabi niya. Di ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya eh. Panu ba naman kasi, may halong lait bad trip -___-

"Wag ka ng mag -alala dyan. In fact, sobrang excited nga ako eh :)" sabi ko na lang kahit na sinabi niyang mahina utak ko! Ump! >:(

"Okay. Sige sabi mo eh. Bye na baka mag enjoy ka ng kausap ako eh. "

Tooooooooooottt

Binabaan na ako, bastos -__- Sasabihan ko pa nga sana siya ng I love you eh! Tsk.

Matapos nun, agad na akong nag -ayos para sa "date" daw namin. Naligo na ako, nagbihis at pinili pa ang napakagandang dress na kakabili ko lang kahapon (lam mo naman, di ako nag -uulit nga damit ), nagmakeup, at lahat ng pagpapaganda ginawa ko na! Sabi niya kasi magpaganda ako eh, masunurin lang ako.

Papalabas na ako ng gate ng may biglang nagdoorbell. Nung una inisip ko na baka si V yun ang kaso hindi niya naman alam yung bahay ko. Kaya ng binuksan ng guard yung gate namin, nakita ko si Mark.

"Oh? What are you doing here? You need something? " tanong ko sa kanya. Tinanggal niya naman ang suot niyang shades at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Lakas makamanyak ng tingin niya, napacover nga ako ng katawan ko eh. Kahit ba kasi boyfriend ko siya nuh, di ko kukunsintihin yung pagnanasa niya!

"Teka, may lakad ka? " tanong niya. Ah... yun lang pala ibig niya sabihin. Assuming -___-

"Uhmm oo, lalabas kami ni V :) " sabi ko.

"What? Nagdedate na kayo? Bakit di ka sa akin nagpapaalam? " pagpapagalit niya sa akin.

"Bakit? Ikaw nga hindi nagpaalam sa akin dati na nakipagdate ka kay Loren eh. " sagot ko naman.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon