Chapter 102

84 3 0
                                    

CHAPTER 102

Pagkagising ko kinabukasan, nagulat ako ng pagkamulat ko, si V kaagad ang nakita ko. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog habang nakaupo at nakatungo sa gilid ng kama ko. Talagang pinangatawanan niya yung pagbantay sa akin sa pagtulog ah! As in magdamag siyang nagbantay sa akin na halos hindi na siya nakabalik sa kwarto niya.

-KNOCK! KNOCK! -

-KNOCK! KNOCK! -

-KNOCK! KNOCK! -

Hindi pa nga ako tuluyang nakakabangon mula sa pagkakahiga ko sa kama, biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko ng sobrang lakas at sunud -sunod pa na obvious naman na may mahalagang kailangan sa akin. Nagising tuloy si V sa ginawa nun. Sino ba kasi yun?

Tumayo kaaagad ako para tignan kung sino yung wagas kung kumatok. At pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Kuya Jong ko na may hawak na laptop kaya halos mapaatras ako palayo sa takot ko sa kanya. Mabuti na lang at nandyan si V at tumakbo kaagad siya sa tabi ko. Napatitig naman sa amin si kuya.

"Teka, magkasama kayong natulog?! Ano ba talaga relasyon niyo?" naguguluhan niyan tanong sa amin.

"Halos mabutas na at lumusot dito yung kamay mo sa pinto ko sa sobrang lakas ng pagkatok mo tapos yan lang pala ang itatanong mo sa amin? " mataray na tanong ko sa kanya. Nagbuntung hininga naman siya.

"Bahala nga kayo sa buhay niyo. " sabi niya tapos pumasok na siya ng walang paalam sa loob at nilapag ng pabagsak yung laptop na dala niya sa kama ko.

"Teka, ano na namang problema mo Jong? Ang aga -aga hah... " sabi sa kanya ni V.

"Kayo! Kayo ang problema! " pasigaw na sagot niya. Tapos tumingin siya sa akin ng masama. "Lalo ka na! " sabi niya pa sabay tinuro ako.

"Me? Why me? I didn't do anything! " sabi ko.

"Maang -maangan ka pa hah? Kung ganun, ano to? " sabi niya tas bigla niyang pinlay yung video sa laptop niya. Tas nagulat na lang kami ni V nung mapanuod namin yung video about sa nangyari kahapon. Magmula nung magpakita ng picture si Helga sa mga classmates namin hanggang sa nag -away kami at malaman kong kapatid ko si Loren. Argh... Paanong nagkaroon ng video na ganyan? Nakakainis. At talagang inupload pa sa facebook at sa YouTube ah? Yan tuloy sikat na naman ako. Kaya kung sino man ang nagpost nun, salamat talaga sa kanya ng madami!! AMF.

"Ano? Bakit ka umamin hah?!" galit na tanong niya sa akin. Wow, siya pa tong galit.

"Bakit ba ako yung sinisisi mo hah? Kahit gusto kong itanggi lahat, wala na! Nalaman na nila yung totoo! Kitang kita naman sa mga proofs na hawak niya diba?! " sagot ko naman.

"BAKIT KASI HINDI KA NAG -IINGAT!!? " halos mahigh blood niya ng tanong ulit sa akin.

"Ano bang problema mo?! Kung tutuusin ikaw tong may kasalanan ng lahat eh! Kung hindi ka sana pumunta sa kwarto ko, edi sana hindi tayo nabisto nung tatlong yun! Wala sana silang narinig! Hindi nila sana tayo navideohan. At wala sana tayong problema ngayon! Kaya bakit sa akin ka galit na galit?! Diba dapat mainis ka sa sarili mo? Ikaw yung pasimuno! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!" sagot ko sa kanya.

"ANO?! " galit niyang reaction sa akin sabay hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay at parang sa inaakto niya, gusto niya akong saktan. Mabuti na lang, nandyan si V sa tabi ko.

"Bitiwan mo siya! " sigaw naman sa kanya ni V tapos ay pinilit niyang tanggalin yung kamay ni kuya sa akin.

"Wag ka ngang mangielam dito! Away magkapatid to! " inis na sabi niya. At dahil dyan, tumawa si V.

"Haha! Nagpapatawa ka ba? Diba ikaw tong nagpupumilit na hindi kayo magkapatid? Tapos ngayong nagkakaproblema kayo, ganyan ang isasagot mo sa akin? Alam mo, mas maganda pa ngang nangyari ng lahat ng to eh! Mas gugustuhin ko pang malaman ng lahat na ampon si Aira kesa naman sa magdusa siya sayo para lang maitago yung sikreto ng pamilya niyo. " sagot ni V sa kanya. Whooooo!! Galing -galing talaga ni V! You deserve a clap!! ^0^

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon