Chapter 124

81 3 0
                                    


CHAPTER 124

AIRA'S P.O.V.

Pumasok kami sa school ni V ng sabay habang magkahawak ang kamay. Wala naman akong intensyon magpapansin pero hindi ko akalain na pati pala yung simpleng ginawa namin ni V, big deal na sa kanilang lahat. Kumalat kaagad sa lahat na may relasyon kaming dalawa. Lalo na si Helga na wala pa ding kupas. Oh well, mga inggitera nga naman! Mabuti pa ang baliw nagagamot pero ang inggit wala, forever yan! Kaya intindihin mo na lang sila Aira!

"Well. Well. Well. Ano na namang eksena mo? Magkaholding hands pa kayong dalawa ni Vincent! Bakit? Kayo na ba hah?" tanong ni Helga sa akin. Binitawan ko muna yung kamay ni V at dumistansya sa kanya. Kelangan kong bumwelo eh, at nangangamoy away na naman kami nito ni Helgang inggitera. Syempre nagpataasan kami ng kilay!

"Oo bakit? Naiinggit ka na naman ba?" sabi ko naman. Nakita ko, yung mga classmates kong nakarinig ng sinabi ko, nagbulungan sa sobrang gulat. Tumawa naman si Helga ng malakas. Yung pang-asar! Oo nakakaasar nga eh! Asar na nga yung mukha niya, asar pa yung tawa niya! Sarap niyang sampalin -.-

"Ahahaha! Nagpapatawa ka ba? Bakit naman ako maiinggit? Ganyan ka na ba kahapit hah? Pati bakla pinatulan mo! Wala na kasing nanliligaw sayo eh kaya kung sinu-sino na lang pinapatulan mo ngayon! Oh well, hindi nga pala siya isang 'kung sinu-sino' lang para sayo. Kasi mayaman siya. At siya ang gagawin mong paraan para makapagmalaki ka na naman na may pera ka! Diba? Yun yung plano mong gawin diba? Malaki ang tulong niya sayo! Kumakapit ka sa mayaman kasi isa kang poorita! Dukha! Isang kahig isang tuka! Alila! Alipin! Muchacha! Achay! Hampaslupa! " sabi niya sa akin. Tumingin ako sa boyfriend ko, nakita ko siyang sumenyas na wag ko ng patulan yung demonyitang nasa harapan ko ngayon pero umiling ako sa kanya. Hindi ako papayag ng ganun! Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko! Haha! Meganon?!

"Ang kapal ng mukha mong insultuhin ang boyfriend ko hah! Sino ka para sabihan siya ng bakla hah! Magtabi nga kayo! Tignan natin kung sino sa inyong dalawa ang pagkamalang bakla! Ikaw babae ka, kulang ka na nga sa ganda, ang lakas pa ng loob mong manlait! Kung tutuusin, hindi ka lang mukhang bakla eh. Mukha kang lalaki! Tanggap ko pang ako yung insultuhin mo eh, kasi simula't sapul pinanganak ka ng inggitera. Pero ngayong dinadamay mo ang boyfriend ko, aba hindi ko yata palalampasin yan!" sabi ko.

"Oh bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Bakla naman talaga siya diba? At hindi mo naman talaga siya mahal! Ang totoo niyan, diring-diri ka sa kanya! Tinitiis mo lang ang sarili mo dahil ang plano mo, makawala dyan sa kahirapan! Edi magpabuntis ka na sa kanya now na! Para siguradong hindi na siya makawala sayo at mapilitang maipakasal ka sa kanya!!!" sabi niya. Grrrrr!!! Nakakainis talaga! Napupuno na ako!

"Hoy Helga, wag mo ako igaya sayong cheap! Alam mo nasasabi mo yan kasi naiinggit ka na naman sa akin. Sabi mo, wala ng nanliligaw sa akin kaya ako ganito kahapit ngayon? Eh anong tawag sayo? Palibhasa kasi wala kang boyfriend ngayon kaya mainit na naman ang mata mo sa akin dahil pati sa lalaki hindi mo ako mapantayan. Oh my gosh! Siguro pinanganak talaga ako para kainggitan mo! Lahat talaga ng bagay, ginagawa mong kompetisyon! Nakakatuwa ka! Palagi ka kasing talunan sa competition mong ikaw mismo ang gumagawa eh. Ngayon, sino sa atin ang kawawa? Akong mahirap o ikaw na hirap na hirap na pantayan ako? Tsk. Tsk. Malala ka na talaga. Kung ako sayo sumuko ka na. Magbigti ka na friend. " sabi ko sa kanya. Kagaya ng palaging nangyayari, at the end of the day, siya na naman ang halos mapatayo sa sobrang pikon. Siya yung nagsimula, sa huli siya tong asar na asar. At alam niyo kung anong favorite niyang dialogue? Syempre ano pa ba! Edi 'Anong sabi mo?!' tapos sabay aamba pa yan na susugurin ako ng sabunutan. Oh ano? Pustahan tayo.

"Grrrr!! Anong sabi mo?!" inis na sabi niya sabay lumapit sa akin para sabunutan ako. See? Sabi sa inyo yan ang gagawin niya eh. Pero syempre hindi niya yun natuloy dahil cinover kaagad ako ni V. HA!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon