Chapter 8

294 6 1
                                    

CHAPTER 8

V's P.O.V. 

Pagkatapos ng klase at matapos ang nangyari kanina, andito ako ngayon sa gym na laging kong tambayan. Well, lagi akong nandito para... alam niyo na, maghanap ng aura. Dito na lang muna ako magpapalipas ng inis. Para kasi sa akin ito ang right place para sumilay sa mga macho poging mga papa. Kaya nga lagi akong nandito eh, para sumilay lalo na sa crush kong gym instructor na si Jack, at the same time, mag wo-work out na din ako "kuno" para magpalaki ng muscles at maikubli sa kanilang lahat ang aking lihim :) 

Pero ngayon, stop muna ako sa pagbubuhat ng mga barbells. May pinoproblema kasi ako kanina pa. Iniisip ko yung walangyang Airang yun at yung lalaking sumuntok sa aking maladyosang mukha. First time ko kayang majombag! Gggggrrrrrrr!!! Nakakainis sila! Nakakainis talaga yung impaktang higad na yun!! I hate her! I hate her! I hate her! Akala mo kung sino kung makapag utos. Para namang papatulan ko siya! Ang panget niya, kahit mag paplastic surgery siya, pag pinagtabi kami mas maganda pa din ako. Mas mukha pa nga siyang bakla kesa sa akin eh! Nakakairita siya! Gusto ko siyang patayin, sakalin! Sa dinami-dami ng lalandiin niya, ako pa pinili!? Higad talaga! Kumukulo talaga dugo ko sa kanya! Pigilan niyo ako, papakulam ko yun!! >:(

"Oy andito ka pala Vincent eh! Bakit tulala ka dyan!? Tara na let's start!! :)" sa gitna ng pagmumuni ko ay bigla namang may nagsalita mula sa likod ko. Pamilyar ang boses niya pero sa sobrang gulat ko ay...

"KYAAAAAAHHH!!! " 

Napatili ako ng hindi sinasadya. Lahat sa paligid ko, nagsilingunan. Oh no!!!! (>o<) yari na! Panu kung mahalata nila? Eeeeehhh nakakainis naman kasi ehh!! Bakit siya nanggugulat? Lumingon ako sa likod ko. Sino ba kasi yung nagsalita? Mabibisto ako niyan eh! 

Paglingon ko, nakita ko si Jack, ang super duper ultimate crush kong gym instructor. *0* Shocks! Ang gwapo. Pero o-ohhhh... panu na to? Tumili ako? 

"Pre!? Anong nangyare? Bakla ka ba? Bakit ka tumili? " nagtataka niyang tanong. Hala! Panic! Panic! Anong idadahilan ko? 

Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng maisasagot. Ano ba naman kasi yan! Ang hirap magtago ng kasarian! Imbyerna -.- Sa paghahanap ko ng palusot ay aksidenteng napatingin ako sa loob ng ministop na kaharap ng gym na ito. Laking gulat ko ng makita ko dun si higad. Nakaupo siya at nakatingin din sa loob ng gym. Oh my ghiee... parang kanina lang pinapatay ko na siya sa isipan ko tas ngayon, makikita ko siya? At ano namang ginagawa niya dyan? Siguro sumisilay din yan dito! Sus! Siya pa ba? Reyna yan ng kalandian! Basta may gwapo, dun siya!  

Teka nga! Tama!! May naisip ako bwahaha :D 

"Uh.. eh... EHEM. EHEM. " umubo muna ako para palakihin ang boses ko at magmukhang lalaki. "Ikaw naman kasi pre eh, I'm busy staring at that girl, wag ka ngang agaw -eksena dyan! " dahilan ko sabay turo kay higad. Oh Em Gie. Spell Y-U-C-K. Diring -diring ako sa pinagsasabi ko pero I have no choice :(

"Asan? " tanong niya sabay hinanap yung tinuturo ko. Ng makita niya to, bigla siyang ngumiti sa akin. Gwapo talaga! xD 

"Ah... yun ba pare!? " sabi niya sabay suntok sa akin ng mahina sa braso. "Ikaw ah! Type mo? Type ko din yan eh haha! Lagi ko nga din yang sinisilayan dahil lagi siyang nandyan. Ganda noh? " dagdag niya pa. \('0')/ Wat? Maganda? Anak ng tokwa! Ang maganda, yung nasa harap mo! Hindi yang higad na yan! Naghahanap ka pa ng iba dyan, nandito lang naman ako sa tabi mo. Hindi mo ba ako nakikita? Tong lalaking to, laki ng diperensya sa mata! Bad trip yang babaeng yan! Pati ba naman ang baby ko, inaagaw! Hmmmp!!  :/

"ANO!? HINDI KAYA!! " naiinis kong sabi. 

"o____O Hah? Anong sinasabi mo? Diba type mo siya? " 

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon