Chapter 37

177 4 1
                                    

CHAPTER 37


V'S P.O.V.


"Sigurado ka bang gusto mong pumasok dito sa horror house? " tanong ko kay Aira habang nakakusot ang kilay na tinitignan ang labas ng horror house. Andito na kasi kaming dalawa sa tapat samantalang sina Jack naman at yung girlfriend niya, hinihintay namin, may binili lang kasi sila. Pero paglingon ko sa kanya, hala ayun siya malayo ang tingin at ngumingiti mag -isa. Lutang lang? Pumitik naman ako sa tapat ng mukha niya para kunin ang atensyon niya kaya nagising na din siya sa diwa niya.


-Pitik pitik-


"Huy!! Nakadrugs ka na naman! Diba sabi ko magbagong buhay ka na? " sabi ko. Tumawa naman siya tas tinapik yung kamay kong pumitik kanina.


"Haha. Ano ba!? Hindi ako nagdrugs!! :D " sabi niya.


"Eh bakit ka ganyan??"


"Wala, iniisip ko lang yung sinabi mo kanina :) Totoo yung lahat ng yun diba? Sabihin mo nga, hindi ka talaga bading nuh? Nagpapanggap ka lang talaga kasi dati ka pa pala may gusto sa akin eh :)" binatukan ko naman siya sa mga pinagsasabi niya.


-POIIIIINNNNKKK-


"HEY OUCH! ANO BA NAMAN YAAAN!!? " iritable niyang sabi.


"Lakas mong mangarap! Asa ka naman uy! Kahit kelan di mangyayari yun! Hoy babae ka, gusto ko lang linawin sayo lahat, hindi ako nagpapanggap na bading! Tayo ang nagpapanggap na magjowa dito, parehas tayong pusong babae kaya wag kang assuming dyan! " sabi ko.


"What? So you mean, lahat ng sinabi mo earlier was just a lie? Teka paano nangyari yun? Yung ID... yung napkin... paano lahat nagtugma kung hindi totoo lahat ng sinabi mo? " tanong niya.


"Totoo lahat ng sinabi ko about dun! Totoong nakuha ko ID mo, totoong ako yung nagsulat ng message sa napkin. Totoo lahat! Ang hindi lang totoo, yung sinabi kong gusto kita! " sabi ko.


"Weh? Eh bakit mo sinulat yung ganung message sa napkin na binigay mo sa akin? Crush mo na talaga ko noon! UMAMIN KA NAAAA KASIII!! Bistado ka na, in denial ka pa din! " pambubully niya pa.


"Ano ba!? Ganyan ba talaga kaganda ang tingin mo sa sarili mo hah!? Nagkataon lang na nagco-compose ako nun ng kanta para sa music class ko kaya ko yun nilagay. Masama bang binigay ko yun sayo? Kawawa ka kasi, mukha kang tanga dun na umiiyak! " sabi ko pa.


"Ganun? :(" nalungkot na tanong niya. "Akala ko pa naman totoo yun :(" dagdag niya pa.


"Masyado kang kinilig dyan kanina eh, utu-uto ka kasi. " comment ko pa.


"HMMM!! Hindi pa din ako naniniwala!" bigla niyang bawi.


"Isipin mo lahat ng gusto mong isipin! " sabi ko na lang sabay umirap sa kanya.


This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon