Chapter 132

93 4 0
                                    


CHAPTER 132

"Haaay nako, ang mga babae nga naman, ang hirap espelingin." sa gitna ng pag-inom ko ng beer, may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Pagkalingon ko, nakita ko si Jack na nakangiti. Tapos tumabi siya sa akin at uminom din ng beer para damayan ako.

"Bat ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Syempre sinundan kita. Nasa loob kasi ako ng gym nung makita ko kayo ni Aira sa Ministop. Eh tutal nabanggit mo sa akin nung nakaraan na naghiwalay na kayo, nag-alala ako na baka kung anong mangyari sa inyong dalawa kung sakaling mag-away kayo. Parang hindi kita kilala, nagpapakalasing ka parati tuwing may problema kayo ng girlfr--, ay este ex mo pala. At hindi nga ako nagkamali, yan ka na naman umiinom ka na naman. " sabi niya.

"Eh ano bang dapat kong gawin kesa dito? Ito lang naman ang naiisip kong paraan para makalimot. " sagot ko.

"Sure ka ba talagang kaya mo siyang kalimutan? Wala naman yang magagawa eh, mahal na mahal mo siya diba? " tanong niya.

"Sobra." sagot ko habang tumatango.

"Oh edi itigil mo na yan." sabi niya tapos hinila na sa akin yung hawak kong bote ng beer. Pero hindi ako pumayag.

"Kaso hindi niya na ako gusto! Kaya itong beer na lang ang gugustuhin ko! Tutal ayaw niya na sa akin eh!" sabi ko. Tinignan ako ni Jack na parang naaawa na.

"Fre lasing ka na nga. Haaaayyyy nako, kaya ayokong mainlove eh. Masyadong komplikado. Ang corny kapag nasasaktan eh, nakakatawa. Tignan mo ako, hindi nagseseryoso sa babae. Edi hindi ako nasasaktan." comment niya. "Mahal ka non, kaya ka nga niya tinatakwil eh kasi nasasaktan siya kapag nakikita ka. Alam mo ang maganda mong gawin, kulitin mo siya ng kulitin. Hanggang sa magsawa siya at bumigay na sayo. Sumuko na nga siya sa inyong dalawa, pati ba naman ikaw? Kung gusto mo ulit magkabalikan kayo, pakita mong hindi ka titigil hangga't hindi mo siya nakukuha ulit. Para kasi kayong tanga. Masyado kayong mapride. Ako nga gamit ko tide eh. Ang pride parang panty, kung hindi mo ibaba walang mangyayari! Kaya ikaw kumilos ka na ngayon na. Bago pa mahuli ang lahat. " sabi niya pa.

-----

AIRA'S P.O.V.

Pagdating ko sa bahay, nagulat na lang ako ng makita kong yung katrabaho ni Loren na kung hindi ako nagkakamali, Aaron ang pangalan niya. Nakita ko nga din na may dala siyang pasalubong at bouquet ng flowers na malamang para sa kapatid ko. Hmmmmm.... May nangangamoy suitor dito. Ayieeee para sa kapatid kong maganda :D Sa pagpasok ko, gaya nila nagulat din sila sa akin. Kaya ako na din ang naunang bumati sa kanila.

"Uyyyy... May manliliga--, I mean bisita pala si Loren ngyon!!! Hi! Aaron ^___^" biro ko pa sabay nagwave ng kamay habang nakasmile. Nagsmile naman din sa akin si Aaron at nagwave ng kamay. Tapos pinandilatan naman ako ni Loren sa sinabi ko kaya binelatan ko siya nung time na hindi sa akin nakatingin si Aaron.

"Teka ate, anong nangyari sa paa mo?" gulat na tanong ni Loren nung makita akong iika-ika na naglakad. Tinangka pa nga niya akong lapitan para icheck kung okay ako kaso ako na pumigil sa kanya.

"Okay ako. Wag mo na to intindihin, nasugatan lang ako kanina sa ministop pero don't worry ayos na ako :)) " sabi ko sa kanya sabay umupo na sa gilid. Kakahiya naman eh, may nagliligawan sa sala alam namang makieksena ako sa kanila.

"Sure ka okay ka lang ha? " tanong niya sa akin bago umupo.

"Mas okay pa sa okay :)" sabi ko sabay nagsmile at nagthumbs up. Tapos nun, yung kapatid ko pati si Aaron parang bigla na lang napunta sa kabilang dimension ng daigdig. Hindi man lang nila napansin na nasa gilid lang pala ako habang nanunuod sa kanila. Para silang may ibang mundo na parang silang dalawa lang ang tao sa mundong yun. Ang sarap nilang tignan. Ramdam mo na masaya sila at komportable sa isa't-isa. Wala na lang akong ibang nagawa kundi ang titigan sila. Masaya akong nakakakita ng ganyan eh. Parang kailan lang.... Parang kailan lang ganyan kami magngitian ni bakl--. Ay ano ba to, naalala ko na naman siya. Nakakainis, gusto ko ng magmove on. Ayoko na siyang isipin. Ang sakit sa ulo, para akong may migraine ng ten times ang sakit. Ang sakit din ng puso ko, nahihirapan akong huminga para akong may malalang malalang sakit sa puso at asthma. Nakakaloka tong pag-ibig na to. Bwiset to sa buhay! Bat ba ako nainvolve dito? Ayoko na.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon