Chapter 126

65 1 0
                                    


CHAPTER 126

AIRA'S P.O.V.

-Knock knock-

Habang inaasikaso ko yung bunso kong kapatid na si Saint, nakarinig ako ng katok mula sa pinto. At pagkabukas ko, nakita ko si V.

"Hi!! :*" bati niya sa akin sabay kiniss ako sa cheeks. Mas binuksan ko naman yung pintuan para makapasok siya sa loob.

"Oh? Napadalaw ka?" tanong ko sa kanya. Pumasok naman na siya sa loob ng bahay at tumingin sa paligid na para bang may hinahanap.

"Teka? Ikaw lang mag-isa dito? Asan yung iba mong kapatid? Tsaka si Loren?" natanong niya naman.

"Yung mga bata, pumasok sa school. Si Loren naman, pumunta sa EBS may schedule yata sa.... ewan ko ba dun! May photoshoot yata o press conference daw sa first teleserye niya. Gustong mag-artista eh. " sagot ko sa kanya.

"Talaga? Mag-aartista siya?" di makapaniwalang tanong naman niya.

"Oo. Ayoko sana kasi baka hindi niya kayanin ang magkaroon ng mga haters pero sabi niya paghahandaan niya na lang yung mga yun kaya hinayaan ko na lang din siya sa gusto niyang gawin. " sagot ko.

"Ah.... Kaya ka pala mag-isa dito sa bahay. " comment niya.

"Oo nga eh, di ko nga alam kung anong gagawin ko dito sa kapatid ko! Hindi ako marunong mag-alaga ng bata eh. Iyak ng iyak, di ko naman malaman kung anong gusto. Hindi ko rin naman alam kung paano patahanin. " sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya yung kapatid ko at nilaro. Tapos hindi na rin siya nakatiis at nagvolunteer ng siya ang magbuhat.

"Edi dito muna ako, tulungan kita. " sabi naman niya.

"Hah? Marunong ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ako palaging baby sitter ng pamangkin ko noon eh. " sagot niya sa akin. Edi hinayaan ko na lang siya at hindi na sumagot kasi tiwala naman ako sa kanyang di niya papabayaan yung kapatid ko. Sa gitna ng pagkarga niya sa kapatid ko, bigla na namang umiyak si Saint kaya medyo nataranta ako. Mabuti naman medyo tumahan nung nilaro-laro ulit siya ni V. Napangiti nga ako eh, sa lahat talaga ng bagay mahusay tong boyfriend ko.

"Ang cute natin tignan, para tayong isang pamilya :D" bigla niyang nacomment. "Para tuloy gusto ko na rin magkababy :)" sabi niya pa. Binatukan ko nga eh. Tinignan ba naman kasi ako habang nakangisi! Alam ko ibig sabihin ng tingin niyang yun noh!

"Edi mag-ampon ka." sagot ko.

"Ayoko nga. Gusto ko yung sarili kong baby. Tsaka syempre gusto ko galing sayo :)" sabi niya pa sabay tumaas-baba ng paulit-ulit ang kilay niya. Sa pangalawang beses, binatukan ko ulit siya.

-Poink-

"Aray ah, kanina ka pa. " sabi niya sa akin. Hindi lang siya makaiwas sa akin kasi may hawak siyang bata.

"Asa ka naman kasing papayag ako sa gusto mo. " sagot ko sa kanya.

"Eh totoo naman sinasabi ko eh. Ikaw yung gusto kong maging nanay ng magiging mga anak ko. Tsaka hindi naman ako umaasa eh. Kasi siguradong ikaw na ang pakakasalan ko. " sabi niya. Alam niyo gusto ko siyang sampalin.... sa sobrang kilig ko. (>///<)

"Masyado pa tayong bata para dyan bakla. Gagraduate pa tayo. Magiging flight attendant pa ako. Magpapayaman. Marami pa akong gustong gawin sa buhay bago yung ganyan. " sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang napaisip sa sinabi ko.

"Ang tagal naman ng hihintayin ko. " namomroblemang sabi niya.

"Bakit maiinip ka sa akin?" tanong ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon