Chapter 133

101 3 0
                                    


CHAPTER 133

<A/N: Meanwhile, kasalukuyan namang aligaga ang mommy ni Vincent na si Jean sa paghahanap.>

JEAN'S P.O.V.

"Vincent? Vincent?" patuloy ako sa paghahanap. Hinagilap ko na siya sa lahat. Inisa-isa ko na yung lahat ng kwarto pero hindi ko pa din siya nakikita. Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinry ulit na tawagan siya pero hindi niya ako sinasagot. Ano na kayang nangyari sa kanya? Baka may masama ng nangyare? O kaya naman tuluyan na siyang nagpabrainwash sa girlfriend niya at sumama na dun?

"Dangsin-eun mueos eulhago? " bigla namang lumabas ng kwarto ang asawa kong si Min at tinanong ako. [Dangsin-eun mueos eulhago=What are you doing?]

"Si Vincent, kanina ko pa siya hinahanap. Ilang beses ko na din siyang tinawagan pero hindi ako sinasagot. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Ang akala ko nga nakauwi na siya simula kahapon nung nilayasan niya ako eh. Hanggang ngayon pala, hindi pa pala siya umuuwi. Baka napano na yung anak natin. " sagot ko kay Min. Pero sa gitna ng pag-aalala ko, nakita ko pa siyang tumawa.

"Hahaha mukhang nilayasan ka na talaga ng tuluyan ng anak mo. Siguro kasama niya ngayon si Aira? At malamang nagpapakasaya sila ngayon :D" sabi niya.

"At talagang tumatawa ka pa hah?" asar na sabi ko.

"Nagtaka ka pa kasi? " tatawa-tawa niya pang sabi. "Wala na siya, wag ka ng umasa na babalik siya dito. Unless, hahayaan mo siyang maging masaya. Baka sakaling marinig mo ulit siyang tawagin kang eomma." sabi niya pa.

"Sa tingin mo ba talaga papayag ako sa gusto niya?"

"Ewan, pero kita mo naman ang resulta ng kagagawan mo. Himbis na siya ang mawalan ng girlfriend, sino ngayon ang nawalan ng anak?" sabi niya naman tapos pumasok na ulit sa kwarto. Natigilan tuloy ako. Magmamatigas pa din ba ako? Totoo yung sinabi ng asawa ko, nawalan nga ako ng isang anak. Isa pa naaawa na din ako kay Vincent. Simula kasi nung maghiwalay sila ng girlfriend niya, wala na siyang ibang kundi magpalipas ng gutom at uminom ng alak. Nakakapag-alala para sa akin na makitang nagkakaganoon yung anak ko. Ayos lang naman talaga sa akin yung girlfriend niya eh. Kung tutuusin alam ko naman na siya si Aira Rosenweig nung first time ko siyang nameet eh. Alam ko yung mga kinaharap niyang issue pero pinakita ko pa din na tanggap ko siyang maging kaibigan ng anak ko. Kaso may something lang talaga sa akin na hindi ko siya matanggap nung malaman kong sila na ng anak ko. Dahil ba ayokong madamay sa dala niyang kahihiyan ang pamilya ko? Natatakot ba ako na baka ginagamit lang niya ang anak ko para makawala siya mga pinagdaanan niya? Paano nga kasi talaga kung hindi niya talaga mahal si Vincent at sasaktan niya lang ang anak ko sa huli?

-Ding dong-

-Ding dong-

Sa gitna ng pag-iisip ko, biglang tumunog ang doorbell kaya inutusan ko yung maid na alamin kung sino yung bisita. Pero pagsilip ko sa gate, nagulat ako ng bisitahin kami ni Mr. Rosenweig, yung daddy ng girlfriend ng anak ko at kasama pa yung isa niyang anak.

"Hello Mrs. Kim, I am Mr. Venson Rosenweig. Actually, your husband and I are friends :) I also brought here my son, Georfill. " sabi sa akin ng daddy ni Aira. Tapos tinignan ko yung tinuro niyang katabi.

"Hello po :)" bati naman sa akin ng anak niya. Napilitan na lang ako sa kanilang ngumiti. Nagtataka kasi ako kung bakit sila naparito, samantalang ako nga dapat ang pumunta sa kanila dahil nawawala ang anak ko.

"Sige pasok kayo." sabi ko sa kanila tapos pinapunta na sa sala. Nung makaupo na sila, dun ko sila ulit kinausap. "Bakit nga pala kayo napabisita? Anong atin?" tanong ko.

"Alam mo naman siguro kung bakit kami narito diba? I just wanna talk about your son and my daughter, Aira. Looks kinda weird para mangielam pa kami sa relasyon nila. Malalaki na sila, alam na nila ang dapat nilang gawin but I think ang hindi tama dito ay ang pagsalitaan mo ng masasama ang unica ija ko." sabi ni Mr. Rosenweig kaya medyo napangiwi ako. Straight to the point eh, hindi man lang ako nakapaghanda ng kapal ng mukha.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon