Chapter 14

262 4 0
                                    

CHAPTER 14

Tumakbo kaagad ako para makalabas ng restaurant. Haaayy bad trip, kahit kelan talaga di na tumalas ang isip ko. Bat ko ba kasi nalimutan?  Lagot ako niyan! 

"Maam, hinay lang po! Baka matapilok kayo!! " sabi sa akin ng mga bodyguard ko habang hinahabol ako sa pagtakbo. Oo tumatakbo ako ngayon pabalik sa subdivision namin tutal malapit lang naman yung restaurant na kanina naming pinuntahan. At kahit pa nakaheels ako ngayon, hindi ko na inintindi pa yun kasi sobrang nagmamadali na ako. Pagdating ko sa bahay... 

"YAYA! DUMATING NA PO BA DITO SI MARK? " agad kong tinanong ang mga maid namin kahit pa habul-habol ko ang hininga ko. 

"Ay naku maam, dumating na po siya kanina pero wala po kayo eh. Tinanong niya kung asan kayo pero di rin po kami nakasagot dahil ang paalam niyo po bibili lang kayo. Sa sobrang tagal niyo, nag -aalala na din po kami. Kaya umalis na lang din po siya at hinanap kayo. " sagot ng isa naming maid. Tumakbo kaagad ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko para tawagan siya.  

-KRING KRING- 

-KRING KRING- 

-KRING KRING- 

Nakailang call ako sa kanya pero di niya man lang ako sinagot :( At dahil dun, lumabas na lang ulit ako ng bahay para hanapin siya. Alam ko naman ang bahay niya kaya yun kaagad ang pinuntahan ko. Baka sakali kasing umuwi na siya. Pero pagdating ko dun, wala pala siya. Nagtanong na ako sa mga maid nila pero walang nakakaalam kung asan siya. Tinry ko din siyang hanapin sa mga posibleng lugar na puntahan niya, pero wala talaga. Tapos bigla ko na lang naisip na baka nandun siya sa park na pinuntahan namin last time kaya tinignan ko din siya dun. At di nga ako nagkamali, nandun siya. Mag -isa lang siyang nakaupo sa isang bench at malungkot. 

"MARK! " sigaw ko mula sa malayo. Napalingon siya sa pagtawag ko sa kanya pero di ko mabasa ang expression ng mukha niya. Tumakbo ako papalapit sa kanya. 

"Mark, I'm glad I saw you here! :) I've been looking for you everywhere! " masaya kong sabi sa kanya. Pero hindi siya sumagot, nakasimangot lang siya sa akin kaya naman natigil ang saya ko. Siguro galit siya sa akin?

"Uh... Mark, you okay? Galit ka ba sa akin? Naku Mark I'm so sorry talaga hah kung di mo ako naabutan kanina. Ano lang kasi eh... " sabi ko. Magpapaliwanag sana ako kaso nga lang naputol dahil di ko din naman alam ang ieexplain ko. Tama bang sabihin ko sa kanya ang totoo? Tama bang sabihin kong kadate ko kasi kanina si V? Ayokong magsinungaling sa kanya. Pero ayoko din namang magsabi ng totoo.

"Oh ano? Anong idadahilan mo? " galit na tanong niya. Napaatras tuloy ako. Nakakatakot siya. "You can't explain 'cause you don't want me to find out that you're with Vincent? " dagdag niya pa. 

"A-alam mo? " tanong ko. 

"Oo, nakita ko kayo dun sa loob ng restaurant. Todo kwentuhan pa kayo, hindi mo man lang naisip na nag -intay ako sayo ng matagal. Ganyan ka na ba talaga kasama hah!? Bakit kailangan mo pa akong ganituhin? " sagot niya. Natigilan ako dun sa mga sinabi niya. Ako masama? Aray ang sakit. Oo sanay akong makarinig ng ganyan sa ibang tao pero bakit nung sa kanya nanggaling, iba ang naramdaman ko?  

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon