Chapter 58

117 5 0
                                    

CHAPTER 58


Kinabukasan.


"So? May gusto na pala siya sayo ganun? " biglang natanong ni Mark sa akin na kausap ko ngayon sa phone.


"Huh? Sino? " naguguluhan ko namang sagot sa kanya.


"Tinatanong pa ba yan? Of course, si Vincent, who else? " sagot niya.


"T-teka? Panu mo nalaman? "


"See? So totoo nga! " galit na comment niya. "Nalaman ko lahat nung makita ko kayong nagdedate kahapon sa mall, sinabihan ka niya ng I love you habang magka holdinghands at naghalikan pa!! " dagdag niya. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon. Bad trip, nakita niya yun?


"Nandun ka? Naku sweetheart, I'm so sorry... pero ikaklaro ko lang yung nakita mo. Hindi kami naghahalikan nuh, di kita kayang pagtaksilan! Si V lang yun! Nagulat nga ako sa ginawa niya eh. Bastos. Di man lang nagpapaalam!! >:( Sorry talaga sweetheart ah. Do you believe me? " sabi ko naman.


"Okay. Fine. Fine. Fine. May tiwala naman ako sayo. Pero bakit di mo man lang sa akin sinabi na mahal ka na niya? Yun nga yung hinihintay natin eh, kailan pa yan hah? " tanong niya. Sasagot na sana ako ang kaso kamuntik ko na talagang mahagis yung cellphone ko sa gulat nang biglang kusa-kusang pumasok si V sa room ko habang nakasmile ng wala man lang paalam o kumatok man lang. Pero kahit hindi ko naihagis yung cellphone ko, nahulog pa din to sa lapag. Dumulas sa kamay ko eh sa sobrang nerbyos.


-BLAAAGGGG-


"Oh? Para kang nakakita ng multo dyan! " comment niya tas pinulot yung cellphone ko.


"V naman kasi, wag bastos. Uso kumatok kung may time! Paano pala kung nagbibihis ako ngayon? " sita ko sa kanya. Tumawa naman siya.


"Haha! Edi jackpot xD " sagot niya.


"H-hello? Hello? Sweetie pie, andyan ka pa ba? " bigla namang nagsalita yung nasa kabilang linya na si Mark kaya napatingin kaagad sa screen si V at binasa kung sino yung kausap ko.


UWAAAAAAHH!! PATAY NA AKO >.<


"Mark? " nagtatakang tanong niya nung nakita sa screen kung sino yung kausap ko. "Bakit sweetie pie ang tawag niya sayo? Tsaka bakit mo pa siya kinakausap? Tapos na kayo diba? " sunud -sunod na tanong sa akin ni V. Galit nga yung tono ng boses eh. Kaagad ko namang kinuha pabalik yung cellphone ko sa kanya at mabilis na in-end call to.


"Uh... w -wala to. Wag mo na nga intindihin yun! Kilala mo naman si Mark diba? Ang kulit-kulit nun, hindi ka pa nasanay. " alibi ko. Waaaahhh sana maniwala siya >__<


"Kung sa bagay. Pwede wag mo na kausapin yun para sa akin? Medyo nagseselos kasi ako eh. " sagot niya naman.


"Oo. Sige na. Sige na. Sige na. " sagot ko na lang tas naglakad na palayo.


This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon