Chapter 106

85 3 0
                                    


CHAPTER 106

LOREN'S P.O.V.

"Nakoooo... Aira... San ka na???" namomroblemang sabi ni Sherna sa sarili niya matapos niyang makita ang oras sa suot niyang relos. Miski rin naman ako kinakabahan na kasi isang oras na siyang late! Juice ko naman oh!

"Sherna..." nilapitan ko siya.

"Loren!!" hinahighblood niyang tawag sa akin. "Asan na ba si Aira hah?! 9:00 am na! Natapos na akong magdefense lahat-lahat! Konting panahon na lang, kayo na sasalang! Pero asan yang magaling mong kapatid hah?! May balak pa ba yang pumasok!!??" sabi niya. Nagkibit balikat naman kaagad ako.

"Kahit ako din naman, kinakabahan na din sa kanya. Pero wala talaga akong idea eh, ni hindi nga kami nag-uusap kasi nga galit siya sa akin. Hindi ba, dapat ikaw ang nakakaalam kung asan siya? Magkaibigan kayo diba?"

"I tried!!! Ilang million na ang tawag na ginawa ko sa phone niya pero laging busy! Tinext ko siya, chinat, lahat na ginawa ko, pero wala man lang siyang sagot sa akin ni isa. Ewan ko kung sinasadya niya lang talaga na wag akong sagutin o ewan. Di ko nga alam kung mag-aalala pa ako sa kanya eh. Hindi kaya naduwag lang yun? Alam mo naman yan si Aira, takot yan sa defense!" sabi niya.

"Hindi naman siguro. Alam kong nagprepare din siya. Kahit ayaw niyang mag thesis, pinilit niya yung sarili niya para kay Vincent diba? Alam kong ready siya. " pagtatanggol ko sa ate ko.

"Eh kung hindi yun yung dahilan, ano nga? Nauubusan na ako ng idea sa brain ko! Habang tumatagal, lalo akong nagwoworry eh! Lalo pa at pati si V niya, wala din. Ano na kayang nangyari sa kanila?" kabang- kabang sabi sa akin ni Sherna. Nakikita ko nga sa mga kamay niya yung panginginig. Ramdam ko kung gaano siya kaworry sa kaibigan niya na para bang mas siya pa yung kagrupo ni ate. Kung sa bagay, ayoko din naman na malampasan to ni ate. Kasi, magiging INC yung grades niya sa subject na to.

"Wag na tayong mag-alala... Dadating na din yun maya-maya, hintayin lang natin sila. Siguro natraffic lang yung mga yun." sagot ko sa kanya.

"Nako, sana nga Loren! Sana nga natraffic lang talaga sila. Kahit alam kong hindi traffic sa daan ngayon dahil Saturday ngayon, sana totoo na lang talaga yang sinasabi mo." sagot sa akin ni Sherna.

"OKAY... GROUP FIVE, GET READY! " sa gitna ng pag-uusap namin ni Sherna, biglang nagsalita yung professor ko.

O____O

"MAAM??!" gulat na reaction namin ni Sherna. Utang na loob, ate.... Dumating ka na please :(

----

AIRA'S P.O.V.

"Maam, ano pong masasabi niyo sa issueng kinasasangkutan niyo ngayon?" unang tanong sa akin nung babaeng reporter. Pagkatungtong pa nga lang ng paa ko sa labas, di na sila magkamayaw sa paglusob sa akin eh. Mabuti na lang hindi ako nasaktan kahit siksikan dahil pinoprotektahan ako ni V tsaka ng tatlo kong kuya na sumunod din pala sa amin.

"To tell you the truth, yes, ako yung nasa video. Totoo lahat ng napanuod niyo. Ampon ako, at ilang taon na din ako binablackmail ng kuya ko sa secret na yun para lang makuha yung gusto niya. Kaya nga hindi ko magawang makapag speak out dahil tinatakot niya ako. Ngayong nasabi ko na yung gusto niyong malaman? Okay na ba? Tatantanan niyo na ba ako? " sagot ko.

"May mga katanungan pa kami maam. Pwede niyo po bang ikwento kung ano yung totoong nangyari?"

"Yun na nga yung totoo. Inaamin ko nga na ampon ako dahil nga mahirap lang kami noon at hindi na ako kayang buhayin ng nanay ko kaya pinamigay niya ako sa iba. Pero okay lang sa akin. Kahit mag-iba ang tingin niyo sa akin ngayon, magiging proud pa din ako sa lahat dahil kahit napabayaan ako ng sarili kong nanay, ng dahil din sa kahirapan namin, nakilala ko ang pamilya ko ngayon. Nagpapasalamat pa din ako dahil pinalaki ako ng maayos ni mommy at ni daddy. Hindi rin sila nagkulang sa pagpaparanas sa akin ng pagmamahal at pagprovide ng mga kailangan ko. At kung tatanungin niyo ako kung anong mas pipiliin ko, yung pamilya Rosenweig pa din ang gusto kong maging pamilya. Kasi mahal na mahal ko sila gaya ng pagmamahal nila sa akin. " sagot ko. Nakita ko yung tatlo kong kuya, hindi naiwasang mapangiti dahil sa mga narinig nila.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon