Chapter 23

183 4 0
                                    

CHAPTER 23

Lumabas na ako ng wash room. Pagkakita ko, naghihintay na pala sa akin sa labas si Mark kaya pumunta kaagad ako sa kanya.

"Ang tagal mo namang nag wash room, ano bang ginawa mo dun? Tsaka bakit parang may naririnig yata akong ingay? " tanong niya. Natawa na lang ako, kung alam niya lang talaga kung anong nangyari haha!

"Uh... wala, may basura lang akong tinapon dun. Kakadiri nga eh, ang dumi! " sabi ko tas inabot ko yung bag ko na hawak niya at kinuha yung hand sanitizer ko. Kakadiri kaya! Nakipag shake hands ako sa mga pulubing yun! Eeeewwww... pinaka ayoko pa naman yung nagkakaroon ng bacteria yung kamay ko.

Sa ginawa at sinabi ko, medyo naguluhan si Mark at kumunot ang kilay niya. Gusto ko pa sanang mag explain pero hindi na kailangan, lumabas na yung tatlo kaya napansin niya ang mga to. Yung isa, may panyo sa ulo, dumugo yata. Yung isa naman, hawak at hinihilot yung tagiliran at yung butt niyang flat. At yung leader -leaderan na si Helga, nakayapak at iika -ikang naglakad habang hawak ang sira niyang heels at nakasupport sa kanya yung dalawa niyang kaibigan. Natawa na lang ako sa kanila, mga kaawa-awang nilalang kasi sila. Galing daw sa Paris yung mga gamit niya, eh bat nasira agad yung heels? Wahaha! She's kidding me right?

Sa pagtawa ko, lumingon sila sa akin ng inis na inis habang nagbubulungan. Tinignan ko naman sila from head to toe habang nakataas ang kilay at nakapameywang. Hindi naman sila lumaban sa akin at umalis na sila. Pagkakita ko naman kay Mark, tinitigan niya naman ako na para bang naghihinala.

"Oh bakit? " tanong ko.

"Ikaw may gawa nun nuh? " tanong niya.

"Uh... sila naman nauna eh, gumanti lang ako. Mahina lang naman yung ginawa ko, malayo sa bituka. " explain ko.

"Mahina pero yung isa duguan na... tsk! Next time nga sweetie pie ko, wag ka na ulit makikipag away hah, baka mapano ka. " sabi niya tas inakbayan ako at nagsimula na kaming maglakad.

"Kahit pa inaaway na nila ako? Kahit na sinasaktan nila ako hindi ako gaganti? Sweetheart ko, hindi ako mabait! Kontrabida ako kaya bakit naman ako papayag na magpaganun? " sabi ko sa kanya.

"Sus, edi ako na lang ang gaganti para sayo kasi boyfriend mo ako. Ako ang savior mo sweetie pie :) Basta ayoko ng nakikipag away ka, ako na bahalang lumigtas sayo laban sa kanila... " Ayyyyyiiiieeeee kilig haha! Anubato ang landi ko >_<

"Okay, sabi mo eh. Thank you :)" sagot ko.

---

V'S P.O.V.

Ang kapal kapal kapal kapal ng mukha niya.

Teka nga, bakit ko ba siya kanina pa iniisip?

Bahala nga siya diyang higad siya! Hindi ko dapat siya pinag -aaksayahan ng oras.

"HUY! "

"KYAAAAAAAAAAAHHHH!! "

Sa gitna ng pag-iisip ko, nagulat ako ng may kumalabit at sumigaw sa tenga ko. Paglingon ko sa likod, nakita ko si Jack na nakangiti... <(*0*)> shocks! Ang pogi!!! Ah teka, andito siya? Bakit andito siya sa restaurant? Sinusundan niya ba ako? Sabi na crush niya ako eh! Haaayy, kahit ano palang iwas ko, susundan pa din niya ako -.- Oo, iniiwasan ko siya. Kasi disaster yung nangyari sa amin last time! Umamin akong bading ako! Uwaaahhh! Paano kung maalala niya?

"Jack? " tanong ko sa kanya.

"Hahaha! Grabeng reaction yan parang nakakita ka ng multo. Tumitili ka naman hah, para kang bading :D "

"Bading? Kaw yun! By the way, what are you doing here? "

"Nothing... kakain lang sana. I'm so glad, I saw you. May kasama na ako :D " sagot niya. Umupo na siya sa tapat ko at nilipat yung mga pagkaing inorder niya sa table ko, ako naman nangiti lang. Gosh, ang awkward talaga!! OMG >_< I can't breathe!!

"Uh... Jack, may naaalala ka ba nung nag -inuman tayo? " bigla kong natanong. Kating -kati na kasi yung dila kong itanong to eh. Sa tinanong ko, bigla siyang nagkalumbaba at nag -isip.

"Hmmm... Ano... nag -inuman tayo tapos... ano... teka.. oo nga nuh? Di ko maalala, ano nga bang nangyari nun? " comment niya.

"Uh eh... ewan. Kaya nga ako nagtatanong diba? "

"Oo nga naman, tanga ng tanong ko -_- " comment niya sa sarili niya sabay kumain.

"Promise, wala ka talagang maalala? "

"Oo, basta ang alam ko nun nag -uusap pa tayo sa girlfriend mo tas wala na... di ko na alam yung susunod. "

"Okay. Basta promise talaga ah, wala ka na talagang ibang naalala bukod dun? "

"Oo. "

"Promise? "

"Oo nga. Bakit ba? May nangyari ba? "

"Uh nangyari? W-wala! Walang nangyari, wala. " sagot ko sabay umiling.

"Weh? Bat ganyan ka? Siguro may nasabi ka sa aking secret nuh? Ano yun hah? :D " kantsaw niya.

"W-wala nga!! Kuleet nito. " sabi ko. Wag mo na ako asarin please!! Baka lumabas ang totoo (>_<)

"Siguro inamin mo na sa akin na bading ka... "

O________O

"HAH? H-HINDI NUH!! AKO BADING!? EXCUSE ME, LALAKING LALAKI TO NUH!! " pangongorect ko sa kanya tas pinalo-palo pa yung muscles ko sa braso. "KUNG MAKAPAMINTANG KA!! KUNG MERONG BADING DITO, IKAW YUN! IMBYERNA KA! SAMPALIN KITA DYAN EH! " dagdag ko pa.

"Oh chill! Bat ka galit na galit? " comment niya. Tinignan ko yung paligid, lahat ng tao nakatingin sa akin. Oooopppsss... medyo napasigaw ba ako? Umayos na ako ng upo, nagpunas ng pawis at uminom ng tubig. Pinagpawisan kasi ako at hiningal kakatanggol sa sarili ko eh.

"Masyado kang defensive dyan, nagjo-joke lang naman ako eh. Alam ko namang hindi mo kayang iwan girlfriend mo. " pagmu-murmur niya pa.

"Oo na, wag mo kasi akong pagbintangan. Tamang hinala ka eh nuh? " sabi ko.

"Okay. Sorry na... By the way, speaking of girlfriend, kelan mo sa akin ipapakilala yang girlfriend mo? Diba sabi mo dati ipapakilala mo siya sa akin? " pag -iiba niya ng usapan. Nubayan, daming topic yan pa ^=_=^

"Uh... busy siya. Ikaw na lang magpakilala sa akin ng girlfriend mo " sagot ko na lang para maiwasan yung sa akin. Eh wala naman talaga akong girlfriend, sino ipapakilala ko?

"Anubayan! Wala nga akong girlfriend eh, sira ka ba? " YESSSSSS!! SINGLE ANG CRUSH KO HUMMUUWAAAAAHHHHAAAHHA ^0^ AKO NA LANG JOWA MO OH!

"Yung crush ko kasi, di ko na nakikita. Crush mo din yun diba? Alam ko na name niya, Aira!! Tinanong ko dun sa cashier one time, si Loren. Bestfriend niya pala yun eh. Kwento niya sobrang yaman daw nun kaso taken na. Pero okay lang, asawa nga naaagaw eh! :D " dagdag niya pa. Ay... yun lang!! Nako talaga! Kahit kelan talaga bad trip yung higad na yun -.-

"Ah ganun ba? Okay. " comment ko. Wala na, wala na akong gana.

"Oh? Nalungkot ka din nuh? Hayaan mo na, may girlfriend ka na din naman eh. Balato mo na lang sa akin to. "

"Balato, eh may boyfriend nga eh anung gagawin mo? "

"Ewan, basta promise magiging girlfriend ko din yan :)"

"Okay. " edi siya na maganda. Sa kanya na may gusto lahat pati ako -- Ay pwe! Ano ba tong sinasabi ko, eeewww >_<

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon