Chapter 120

88 3 0
                                    


CHAPTER 120

-Pitik pitik-

"Uy ate, tulala ka dyan. Tara na. " sabi ni Loren nung makita akong matagal na nakayuko.

"Hah?" sabi ko dahil hindi ko narinig yung sinabi niya. Masyado kasi akong focus sa iniisip ko.

"Ang sabi ko, sasabay ka ba sa akin? Wala ka pa yatang balak umuwi eh. " sabi niya. Tumingin naman ako kina V, paalis na sila.

"Ah sige Loren, mauna ka na. May kailangan pa akong gawin dito eh. Kitakits na lang sa palasyo natin mamaya. Bye. " sabi ko sa kanya ng hindi man lang tumitingin sabay iniwanan na siya dun mag-isa sa loob ng room at sinundan yung dalawang yun na kanina ko pa tinitignan.

Paglabas ko ng room, naglakad pa sila ng mabagal sa unahan ko. Hindi ko maintindihan sa kanila kung iniimagine nilang naglalakad sila sa buwan o feeling may lamay lang tong dalawang to. Pero kahit ano pa yung dahilan, naiimbyerna ako. Nang-aasar yata tong dalawang to eh. Ganun ah! Pwes mas maasar kayo sa gagawin ko. Hindi na akong nagdalawang isip na maglakad at pumagitna sa kanila. Binangga ko pa nga yung balikat nung babae para mas matindi.

"Excuse me karibal, dadaan ang original. " sabi ko pa sa kanya nung magtagpo yung mga mata namin tapos inunahan ko na silang maglakad. Inis na inis nga siya eh kasi kahapon pa ako namumuro sa kanya tas ngayon na naman binangga ko siya. Pero kahit nagpapansin na ako sa kanila, ito yung narinig kong sabi ni V sa babaeng kasama niya.

"Hayaan mo na siya, wag mo nang patulan. " sabi niya tapos nakita kong inakbayan niya pa yung babae. Argh talaga! Nananadya?! Sa sobrang inis ko, huminto ako sa paglalakad at sumandal sa pader habang nakacrossarm at hinintay silang makapunta sa pwesto ko. Hindi pala umubra yung kanina hah?! Pwes susuko kayo sa kakulitan ko!!!

Nung makita ko ng paparating na sila sa akin, tumalon-talon ako ng konti na para bang nagjojogging. Tapos dumaan na ako sa gitna nila kaya naman nagulat sila. Sobrang effort pa nga ng ginawa ko eh. Kasi ang tibay ng pagkaka akbay sa kanya ni V. Kinakailangan ko pang ibigay ng todo- todo at bonggang- bongga yung lakas ko maipaghiwalay lang sila.

"Heeeyyy!! What's your problem???" inis na sita niya sa akin kasi halos tumalsik na yung katawan niya sa pader.

"Nothing. Masama bang mag jogging? Minemaintain ko lang yung body kong sexy para marami pa ding magkagusto sa akin. You know naman, hindi ako nababakante pagdating sa boyfriend." sagot ko pa habang nag jo-jog pa din at nag-iistretching pa sa harapan nila.

Pero nilampasan lang nila ako -__-

"Wag mo na siya pansinin. " narinig ko ulit na nagsalita si V.

ARGH! Nakakainis talaga! Balewala pa din yung pagpaparinig at pagpapapansin ko sa kanya? Anak ng tokwa!!! Mukha na nga akong timang eh. Ano pa ba? Hindi ako susuko! Hindi ko alam ang salitang yun!!

Tumakbo kaagad ako papunta sa kanila. Tapos narecognize din naman nila yung existence ko nung sumabay ako sa paglalakad at pumagitna pa sa kanilang dalawa. Nagkatinginan nga sila eh. Hindi ko naman na sila hinintay pang magtanong sa akin. Ako na nagprisinta.

"Hehe hi :) Uwi na kayo? Pasabay naman :)" hindi nahihiyang sabi ko sa kanila habang nakasmile pa. Pero hindi naman sila nagcomment at hinayaan lang ako. Tapos napansin ko nalang, unti-unti na silang nauuna sa paglalakad. At nung hindi na ako makapantay sa paglalakad nila, nagtabi na ulit sila. Take note, NAG HOLDING HANDS PA.

AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon