Chapter 68

134 3 1
                                    

CHAPTER 68

"Grrr! Bat ka ba nangielam kanina!!? " asar na sabi ko sa kanya sabay iritableng tinanggal yung kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Syempre, sa tingin mo ba tama yang ginawa mo? " sagot niya sa akin.

"Ano naman sayo kung tama o mali ang ginagawa ko? Wala ka na dun! " sabi ko.

"Stop it Sherna! Ikaw nagiging sutil ka na naman hah! " saway sa akin ni papa.

"Eh ano ngayon?! Hindi kita tatay! Wala ka ding pakielam sa kung anong gusto kong gawin! " sabi ko. At sa inis ni papa, halos kamuntik niya na akong masampal sa mukha. Hindi nga lang natuloy dahil hinila ako ni Nick papunta sa likod niya at cinoveran niya ako kaya hindi ako nasaktan.

"Teka, tama na yan! " sabi ni Nick tas pinigilan niya yung kamay ni papa. Mahinahon namang binaba ni papa yung kamay niya.

"Pagsabihan mo yan Nick. Hindi ko na kaya ang ugali niya, baka sakaling sayo makinig siya. " sabi ni papa kaya naman lumingon sa akin si Nick.

"Sherna, please... " sabi niya. Sasagot na sana ako pero bigla akong napalingon sa dalawang taong papalapit sa amin. Pagkatingin ko, yung parents pala yun ni Nick.

"Oh! Sherna! Nandito ka pala? Tamang tama ang dating mo :)" sabi ni tita.

"T-teka? Bat nandito kayong lahat? Anong ibig sabihin nito? " nagtatakang tanong ko sa kanila.

"Uh... pinag -uusapan kasi namin yung about sa kasal Sherna eh. " sagot naman sa akin ni Nick.

"A-ano? " naguguluhan kong tanong.

"Kaya nga mabuti na lang at nandito ka para at least, malaman mo kung ano yung mga plano namin :)" dagdag pa ng mommy niya.

"What? Anong pinagsasabi niyo? Anong sense ng pag -uusap niyo about dyan sa pesteng kasal na yan? Talagang hindi pa din kayo tumitigil ano? Sinabi na ngang walang magaganap na kasalan eh! Bakit ba kayo mapilit? Ang kukulit niyo din ano? " bastos na sabi ko sa harap ng parents ni Nick pati na din kay Papa.

"Sherna, wag ng matigas ang ulo okay? Ikaw ang mapilit. Kahit ano naman kasing gawin mo, matutuloy at matutuloy din naman ang arrange marriage na to eh. Pumayag ka na, ikaw na lang naman ang hinihintay namin eh. " sabi naman sa akin ni papa.

"Hah? " tanong ko ulit. Ang gulooooo. Anong ibig sabihin nila na ako na lang ang hinihintay? May nangyayari ba ditong hindi ko alam?

"Uhhhh... Sherna... " sabi ni Nick kaya lumingon ako sa kanya. "Ano kasi eh... pumayag na ako sa kasal nating dalawa. "

O_______O

"HUWAAAAT?! " gulat na reaction ko.

"See? Sherna, pumayag ka na. Si Nick okay na oh. Bakit ba kasi ayaw mo pa? " biglang sumingit naman yung daddy ni Nick.

"Oo nga! Promise, bobonggahan natin yung kasal niyo. Kahit gaano pa kamahal ang gastusin, ang importante maganda ang kasal niyo!! :) Kung gusto niyo, sa ibang bansa pa natin yun gawin. O kaya, kung gusto niyo, yung kasal niyo, may part two, part three... kahit ilang beses pa! At sisiguraduhin naming ikaw ang pinaka magandang bride sa buong universe, ija ^___^ Pero bago yun, intindihin muna natin yung engagement niyo :)" dagdag naman ni Tita.

"Whoah... This is crazy! Grabeeee hindi ko to kinakaya! " comment ko naman sa sarili ko na halos hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Lumingon naman ako kay Nick.

"May saltik ka ba? Bakit ka pumayag?! Ano, nagpabrainwash ka na sa kanila ganun? Akala ko ba ikaw ang kakampi ko dito? Bat ka nang -iiwan?! "

"Hindi naman sa ganun yun, Sherna. Pero hindi ka ba masaya sa decision ko? Akala ko ba mahal mo ako? " sabi niya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon