Chapter 98

91 2 0
                                    

CHAPTER 98

HELGA'S P.O.V.

-EEEEEEENNNNGGG-

Nagulat si Jong ng bigla kong binuksan ang pintuan at pumasok sa kwarto niya ng walang paalam. Naabutan ko siyang nagkakape habang nanunuod ng TV kaya natigilan siya sa ginagawa niya.

"Hey... What are you doing here? Who told you that you can enter my room any time you want without my permission??" galit na tanong niya sa akin na halos mapatayo pa. Lumapit naman ako sa kanya.

"Mr. Rosenweig, I'm so sorry but I don't have time to talk about nonsense things. I will be straight to the point so listen..." sabi ko sa kanya kaya naman medyo natawa siya dahil hindi siya makapaniwala sa lakas ng loob ko.

"Okay. So what's it? Tell me?" sabi niya tas umupo ulit at pinagpatuloy ang pag-inom ng coffee.

"Frankly speaking, I just want to ask you about my friend. Gusto ko lang malaman lahat ng tungkol sa pagkatao ni Aira. So can you please tell me now about everything? Nabo-bother lang ako sa nalaman ko. " sabi ko sa kanya. At dahil dyan, nagtaka siya sa sinabi ko.

"What? Friend ka ni Aira? "

"Yeah. " tumatango kong sagot. "Actually we're bestfriends. Mas close pa nga kami ni Aira ng 10x dun sa Sherna at Loren na yun nuh. "

"Really? Kung totoo yang sinasabi mo? Then can you explain to me kung bakit ka nakauniform ng maid ngayon? " hindi naniniwalang sabi naman niya sa akin. Argh! Hindi ko yun naisip ah...

"Kung nagtataka ka kung bakit niya ako naging slave for the mean time, it is because of a bet kung san natalo ako. And as her bff, okay lang naman sa akin na pumayag maging ganito because I know that she'll take care of me kahit na natalo ako. Isa pa, sports ako sa lahat ng bagay. Ayoko ng magpapromise ako tas pag nalose ako, bigla ko na lang babawiin lahat ng sinabi ko. May isa akong salita. That's all! Do you believe now? Is that enough, huh? " sabi ko. Mabuti na lang matalino ako hindi katulad ng kapatid niyang peke at nakapagdahilan kaagad ako.

"Okay... Naniniwala na ako. " maiksing sagot niya na para bang napilitan lang dahil wala siyang pakielam sabay uminom ulit ng kape at sa iba na bumaling. Di pa kaya ako tapos magsalita!

"Mr. Rosenweig, kaya nga super nag -aalala na ako sa kanya sa nalaman ko... Can you please tell me everything? " sabi ko sabay umacting ng nag eemote para mapakita sa kanyang concern ako kay Aira.

"Bakit? Ano bang nalaman mo? " naguguluhan niya namang tanong sa akin.

"Na hindi ka niya totoong kuya dahil ampon siya. " sagot ko. Sa narinig niya, halos mabulunan siya sa iniinom niyang kape.

"What? Paano mo nalaman?! "

"Surprised? Fine, aamin na ako. Narinig ko yung pag -uusap niyo ni Aira last time ng hindi sinasadya. Sorry hah, hindi ko intention na makitsismis pero yung best friend ko kasi yung affected eh kaya super concern ako sa kanya. Narinig kong 13 years ago nung pinaampon siya sa inyo. Super nag -alala ako sa kanya kasi narealize kong kaya pala siya ganun ay dahil may pinagdadaanan siya. "

"Yun lang ba yung narinig mo? O meron pang iba? " tanong niya na para bang kinabahan sa tinatago niyang secret. Haha! Kahit naman itago niya yung sikreto niya, nalaman ko na nuh. Bistado na siya sa pangbablackmail niya kay Aira na ipagkakalat niyang ampon lang siya kung hindi siya papayag na maging boyfriend niya. Pero syempre hindi ko sa kanya ipapaalam, baka kasi hindi niya sa akin sabihin yung mga gusto kong malaman ng dahil doon.

"Bakit? May kailangan pa ba akong dapat marinig? " pagmamaang-maangan ko. Nakahinga naman siya ng maluwag nung nakita niya sa itsura kong wala nga akong ibang narinig maliban dun sa sinabi ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon