Chapter 128

73 3 0
                                    


CHAPTER 128

"Hindi! Ayoko! Walang makakapagpigil sa amin! Kahit ikaw pa eomma! Siya yung babaeng pakakasalan ko. Lalo pa ngayon na...

.... MAY NANGYARI NA SA AMIN."

<(OoO)>

"HUWAAAAAAAAATTTT????!!!" sabay- sabay naming reaksyon.

"Anong sabi mo? Tama ba yung narinig namin?" tanong ng mommy niya.

"Bingi ba kayo? May nangyari na sa amin! Kaya gusto ko siyang pakasalan. " sabi ni V. Hinila ko kaagad siya palayo ng konti sa kanila para makapag-usap kami. Mabuti nga hindi sila nagtaka at hindi sila sumunod sa amin.

"V ano ka ba? Ano bang pinagsasabi mo sa kanila?" tanong ko sa kanya nung medyo nakalayo na kami sa pwesto nung mga kausap namin kanina.

"Oh bakit? Hindi naman ako nagsisinungaling ah! Totoo namang may nangyari sa atin." sabi niya sa akin.

"What's the point kung may nangyari nga sa atin noon? Lasing tayo nun, isa lang yun pagkakamali at hindi pa tayo nung mangyari yun. "

"Eh ano ngayon? Gusto kong malaman nila na hindi nila tayo pwedeng paghiwalayin."

"Bakla naman eh! Anong hindi pwedeng paghiwalayin? Kahit may nangyari sa atin noon, wala naman eh, hindi naman nagbunga! Pwede pa din nila tayong paghiwalayin kahit kelan nilang gustuhin. " sabi ko.

"Ano? Sure ka? I-check mo ulit! Bumili ka ng pregnancy test, o kaya magpa check up ka sa doktor." tanong niya.

"Bakla ka talaga, ang tagal na nung nangyari sa atin! Edi sana kung buntis ako ngayon, medyo malaki na sana tyan ko. Pero tignan mo, flat na flat. Kahit bilbil wala kang makita dyan. At isa pa, may monthly period ako ngayon kaya wala talaga. Wag ka ng umasa. " sagot ko. Napahawak naman siya sa ulo niya na para bang sobrang problemado.

"Ano bayan. Ang malas naman oh! Tara, gawa na lang ulit tayo. " yaya niya sabay hinila ako.

O.O

-Poink-

"Aray!" sabi niya. Binatukan ko eh. Nak ng teteng tong boyfriend ko, sa gitna ng seryosong usapan nagawa pang magbiro -___- Problema niya?

"Hapit ka talagang pakasalan ako noh?" sabi ko naman.

"Oo, lahat gagawin ko. Kaya kung yun lang ang paraan para hindi nila tayo mapaghiwalay, gagawin ko."

"Sira ka talaga, ayoko nga. Maraming paraan dyan para hindi nila tutulan yung relasyon natin noh!"

"Edi sige, papakasalan na lang talaga kita. Kahit walang dahilan. Basta ang gusto ko, hindi tayo mapaghiwalay nina eomma. Kahit ngayon, kaya kong gawin yun sayo. " sabi niya. ('o') Maryosep naman oh. Seryoso talaga siya dyan?

"Bakla, ano ka ba? Kung anu- ano naiisip mo! Hindi ba masyadong mabilis ka yatang magdesisyon? Ang aga pa para dyan, wala pa tayong isang buwan. Kasal agad?" sabi ko naman. Tsk. Tsk. Parang kanina lang pinag-uusapan namin ni Sherna yung kasal. Hindi ko naman naisip na pahiwatig na pala yun. Nung marinig niya yung sagot ko, bigla namang nagbago yung expression ng mukha niya at naging malungkot.

"Ayaw mo ba sa gusto ko? Hindi mo ba ako mahal kaya lahat ng suggestion ko para masalba yung relasyon natin, tinututulan mo?" syempre cinlarify ko kaagad sa kanya yung nararamdaman ko. Ayokong magkadoubt siya sa akin.

"Hindi sa ganon. Mahal na mahal din kaya kita. Mas nadagdagan pa nga ngayon kasi pinakita mo sa akin kung gaano mo ko kamahal. Naaappreciate ko lahat ng effort mo para ipaglaban ako sa mommy mo. Ikaw yung pinangarap kong maging betterhalf ko. Tandaan mo yan. Kaso kasi, baka nabibigla ka lang kaya mo nasasabi yan. Marami pamg ibang paraan dyan. " sagot ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon