Chapter 79

99 3 0
                                    

CHAPTER 79

Few minutes before...

LOREN'S P.O.V.

"Loren? Bessy? Asan ka ba? " tanong ni Helga na kausap ko sa phone.

"Papasok na ng country club sa Valle Berde , tinawagan kasi ako ni Mark na samahan siya dito. Bakit? " sagot ko naman.

"Really? That's great! :) Akala ko kasi nakahilata ka lang dyan sa bahay kaya ireremind sana kita na puntahan mo si Mark. Pero sige, push mo yan hah. Galingan mo :)" sabi niya.

"Haha!! Okay. Okay. Sige. Akala ko pa naman kung anu na. Sige thanks bessy hah.. Bye. " sagot ko tapos inend na namin yung call. Tamang-tama naman na nakita ko na si Mark kaya tumakbo kaagad ako sa kanya.

"Mark!!! ^___^" tuwang-tuwa ko pang sabi sa kanya habang papalapit dun sa pwesto niya. Pero nawala yung ngiti ko nung makita kong nagpapakalasing siya.

"Oh! Nandito ka na pala Loren :)" sabi niya naman nung mapansin ako sabay ngumiti ng peke. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka umiinom? " tanong ko.

"Haha.. wala. Masama ba? Halika samahan mo muna ako dito :D " sabi niya sabay hinila yung kamay ko at inabutan ako ng basong may liquor.

"Ayoko. " sabi ko sabay binitawan yung baso. "Wag kang magpretend na okay ka lang! Alam kong may problema ka kaya ka nagkakaganyan. " dagdag ko pa kaya naman umiwas kaagad siya ng tingin sa akin sabay nagbuntung hininga ng malalim.

"Totoo diba? Sabihin mo sa akin Mark, anong nangyari hah? " nag -aalala kong tanong sa kanya. Bigla naman siyang tumawa ulit sabay tumungo. Ewan ko, pero sa kinikilos niya mukhang hindi niya na alam ang gagawin niya sa problema niya ngayon.

"Sige na Mark... makikinig ako. " pinilit ko siya. Lumingon siya sa akin at nag -isip ng matagal kung magsasabi ba siya sa akin ng problema o hindi. At sa huli, mabuti naman at pinagkatiwalaan niya ako.

"Si Aira... " malungkot niyang sabi. Aira na naman. Puro na lang Aira... Dapat pala hindi ko na lang siya tinanong eh kung pangalan na naman ng babaeng yun ang maririnig ko! >:(

"...Nakita ko sila ni Vincent na magkasama. Sawang -sawa na ako sa ganito. Ayoko na. Gusto ko ng maggive up. Ano bang gagawin ko? " sumbong niya sa akin.

"Hah? Nahuli mo sila? " kunyaring gulat na tanong ko. Haha! Yes! Ang galing talaga ni madam! :D Umaayon siya sa gusto ko :)

"Yeah... magkahawak pa ang kamay. You know what's the hardest thing to understand? Pinapakita sa akin ni Aira na mahal niya ako. Hindi siya nagkulang dun... Kahit ayaw niyang ipahiya si Vincent noon sa harap ng tao dahil tinuring niya ng kaibigan yung lalaking yun, ginawa niya yung gusto ko para sa akin dahil mahal niya ako. Pero bakit ganun? Bakit si Vincent pa din ang dahilan kung bakit nagiging komplikado kami ngayon? Bakit kahit pinagtabuyan niya na si Vincent sa harap ko at sa lahat, bakit palagi pa din silang magkasama ngayon? Bakit nakatira pa din sila sa iisang bahay? Bakit... " sabi ni Mark. Pero sa huli, hindi niya na naituloy yung gusto niyang sabihin sa sobrang sama ng loob. Napahampas pa nga siya sa table sabay yumuko eh na para bang gusto niya ng umiyak. Kaya naman hinawakan ko siya sa likod at hinagod ito para maramdaman niyang nandito lang ako sa tabi niya. Sa ginawa ko naman, medyo nahimasmasan siya. Pero bago siya magsalita ulit, uminom ulit siya ng alak.

"Masaya na sana kami eh... Bakit kailangan pang manggulo ng Vincent na yan? Ano bang kasalanan ko sa kanya? " inis na sabi pa ni Mark.

"Bakit kasi hindi na lang kayo maghiwalay? " comment ko. Bigla naman siyang natigilan at tumingin sa akin. Alam kong hindi niya gusto yung advice ko kaya naman bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon