Chapter 114

84 3 0
                                    


CHAPTER 114

"Ikaw ah, besplen. May hindi ka sa akin sinasabi ^0^" sabi ni Sherna sa akin habang nakangisi tapos siniko-siko pa ako para mang-asar.

"Na ano? Maganda ka? Ayokong magsinungaling nuh. Tsaka isa pa, baka maniwala ka kapag sinabi ko yun sayo. " sagot ko. Hinampas niya naman ako sabay tumawa ng malakas.

"Haha! Baliw! I mean, kayo na ba ni V mo hah?" tanong niya sa akin habang tumataas- baba ang mga kilay.

"Syempre hindi nuh! San mo na naman nakalap yang tsismis na yan?"

"Wala, nakakahalata lang ako. Todo deny ka pa dyan! Kung hindi kayo, then ano yung nakita namin ni lalabs ko kanina huh? "

"Ikaw Sherna, napaka malisyosa mo talaga! Walang ibig sabihin yun! Nililinlang ka lang ng 'yong paningin! Narinig mo ba yung pag-uusap namin kanina hah? Nagtatalo kaya kami! Siya lang naman may kagustuhan na buhatin ako nuh! Abnormal yun! Sarap kaya nun bugbugin!" sagot ko.

"Weh? Talaga lang hah?! xD" sabi niya pa.

"OO KAYA! BAT AYAW MO MANIWALA?!" asar na sagot ko kaya tumawa siya.

"Ahahaha!! Chill ka lang besplen ^0^ Oo na naniniwala na ako, wag ka na masyadong defensive dyan napaghahalataang guilty ka eh. Nagtatanong lang naman ako, dami mo ng sinabi xD"

"Guilty ka dyan? Nag eexplain lang ako, ayaw mo kasing maniwala eh. Siguro ikaw may gusto kay V kaya ka pilit ng pilit sa akin." sabi ko. Nag-iinit ulo ko.

"Susme, nakikita mo ba tong two million worth na engagement ring ko?" sabi niya sabay pinakita yung singsing na suot niya.

"Oh anong meron dyan? Iniinggit mo na ako ngayon? Ibenta ko pa yan eh. Tignan mo, mamaya wala na yang singsing mong tanso dyan sa daliri mo. Makita mo na lang yan sa junkshop, sige ka. " asar na sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya kasi naiinis na talaga ako. Ewan ko, ang bilis ko mahigblood! Tumatanda na yata talaga ako.

"Hahaha! Baliw talaga tong best friend ko. Kaya ko yan pinapakita sayo kasi ganyan ko kamahal ang lalabs ko! Sobra-sobra pa nga eh! Kaya wag mo akong pagbibintangan dyan! If I know, ikaw tong nagsisimula nang madevelop dyan sa V mo ^__^"

"Hindi nga ang kulit mo..." sabi ko sa kanya.

"Haay nako besplen, wag tayong maglokohan dito. Matagal na tayong magkakilala kaya wala kang maitatagong lihim sa akin :D"

"Wala nga, ang kulit ng lela mong panot ano? Alam mo Sherna, kung may nagugustuhan man akong lalaki ngayon, kayong dalawa pa ni Loren ang unang makakaalam kasi kayo yung malalapit sa akin. Kaya wag mo akong pangunahan, okay? Kasi wala talaga akong nararamdaman dyan kay V. As in wala. Gets mo?" sagot ko.

"Bahala ka dyan Aira, walang makakapigil sa akin sa paniniwala ko. Kasi I know na unti-unti ka ng nagkakagusto sa kanya. Hindi mo pa lang ngayon siguro narerealize sa sarili mo but sooner or later, sasabihin mo sa sarili mo na 'Ay tama pala yung bestfriend kong sexy! Mahal ko nga pala talaga si V! Sana pala naniwala ako sa kanya noon pa.' :)" sagot niya. Sinabi na ngang wala nga eh. Ampu--

"At paano ka naman nakakasigurado na tama ka hah? Where's the proof? Anong batayan mo aber?!"

"Gusto mo ng proofs? Fine! Papatunayan ko sayo :)" sabi niya habang nakangiti sa akin. "Now, tell me. Kapag nakikita mo si V, anong unang nararamdaman mo?" tanong niya pa. What? Anong klaseng tanong yan? Asa naman siyang natutuwa ang isasagot ko.

"Nabubwiset -.-" sagot ko kay Sherna. Ngumiti lang naman siya pero hindi na siya nagcomment.

"Eh sino naman yung lagi mong inaasahan na tumulong sayo kapag may nangyari sayong masama? Aminin mo, si V mo yun diba? :D" pangalawa niyang tanong. Gusto ko sanang magdeny eh kasi baka gamitin niya to bilang proof na may gusto nga ako kay V pero mas lalo akong madidiin kung sasabihin kong hindi. Wag na kasi tayong maglokohan dito, siya naman kasi talaga yung inaasahan ko.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon