Chapter 121

76 3 0
                                    

CHAPTER 121

Lumabas kami ng room ni V ng magkahawak yung mga kamay namin. Naks naman first time to! First time kaming magholding hands ng hindi scripted, at wala sa panganib yung buhay ko. Ang saya pala noh? ^___^ Habang naglalakad, nakasalubong ulit namin yung Kelly yata yun? Tapos bigla siyang napatingin sa kamay naming magkahawak kaya napatigil siya at napangiti.

"Ayieeeeee! Ano ibig sabihin nito? Kayo na?" tanong niya sabay tinuro yung kamay namin.

"Ahaha oo! Salamat sa tulong hah!" sagot naman ni V habang ngiting ngiti. Pagkatapos nun, yung babae naman yung natuwa after niyang marinig yung sagot ni V.

"Wow! Ang galing talaga nating umacting!! Akalain mo, effective?! Naks naman! Congrats! ^___^" tuwang tuwa din niyang sabi tapos nakipag apir kay V. Tumingin naman siya bigla sa akin.

"Madam ^__^" tawag niya. Nagulat nga ako eh, kasi ngayon na lang ulit ako nakarinig mula sa ibang tao na ganyan pa rin ang tawag sa akin. "Congrats din! Wag mo kong kaayawan hah, ayokong nagagalit sa akin yung idol ko :3 Ilang beses din tayong nag- away pero part lang yun ng palabas namin. Ang totoo niyan boto ako sa inyo dati pa! Kaya natutuwa ako para sa inyo ngayon ^___^" dagdag niya pa. Tapos nagwave na din siya ng kamay sa amin at umalis na siya. Hinatid naman na ako ni V kaagad sa bahay tutal gabi na.

"Good night na bakla! Ingat sa pag- uwi hah. " sabi ko sa kanya sabay nagbeso sa kanya.

"Opo higad! Ikaw din, matulog ka ng maaga, wag mo kong masyadong isipin, baka mapuyat ka xD" sagot naman niya sa akin. Natawa nga ako eh, kapal ng mukha nito.

"Mangarap ka! Umuwi ka na nga!" sagot ko tas tinulak siya.

"Haha! Ikaw nga yung pangarap ko eh... Pangarap kong maging asawa xD" sabi niya naman. First day naming maging mag-on yan kaagad iniisip niya -__- Sige na, pagbigyan na natin siya. First day nga kasi naming maging mag on kaya ganyan yan magsalita. Puro kacornyhan.

"Ang corny mo. " comment ko. Tumawa na lang siya.

"Sige na bye! See you tommorrow! Love you :*" tatawa-tawang sabi niya habang kumakaway tapos nagflying kiss pa.

"Love you too." sagot ko naman tapos inabot yung pinakawalan niyang flying kiss at dinampi yung kamay ko sa lips ko.

-----

Kinabukasan.

-Knock knock-

Binuksan ko kaagad yung pintuan ng marinig kong may kumakatok sa bahay. At ng makita ko kung sino yung nasa labas, napangiti ako kaagad ng makita kong si V pala yun at hinihintay niya na ako. Lalabas kasi kami ngayon :"> Hihihi well syempre, gusto lang namin magspend ng time together. Bilang boyfriend ko na rin naman na siya ngayon, gusto ko siyang makadate :)

"Wow! Artista!" sabi ko pa sa kanya sabay tinanggal yung suot kong shades at tinignan siya from head to toe habang nakangiti. "Ang gwapo talaga ng boyfriend ko :)" dagdag ko pa sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha! Syempre, para bagay tayo. Parang beauty queen kasi yung girlfriend ko sa sobrang ganda eh." sagot niya pa tapos pinisil ng mahina yung cheeks ko.

"Bolero." tatawa-tawang comment ko.

"Hindi kaya. Yan ang pinakatamang sinabi ko sa buong buhay ko. " sagot naman niya. Syempre kinilig naman ng sobra ang lola niyo don. Kulang na lang gumulong na ako sa sahig sa sobrang kilig eh.

"Tama na nga yan, tara na." nahihiyang sabi ko sa kanya habang hindi sa kanya makatingin ng deretso sabay hinila na siya para umalis. Pero hindi ko siya nahila kasi pinigil niya ako.

"Eh sabihin mo muna sa akin kung ano naman yung pinakatamang sinabi mo sa buong buhay mo. Dali gusto kong marinig. " parang bata niyang sabi. Lalo tuloy akong nacute-an sa kanya kaya ngumiti ako.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon