Chapter 32

202 3 0
                                    

CHAPTER 32

V'S P.O.V.

Here at gym. Kakatapos lang kasi ng klase eh kaya dumeretso kaagad ako dito since ganitong oras talaga ako pumupunta dito.

Ano kayang nangyari kay Higad? Kanina kasi nakita ko yung mata niya, maga. Tapos ang tahi-tahimik niya pa sa buong klase. Para ngang wala akong katabi eh kasi wala akong maramdaman sa tabi ko. Ano kayang nangyari sa kanya? Posible kayang dahil to sa akin kasi hindi ako nakipagdate sa kanya kahapon? Uh! Buong araw naman niya akong kasama ah! Nakulong pa nga kami sa elevator diba? Pero... baka naman kasi nagalit siya nung pinaghintay ko siya ng tatlong oras sa labas ng unit ko? Hindi eh! Sabi niya kasi sa may elevator, okay lang daw yun. Isa pa dapat dun pa lang galit na siya. Ang daldal nga niya eh. Kain pa ng kain! Tas pag -uwi, binigyan niya ako ng flowers at kiniss pa. Imposibleng ako ang dahilan! Teka... baka naman yung kausap niya sa cellphone ang salarin? Naku fishtea yun ah! Oras na malaman kong siya ang dahilan, sasapukin ko yun! Hindi tuloy kumpleto araw ko kanina kasi hindi kami nag-away ni higad. Bad trip siya!

"HOOOOOOY V!!!!! "

\(OoO)/

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH" sigaw ko. Siraulo yung nasa likod ko ah! Sino siya para gulatin ako hah! Lapastangan siya, napatili tuloy ako. Tignan mo yung mga poging boys na nagwowork-out dito, nakatingin lahat sa akin. Tumingin ako sa likuran ko para malaman kung sino yung gumulat sa akin. Gusto ko kasi siyang sakalin. Paglingon ko, nakita ko si Jack na hawak ang tyan niya sa kakatawa.

"WAHAHAHA! You always makes me laugh, Vincent! " comment niya tas tumabi na sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang problema mo? Hindi nakakatuwa yang ginawa mo! " asar na sabi ko sa kanya.

"Chill. Gusto ko lang kitang gulatin. Tulala ka pa kasi dyan kanina pa eh. Sino ba iniisip mo dyan hah!? Ako ba? Ayieee... " asar niya sa akin tas kiniliti pa ako sa tagiliran. Tinulak ko naman siya palayo.

"Ano ba!? Para isipin ka!? Masyadong feeler to! Layuan mo nga ako bakla! " naiiritang sabi ko.

"What? Me? You're telling me I'm gay!? " natatawang tanong niya tas sinuntok-suntok ako ng mahina. ANG HAROT-HAROT! Mas bading pa yata to sa akin eh!

"Yeah. What do you think? Observe how you act! " sagot ko. Binalik niya naman sa akin yung pang-aasar.

"Talaga tol? Makahinala ka parang straight ka ah! Look at yourself in the mirror. Tili ka nga ng tili tuwing magkasama tayo eh haha! Ikaw yun! BAKLA!! " pambubully niya sa akin. Inemphasize niya pa talaga yung word na 'bakla'. Sumosobra na tong lalaking to eh! Kala mo di kita papatulan hah!?

"H-hindi ako bakla! Kung meron man satin dito, ikaw yun! PAMINTA! Tignan mo nga yang mukha mo, ang puti-puti gawa ng foundation! Fitted pa kung manamit, kala mo sexy ka sa ginagawa mo? Mukha ka lang tanga! Walang maatrack dyan sa katawam mo uy! " sabi ko. Binintang ko sa kanya lahat ng mga gawain ko. Asaran pala ha. Tumigil siya saglit. Tatawa na sana ako kasi akala ko sumuko na siya pero hindi pala. Umayos siya ng upo sa tabi ko at biglang ngumisi. Pagkatapos ewan ko ba dyan kung anong naisip niya at biglang naghubad ng damit pang itaas at humarap sa akin ng malapitan!

O______O

Gosh.

Ang laki... ng ABS. >___<

"Oh ano!? Ano!? Aamin ka na!? Aamin ka na!? " pangbubully niya sa akin habang lalo pang nilalapit sa akin yung katawan niyang topless. "Wala palang na-attract hah!? Merong isa, ikaw. Sa macho kong to, pinaghihinalaan mo ako? Sabihin mo na sa akin! Bakla ka nuh!? Wag mo na ikubli ang katotohanan! Tell me! Alam kong naglalaway ka na sa akin. Mabait naman ako eh, kaya sige pwede mo yang hawakan :D " dagdag niya pa.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon