Chapter 83

100 3 0
                                    

CHAPTER 83

V'S P.O.V.

Matapos kong magbihis, bumaba kaagad ako sa sala. Pero nasa hagdan pa lang ako, nakaramdam kaagad ako ng matinding pamimilipit ng sikmura. Feeling ko bumabaliktad lahat ngayon ng kinain ko magmula kahapon. Kaya naman tumakbo kaagad ako sa comfort room para isuka lahat. Madami din kasi akong nainom kagabi kaya siguro ako nagkakaganito. Matapos kong sumuka, binuksan ko kaagad yung gripo para maghugas ng kamay at ng bibig. Pero hindi pa ako natatapos sa ginagawa ko, bumukas yung pinto ng cr at tumatakbong pumasok si Aira habang nakatakip ang bibig. Sa kamamadali niya nga, kung saan-saan na siya bumangga at kamuntik pang matalisod. Pati ako tinulak, humampas tuloy ako ng malakas sa pader.

"Tabi dyan! " sabi niya pa tas nagmamadaling sumiksik sa pwesto ko at tapos ay biglang sumuka ng madami. Nagflush naman kaagad siya tapos ay naghugas din ng kamay at bibig dun sa lababo. Pinilit ko naman siyang iharap sa akin. Tapos tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyari? Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Bakit ka nagsusuka? Buntis ka? " nag -aalala kong tanong sa kanya. Bigla niya naman siyang nagtaas ng kilay sabay binatukan ako.

"Tanga! Buntis agad-agad? Hindi ba pwedeng hangover lang to? Wala pa ngang bente kwatro oras ang nakakalipas eh! Sino ba mas matalino sa ating dalawa? Akala ko ako na ang pinaka bobita sa balat ng lupa. Congrats sa akin, may mas malala pa pala. Ang laking achievement nito." sabi niya.

"Kung anu -anong pinagsasabi mo. Ano bang malay ko sa pagbubuntis? Nag -aalala lang naman ako sayo eh, masama ba yun? " sabi ko.

"Hindi. Pero common sense naman oh. Ikaw, nagsuka ka din diba? Ibig sabihin buntis ka din?! Nabuntis kita ganun?!" mataray niyang pamimilosopo sa akin sabay umirap pa.

"Inaaway mo na naman ako. Bakit ka ba ganyan? Akala ko ba bati na tayo? " sabi ko.

"Binabawi ko na lahat! Kung nagpakabait ka kasi sa akin, edi sana friends tayo ngayon! Asar ka kasi eh!! Gusto kitang ipakain sa crocodile!! Naging lalaki ka lang, sumobra naman yang pagbabago mo at mas lalo ka pang naging manyak. Edi sana naging bading ka na lang forever!! "

"Sorry na nga... Sorry na, kahit hindi ko sinasadya at hindi ko ginusto lahat ng nangyari. Basta patawarin mo ako. Ayoko ng ganito tayo Aira... "

"Ayoko! Kahit anong gawin mo, hindi na mababago ang isip ko. " sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata.

"Bakit ba kasi? Anong gusto mong gawin ko? " tanong ko. Lalong lumapit naman siya sa akin.

"Pakamatay ka. " sabi niya tas lumabas na ng cr. Syempre sinundan ko siya.

"Aira naman!! " sabi ko tas hinawakan siya sa kamay para pigilan siya.

"Seryosong usapan naman oh! " dagdag ko pa. Padabog niya namang tinanggal yung kamay ko sa kanya.

"Serious din ako! Ayoko! Ano ba kasing magagawa ng sorry mo? Wala na diba? Hindi mo na mababalik yung nawala sa akin!! " sabi niya. "Haaayy grabe hindi ko talaga lubos maisip yung nangyari sa atin! Nakakadiri, bakit mo kasi kinuha? Bat ikaw pa? Hindi ikaw yung pinangarap kong pagbigyan nun noh!! Asar!! " sabi niya pa tas nagpagpag ng sarili at nagpunas ng katawan na obvious namang pinapamukha niyang diring diri siya. Naiinis na talaga ako. Kanina niya pa ako sinasabihan ng masasakit na salita. Parehas lang namang hindi namin yun ginusto. Hindi na ako sumagot, ayoko na makipagtalo sa kanya.

"At ano naman yung nawala sayo hah? " nagulat naman kami ng biglang may boses na magsalita matapos magsalita ni Aira. Pagkalingon namin, nakita namin si Gong na nasa gilid lang namin at nakikinig sa usapan namin.

"Hah? " masyadong tensyonadong reaction ni Aira sa favorite niyang kuya. Tsk. Tsk. -___- Paobvious naman to masyado.

"Ano yung narinig ko na nawala sayo at ayaw mong siya yung pagbigyan mo? " tanong ulit ni Gong?

"Hah? Wala... Wala! Wag mo intindihin yun. " sabi ulit ni Aira habang umiiling pa. Nagmumukha na siyang tanga kakatago sa pinag -uusapan namin kanina kaya mas lalong nagdududa na tuloy sa kanya si Gong.

"Talaga? Bakit? Ano bang problema? May nangyari ba?"

O___O

"What? Panu mo nalama--" sabi ni Aira pero nung narealize niya yung sinasabi niya, hindi niya na tinuloy.

"Ano? Anong ibig mong sabihin? " naguguluhang tanong ni Gong.

"Ehehe wala... wala talaga to kuya promise! Walang nangyari sa amin :)" sagot ni Aira. "Diba V? Walang nangyari sa atin? " sabi niya pa tas siniko ako. Naghanap pa siya ng kakampi -__- Matapos ng lahat ng sinabi niya sa akin?

"Uh?? o-oo :)" napilitang sagot ko na lang.

"See? Haaayy nako, halika na nga kuya, kain na tayo ng breakfast dali!! Nagugutom na ako eh ^__^" sabi na lang ni Aira tas hinila na si Gong.

"What's wrong? You both are acting weird. " comment na lang ni Gong pero hinayaan niya na kami.

Pagdating namin sa dinning area, sinumpong na naman tong si Aira. Iuusog ko pa lang yung upuan, bigla niya na akong inapakan sa paa sabay piniwersang itulak palayo sa kanya. Inaano ko ba siya?

"Shhhh... ano ba yan? " sita sa amin ni Gong. Pero hindi niya naman pinansin to.

"Alis dyan! Ayaw kitang katabi! " sabi niya sa akin. Dito naman yung lagi kong pwesto tuwing kumakain eh. Tas ngayon paaalisin niya ako? Tsk! Wala na lang akong nagawa kundi ang pagpasensyahan siya. Umalis na lang ako at umupo na lang dun sa harap niya ng walang reklamo.

"Oh? Anong tinitingin -tingin mo dyan? May angal?! " sabi niya pa.

Ano ba naman!! >:(

Grrrr!!! Pati pagtingin ko sa kanya, big deal?

"Wala. Ano bang masama sa ginagawa ko? Ano pang kulang? Sinunod na nga kita eh! " sumbat ko. Pasalamat nga siya, kahit anong sabihin niya sinusunod ko. Kahit anong sigaw niya sa akin, hindi ko magawang saktan siya.

"Wag mo kasi akong tignan! Naiirita ako! "

"May mata ako. Paanong hindi kita titignan? " sagot ko.

"Pumikit ka! Kahit ano gawin mo! Basta iwasan mo akong tignan! Nakakagigil eh! Pag nakikita kitang nakatingin sa akin, naaalala ko lahat eh! Manyak!! " sigaw niya pa.

"Ano ba tama na nga yan! " biglang sabi ni Gong sabay hinampas yung table para matahimik si Aira.

"Ano bang problema niyo hah? Kanina pa kayo nag -aaway! Akala niyo ba hindi ko kayo naririnig na nagsisigawan kanina sa labas ng cr? Nakakabingi na kaya kayo... pag -untugin ko kayo dyan eh! " saway niya. Tumahimik naman si Aira at umupo.

"Eto kasi eh. " humirit pa siya at tinuro ako.

"Ako na naman? " sabi ko.

"Tumigil na nga kayo! Kada ko na lang kayo nakikita, lagi kayong nagbabangayan! " sita ni Gong tas tumingin sa akin.

"Ikaw, kahit kapatid ko to, hindi ko siya itotolerate. Ulitin niya na awayin ka, labanan mo! Wag kang pa-under sa kanya. " advice niya sa akin. Nagulat nga si Aira sa sinabi ng kuya niya eh.

"What do you mean? Pagbubuhatan ko to ng kamay? Ayoko. Hindi ko kayang gawin sa kanya yun. " sagot ko. Sumabat naman si Aira sa sinabi ko.

"Psh. Maniwala? Echosera... Hindi daw kayang manakit pero kayang mangrape. " bulong ni Aira pero rinig ko naman. Mabuti nga hindi yun napansin ni Gong eh.

"Hindi! Pag binungangaan ka niya ulit, halikan mo kaagad para matahimik! Nagpapapansin lang yan dahil nadedevelop na siya sayo eh xD " natatawang sabi ni Gong sa akin. Hinampas tuloy siya ni Aira.

"Eeeewww... Never akong magkakagusto sa kanya nuh! " sabi ni Aira.

"Wussiiiooo... Kunwari ka pa! Eh ganyan ka din naman kasungit kay Mark dati! Oh tapos anong nangyari? Bumigay ka din diba? :D " asar sa kanya ng kapatid niya. Umirap naman si Aira dahil nabanggit na naman yung pangalan ng ex niya.

"Haaayy nako. Maiwan na nga lang muna kayo. I think kailangan ko kayong bigyan ng time together xD " comment ni Gong tas umalis na.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon