Chapter 35

157 4 0
                                    

CHAPTER 35

AIRA'S P.O.V.

"What!? Anong sabi niya? Tinawag ka niyang baby? " gulat na tanong ni Mark. Dito kasi kami sa room ko ngayon, nanunuod ng movie sa bed ko. Hindi na ako tumuloy kay V eh kasi hindi ko siya maiwanan. At ayan po ang kaagad niyang reaction ng marinig yung usapan namin ni V kanina sa phone.

"Oo. " maikli kong sagot sabay nanuod ulit ng 50 shades of grey. Wahaha! Joke lang, Spongebob Squarepants kaya pinapanuod namin haha! Bata pa ako para sa mga bagay na yan xD

"Hah? Kayo ba? Sabi mo hindi? Ano ba talaga? Naguguluhan ako sa inyo... ano ba talaga status niyong dalawa? "

"Hindi kami. Kumukulo nga dugo sa akin nun kapag nakikita ako eh kaya wag kang magselos dyan. Nagpapanggap lang kaming mag -on dahil sa kaibigan niyang muntik na mabistong bading siya. Yun lang yun. " explain ko. Nabunutan naman siya ng tinik sa narinig niya.

"Ah... Okay :) Akala ko pa naman, kung ano na... " sagot niya tas nanuod ulit siya. Pero napapansin ko, habang nanunuod kami palingon -lingon siya sa akin. Minsan nga ang tagal niya pa tumitig sa mukha ko eh. Sarap niya sapakin, ang awkward kaya! May dumi ba ako sa mukha?

"Uh... sweetie pie... " yan! Sa wakas nagsalita na din! Mukha kasing may gustong sabihin kanina pa eh. Lumingon ako sa kanya. "Mahal mo pa ako diba? Napatawad mo na ba ako? " tanong niya pa. Okay, sabi na eh. Hindi siya matahimik nuh? Pinili ko na nga siya ngayon lahat -lahat eh. Sumandal ako sa shoulder niya at yumakap.

"Sa tingin mo? " tanong ko sa kanya habang nakangiti kaya lumingon siya sa akin.

"Ewan. Iniiwasan mo kasi ako eh. Pinatawad mo na kami ni Loren pero hindi mo naman kami madalas pinapansin. Pag nagkakatinginan tayo sa school, hindi mo na ako nginingitian. Hindi na tayo nagdedate at puro si Vincent na lagi kasama mo. Tinetext at tinatawagan kita palagi, hindi mo naman sinasagot. Puro excuses pa sinasabi mo kapag tinatanong kita. Hindi ko na nahahawakan yung kamay mo. Namimiss ko na yung hug mo, yung panglalambing mo sa akin, yung pagkiss ko sayo sa noo at sa cheeks tuwing nagkikita at maghihiwalay tayo. Hindi ko na naririnig yung boses mo, lalo na yung pagtawag mo sa akin ng sweetheart. May girlfriend pa ba ako? " sabi niya. Natawa ako ng konti sa mga sinabi niya. Kiniss ko siya sa cheeks at lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sa kanya kaya nagulat siya sa ginawa ko.

"Ngayon, namimiss mo pa ba? " tanong ko sa kanya. Nagulat man siya sa ginawa ko, napangiti ko siya kaya niyakap niya din ako.

"Oo, sobrang namiss ko to. Akala ko hindi mo na gagawin sa akin to eh. Bati na ba tayo? " tanong niya. Tumango ako.

"Oo :) Hindi kita kasi matiis sweetheart ko eh kasi love kita. "

"Weh di nga? Yes! Thank you sweetie pie ko!! " tuwang-tuwa niyang sabi.

"Pero serious ako sa sinabi ko dati, ayoko ng mangyari ulit yun kasi magagalit ulit ako sayo. " sagot ko. Hindi siya sumagot, ngumiti lang siya ng wide at bigla na niya akong hinila patayo.

"Tara date tayo! Promise, hindi na kita sasaktan. Kaya please... hayaan mo akong bumawi sayo :) " sabi niya. Ngumiti lang din ako tas sumama na sa kanya. Date lang pala eh, edi go!!

---

O_______O

"Uh... sweetheart... bakit tayo nandito??... bat dito mo ko dinala? " kaagad na tanong ko ng makita kung san niya ako dinala. Lam niyo kung san? Sa meeting place namin ni V -__- Tanga ko kasi eh, hindi ko namalayan yung daan papunta dito habang nagdadrive siya. Edi sana napigilan ko! Makeup kasi ako ng makeup! Maganda naman na ako >.<

"Bakit? May problema ba?" tanong niya. Napapikit na lang ako habang nakakagat labi at napahawak sa noo ko habang umiiling na para bang kasing lalim ng balon ang problema..

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon