Chapter 90

108 4 0
                                    

CHAPTER 90

LOREN'S P.O.V.

"AYOKOOO NGA! BAT ANG KULEET MO? Hindi ako mag-aaral kasama sila. As in never! And that's final! " inis na sagot ni Aira kay Vincent. "Ngayon, kung gusto mo talagang grumaduate tayo ng sabay, pwes umulit ka din. Kitakits na lang tayo next year, sana maging classmates ulit tayo." dagdag niya pa tas nagwalkout na. Sumunod naman sa kanya si Sherna.

"Aira... " tawag pa sa kanya ni Vincent tapos sumunod din sa kanya kaya naiwan tuloy kaming dalawa dito ni Mark. Medyo ang awkward nga eh. Kasi bumalot sa amin ang sobrang nakakabinging katahimikan. Alam kong galit siya sa akin kaya hindi niya ako kinikibo. Pero hahayaan ko na lang yun kasi gusto ko siyang makausap. Okay lang sa akin na sigawan at sabihan niya na naman ako ng masasakit na salita. Kasi ineexpect ko naman yun eh. Basta ang mahalaga sa akin ngayon, makausap ulit siya. This time gusto ko na talagang masabi sa kanya lahat.

"Uhm... sorry hah. Hindi dapat nadadamay dito yung mga personal na mga bagay." sabi ko na nakapagpabasag ng katahimikan. Lumingon siya sa akin pero kaagad din namang umiwas ng tingin tapos natawa ng onti.

"HA! Himala. Bumait ka yata ah! Totoo ba yan? " tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Sorry na. Alam ko naman na lahat kayo galit sa akin. Pero sana naman mapatawad niyo na ako. Hindi naman masama na magbago diba? Sana lang maappreciate niyo at matanggap ulit ako. " sabi ko.

"Ngayon nagkakaganyan ka dahil wala ng natira sayo? Samantalang nung nandyan pa sayo yung dalawang kaibigan mo, hindi mo man lang sila pinahalagahan. Siguro kung hanggang ngayon may kakampi ka pa din, hindi mo siguro yan gagawin? No choice ka lang naman eh, kaya ka nagpapakumbaba ngayon. "

"Hindi, Mark! Totoong gusto ko ng maayos lahat. Kaya nga nagsisisi na ako eh. Oo nagkamali nga ako. Pero sana pansinin mo na ako. Galit ka pa ba sa akin? Sana wag na kayong magalit :("

"Sana inisip mo yan bago mo ginawa yung mga kasalanan mo. " sagot niya kaagad.

"Kaya ko lang naman yun nagawa kasi nga mahal kita... Ngayong narealize ko na lahat ng mali ko, pasensya na. Kasi noon, hindi ko naman yun iniisip eh. Masyado lang ako nilalamon ng sarili kong pagseselos. Alam mo naman yung pakiramdam na yun diba? Yung tipong may gusto ka sa isang tao tapos yung interes niya nasa pinakamatalik mo pang kaibigan. Yung taong dahilan kung bakit ka masaya, sa iba naman pala nagiging masaya. Pangarap ko lang naman, maging ako yung taong yun eh. Palagi akong nagpapantasya na sana ako na lang yung dahilan kung bakit ka palaging nakangiti. Nung mga panahon na gustong gusto kitang kausapin, hindi mo ako pinapansin. Kapag dumadaan ako sa harap mo noon, parang wala ka lang nakikita. Kakausapin mo lang ako kapag kailangan tsaka pag may mahalaga kang sasabihin. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makabonding ka noon. Yung tipong gusto kong magpapansin sayo pero wala akong chance kasi kay Aira ka lang nakafocus at siya lang yung pinapansin mo. Pero wala akong magawa kundi tumingin na lang tas umiyak na lang kapag umalis na kayong lahat sa tuwing nasasaktan ako kasi wala talaga akong masabihan. Tapos ngingiti ng peke kapag kaharap ko ulit kayo mapagtakpan lang yung nararamdaman ko. Kahit sobrang gusto ko ng magwala dahil sa nararamdaman ko, hindi ko mapakawalan yung mga saloobin ko kasi alam kong walang makakaintindi :( Sobrang nagseselos ako kada na lang nakikita ko si Aira. Ang bigat pa sa feelings kasi lagi ko siyang kasama at kaibigan ko pa. Tapos halos lahat pa ng tao suportado na maging kayo. Sobrang sakit lang sa part ko. Sana maintindihan mo na lang ako kahit kaunti dahil madalas mo din namang maranasan yan kay Vincent diba? "

"Okay naiintindihan kita. Pero hindi talaga tama yung ginawa mo. Maling mali. Tas ngayon nagpapaawa ka? You will never be good enough for me. Remember that. "

"Hindi ako nagpapaawa. Totoo lahat ng sinasabi ko. Alam ko naman yun eh. Sige tatanggapin ko na lang yung pagkatalo ko. Pero sana tanggapin niyo na ulit ako. Mahirap makalimot diba, pero umaasa ako na patawarin niyo na ako. " sagot ko. Bigla naman siyang nag -isip ng matagal bago sumagot. Pero bago siya magsalita, umiling siya. Dun pa lang, alam ko na kung anong isasagot niya sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon