Chapter 131

75 4 0
                                    


CHAPTER 131

V'S P.O.V.

Makalipas ang ilang mga araw...

Halos hindi ako mapakali ngayon habang nakahiga sa kama ko. Pinagmamasdan ko kasi yung cellphone ko. Kanina lang, tinitignan ko yung mga picture namin ni Aira ng magkasama. Ngayon naman binabasa ko yung mga conversation namin noon sa inbox ko. Kanina ko pa pinag-iisipan na tawagan siya eh. Actually nung araw pa pala ng mismong break up namin, hindi na ako mapakali na i-dial siya. Kaso hindi ko magawa kasi alam ko namang dedemahin niya ako. Baka nga nagpalit na siya ng number eh, kaya ayokong itry kasi mas lalo lang akong masasaktan.

-Knock Knock-

"Sir Vincent, bumaba ka na daw po sabi ni Maam Jean. Nakahanda na po yung hapunan." narinig kong sabi ng maid namin. Pero hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang mamaos at magsawa kakasalita. Kahit pa lumabas na lahat ng varicose niya sa lalamunan, wag siyang umasang may sasagot sa kanya. Nagtaklob na lang ako ng kumot habang nakahiga. Masyadong masakit ang ulo ko ngayon para intindihin yung mga bagay na hindi mahahalaga.

-Knock Knock-

"Sir?? Andyan po ba kayo sa loob?"

-Knock Knock-

"Sir??? Kumain na po kayo sa baba, hinihintay po nila kayo."

-Knock Knock-

"Sir???"

Sunud-sunod na sabi ng maid habang kumakatok pa din. Nakakaasar nga eh, ang ingay-ingay. Hindi pa ba obvious na gusto kong mapag-isa? Kalaunan, narealize kong sumuko na din yung maid dahil hindi ko na siya naring. Kaso meron na namang nambulabog sa pintuan ko, si Eomma.

-Knock Knock-

"Nak? Si eomma to. Bumaba ka na dali, bawal paghintayin ang pagkain." narinig kong sabi niya mula sa labas. Eh ano ngayon?

-Knock Knock-

"Anak? Vincent? Naririnig mo ba ako? Bumaba ka na."

"Vincent! Wag matigas ang ulo, pagbuksan mo ako."

"Vincent? Vincent? Anak? Bat di ka sumasagot? Ano nang nangyayari sayo dyan?" sunud-sunod na ding tawag ni eomma sa akin pero ni isang salita, wala siyang narinig mula sa akin.

"Inday, pakikuha nga yung duplicate key nitong kwarto. Nag-aalala na ako eh, baka naglalaslas na yung anak ko sa loob." narinig ko pang utos ni eomma sa maid. Nakakainis naman oh, gumagawa talaga ng paraan! Grrr! Eh paano kung gawin ko talaga yung iniisip niya tutal binigyan niya ako ng idea?

-Eeeeeennngggg-

Ilang saglit lang, nakapasok na si eomma sa loob ng kwarto ko.

"Haaay Vincent, mabuti naman at naabutan lang kitang nakahiga. Akala ko pa naman, kung ano na yung ginagawa mo dito." sabi niya kaagad nung makita niya ako. Lumapit kaagad siya sa akin at hinila na yung kamay ko para bumangon.

"Halika na nak, tumayo ka na dyan at kakain na tayo." sabi sa akin ni eomma. Pero kaagad ko namang hinila pabalik sa akin yung kamay ko.

"Kayo na lang kumain, hindi ako nagugutom." sabi ko sa kanya sabay tinalikuran siya.

"Hah? Anong hindi nagugutom? Parati ka na lang hindi kumakain simula nung nagbreak kayo ng girlfriend mo! Halika na nga. Wala kang mapapala sa pagpapalipas mo ng gutom at mas lalong wala kang mapapala sa kanya. " pilit niya pa sa akin sabay hinila ulit ako. Wala rin akong mapapala kung makikipag -usap ako sayo.

"Sinabing ayoko ngang kumain. Bat ba ang kulit niyo?" nagsisimula na akong maasar sa kanya.

"Ano ba talagang gusto mong mangyari hah? Ayaw mong kumain, magkaka ulcer ka niyan sa ginagawa mo eh. Gusto mo ba talagang magpakamatay hah?!" sabi niya tapos binitawan na yung kamay kong hinihila niya kanina. Hindi ako sa kanya sumagot kaya umupo ulit siya sa gilid ng kama ko para kausapin ulit ako ng maayos.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon