Chapter 66

146 4 0
                                    

CHAPTER 66

MARK'S P.O.V.

-Ding dong-

Heto, kakadoorbell ko lang sa gate ng sweetie pie ko. Wala, bibisita lang sana tsaka yayayain ko na din siyang makipagdate sa akin.

Pagkabukas ng gate, nagulat ako ng makita ko kung sino yung nagbukas para sa akin. Hindi ko siya kilala sa pangalan eh, pero natatandaan ko ang mukha niya sa school at alam kong isa din siya sa mga kaaway ng girlfriend ko. Siya din yung dating nakasagutan ko noon nung siraan niya patalikod si Aira eh. Sino nga ba siya?

"Helga?! Sino yan? " narinig ko yung boses ni Aira mula sa loob. Aaahhh.. tama, Helga nga pala ang pangalan niya. Hindi naman sumagot si Helga at umirap lang sabay padabog na pinapasok ako. Pagdating ko sa loob, nakita ko naman yung dalawa ko pang classmates na babae.

"Oh? Sweetheart! Ikaw lang pala yan! " sabi naman ni Aira nung makita ako. "Akala ko pa naman, ibang tao na. Pesteng Helga yun, ayaw sumagot kanina nung tinatanong ko kung sino yung bisita! Kapag ako talaga nainis, lalagyan ko ng sili yung bibig niya nang tuluyan na siyang mapipi demunyita siya! " dagdag niya pa. Lumapit naman ako sa kanya na nakaupo sa sala at naglalaro ng tablet. Binigyan ko siya ng kiss sa cheeks tas siya naman niyakap ako.

"Anong ginagawa ng mga classmate natin dito? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ah sila ba? Mga achay ko ang mga yun! Wag mo intindihin yun. " sagot niya sa akin. Hindi na ako sumagot. Oo nga naman kasi, obvious naman sa mga suot nilang uniform eh, nagtanong pa ako. "Oo nga pala, ikaw? Ano namang ginagawa mo dito? "

"Wala. Bumibisita lang. Masama bang namiss ko yung maganda mong mukha? " sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin sabay kinurot ng mahina yung pisngi ko.

"Wusssiiioo... ang galing mambola ng boyfriend ko :D Pahug nga! " sabi niya tas niyakap ulit ako ng mahigpit.

"Bakit? Totoo naman ah! Ikaw ba, di mo ko namiss? " sabi ko. Umayos na siya ng upo tas tumingin sa akin.

"Hindi. " maikling sagot niya habang umiiling kaya naman natigilan ako. "Panu kita mamimiss? Eh tawag ka nga ng tawag sa akin eh. Text pa ng text!"

"So you mean, nagsasawa ka na sa akin ganun? " sabi ko naman. Umiling ulit siya sa akin habang nakangiti.

"Hindi! :) Kasi love kita... At mamimiss lang kita kapag tinigil mo yung mga ginagawa mong yun :)" sabi niya gamit ang nagpapacute na boses na parang bata.

"Syempre naman hindi ko ititigil yun nuh! Actually gusto nga sana kitang yayain magdate eh para makapagbonding pa tayo :)" sagot ko naman. Tumigil siya saglit.

"Hah? Date? Magde -date tayo? " tanong niya tas matagal na nag -isip. "Wag na... "

"Bakit? Ayaw mo? " nagtataka ko namang tanong.

"San ba tayo pupunta? Kakain sa labas? Wag na! Nakakapagod eh, tsaka gastos lang yun! Dito na lang tayo. Pwede naman tayong kumain dito ah! " sagot niya.

"Tinatamad ka lang eh. " medyo nadi-disappoint na sabi ko. Niyugyog niya naman ako.

"Ano ka ba, hindeeee!! Dito na lang kasi tayo. Gusto mong makatikim ng lutong pangchef? Di mo kailangang gumastos ng mahal. Nandito ako, ipagluluto na lang kita :)" nakangiti niyang sabi sa akin habang tumataas-baba pa ang dalawa niyang kilay.

"Hah? Marunong ka bang magluto? Kelan pa? " tanong ko naman. Yung ngiti niyang wide kanina, nag evolve na sa bungisngis.

"Hehe! Sinabi ko bang marunong ako? ^__^"

"Oh? Bat ang lakas ng loob mong magvolunteer?"

"Eh kaya ko yan! Wala ka bang tiwala sa akin? Ayaw mo nun, ikaw makakatikim ng unang luto ko? " sabi niya. Napakamot na lang ako ng ulo. Sige na nga, pagbigyan. Baka umiyak eh.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon