Chapter 61

130 5 0
                                    

CHAPTER 61

3:45 a.m.

Uwaaaaaahhh!! Hindi ako makatulog!! T.T Kanina ko pa tinatry na ipikit ang mga mata ko, nagbilang na nga ako ng stars at sheep sa kalangitan para antukin ako pero wala pa ding nangyayari! Hindi ako mapakali!! Bakit ba kasi ganito? Nakukunsensya ako sa ginawa ko. Dapat nga masaya ako kasi wala nang hadlang sa amin ni Mark. Hindi na kami magsisikreto ng relasyon. Isa pa, may bago akong alalay ngayon na nagngangalang Helga. Ang dami kong benefits sa ginawa ko pero ang sakit na ng ulo ko kakaisip! Hindi ko naman to first time ginawa, pero bakit kanina pa ako isip ng isip kay V? Nag -aalala na ako sa kanya, hindi pa siya umuuwi. Tsk! Natural lang naman talaga sigurong hindi siya umuwi sa bahay dahil sa ginawa ko sa kanya diba? Pero hindi talaga maalis sa akin yung pag -aalala. Wala akong idea kung nasa unit ba niya siya o kung nasaan mang lupalop siya ngayon. Ang gusto ko lang naman malaman, kung safe siya sa mga oras na to ngayon eh. Kanina pa ako naghihintay ng tawag or text man lang niya pero wala. Sinubukan kong ako na lang ang tumawag sa kanya pero out of coverage area naman. Malamang pinatay niya yun kasi iniiwasan niya ako. Naku, asan na kaya siya? Kumusta na ba siya? Baka naglalasing na yun ngayon. Baka nilulunod niya na ang sarili niya ngayon sa alak. Baka napanu na yun?! Paano kung naisipan niya nang magdrugs? O kaya sa sobrang wala na siya sarili, baka napaaway na siya? Naku... baka binubugbog na at pinagtitripan na ngayon si V ng mga tambay?! O hindi naman kaya, naisipan niya nang maghanap ng iba?! Pinagpalit niya kaagad ako :( Baka hindi niya na napigilan ang sarili niya at nangrape na ng kung sinong babaeng makita niya. Uwaaaahh!! >___< Paano kung makulong siya ng habangbuhay? O kaya, ang worst, sa sobrang heartbroken, baka nawalan na siya ng pag-asa at nagsuicide na siya? Tapos bukas bigla ko na lang mababalitaan na tsugi na siya dahil nagbigti siya. O kaya naglaslas. O kaya uminom ng madaming ascorbic acid, o lason, o muriatic acid?! O kaya naman tumalon siya sa mataas na building o tulay. O kaya baka naman nagpasagasa na lang siya sa ten wheeler truck?! O baka binaril niya na yung sarili niya?!

AYT!! ANO BA TONG MGA INIISIP KO?! NAPAPRANING NA AKO >.<

Eh baka naman kasi totoo? Malay mo sa sobrang sakit ng nararamdaman niya, naisipan niyang pumunta sa Mindanao at magrebelde?!

Tsk. Sabi na ngang wag praning dyan Aira eh. Alam mo, ang maganda mong gawin, uminom ka na ng sleeping pills dun sa baba para matahimik ka na. Tama! Hindi dapat ako nagpupuyat. Ang beautiful na katulad ko, kailangan ng beauty rest! Kaya Go na! Dali! Go!

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama at bumaba para uminom ng sleeping pills. Pero nasa hagdan pa lang ako, bigla ng nagring ang phone ko...

--------

V'S P.O.V.

"UWAAAAAHHHH!!! " ngawa ko. Andito kasi ako sa isang beer house, dinala ako dito ni Jack nang malaman niyang may problema ako.

"Oy! Tumigil ka nga dyan! Dinala kita dito para magsaya at kalimutan ang problema, hindi para lalong problemahin ang problema! Ngawa ka ng ngawa dyan! Para kang bakla!" sita naman sa akin ni Jack dahil siguro nahihiya na siya sa akin. Pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao dito eh pero wala akong pakielam! Galit ako >:(

"Lalaki ako!! Mahal na mahal ko nga siya eh! Pero anong ginawa niya sa akin?! Walanghiya siya!! Magsama sila ng Mark na yun! Peste!! " sabi ko pa sabay uminom ng alak.

"Ano ba kasing nagyari hah?! Iyak ka ng iyak dyan! Magkwento ka naman... " sabi niya kaya nagkwento naman ako.

"Yang Aira na yan!! Minahal ko siya ng todo -todo! Sa buong buhay ko, siya nga lang minahal ko ng ganito eh! May pasabi-sabi pa siya sa akin ng I love you, hindi naman pala totoo!! Pinagmuka akong tanga! Ang tanga -tanga ko naman kasi talaga eh! Bakit ba ako naniwala sa kanya?! Paasa siya! Akala ko mahal niya talaga ako tapos malalaman ko, sila pa nung Mark na yun! " sumbong ko sa kaibigan kong si Jack habang umiiyak. Hindi na nga ako makahinga eh. Naninikip na yung puso ko, ang sakit! TT___TT

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon