Chapter 57

118 3 1
                                    

CHAPTER 57


SHERNA 'S P.O.V.


"Maam, may nagpapabigay po ng drinks sa inyo. " habang umiinom ako, bigla akong kinausap ng waiter. Tapos tinuro niya sa akin yung nagpapabigay daw ng drinks sa akin at nung lumingon ako dun, nakita ko ang isang lalaki na kumaway sa akin at kumindat pa. Eeeeewwww... (>~<" ) Ngumiti naman ako sa kanya kaya nakita kong natuwa siya. Pero nang itaas ko yung kilay ko at itapon sa harap niya yung inumin na bigay niya sa akin, unti -unting nagbago yung expression ng mukha niya. Nilapitan niya naman ako na galit na galit.


"Why did you do that?! Hindi mo ba alam na yun ang pinakamahal dito?! "


"Sir, I don't care if that's the most expensive here. Did I tell you to buy it for me?! For your information, I can afford that so I can buy it whenever I want! And one thing more, do you really think I'm cheap?! You're not my type, duh?! So could you please stay away from me!" maarteng sagot ko sa kanya. Sa inis niya, hinawakan niya ako sa magkabilang braso.


"Argh! Let me go! "


"Haha! Aba, habang tumatagal, lalo kang nagiging palaban hah. Yan ang gusto ko!! :))" sabi niya. Pinilit kong umalis pero sa sobrang lakas niya, wala ding nangyari. Hanggang sa...


-PAAAAAAAKKK-


Bigla na lang siyang tumumba. Nawala nga ako sa sarili eh. Pero nung matauhan ako, si Nick nasa harap ko na at yung lalaki dumudugo na yung gilid ng bibig.


"D*mn it! Sino ka ba?! Ba ka nangingielam?! " sigaw nung lalaki kay Nick.


"Eh g*go ka pala eh! Fiancee ko kaya yang binabastos mo! Talagang mangingielam ako!! " sabi naman ni Nick. That time, napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung namumula yung mukha ko. Talaga bang fiancee ang turing niya sa akin? >\\\\<


Matapos ng suntukang naganap, agad nagsidatingan ang mga bouncers at mga guards. Bago pa lumala ang situation, mas pinili na lang ni Nick na kami ang umalis kaya naman hinila niya na kaagad ako palabas ng bar na yun.


"Bakit ka na naman ba kasi umiinom mag -isa hah. Talagang mababastos ka niyan sa ginagawa mo eh. " sermon sa akin ni tatay Nick.


"Wala kasi akong magawa kaya pumunta muna ako dito. Eh ikaw? Bat ka nandito? Maaga pa hah, anong nangyari?" tanong ko. Bigla naman siyang tumawa.


"Haha! Gugustuhin mo pa bang malaman ang mga nangyari kung ganito ang itsura ko? " sagot niya sabay tinuro yung madumi niyang polo na para bang nabuhusan ng ice tea.


"Ay hala! Anong nangyari?! " nag -aalala kong tanong sa kanya sabay pinapagan pa yung kwelyo ng polo niyang sobrang dumi.


"Grabe concern mo hah. Hayaan mo na yan, natuyo na eh, hindi na yan matatanggal. " sabi niya naman.


"Sa unang tingin pa lang mukhang alam ko na kung anong nangyari. " sabi ko. Malungkot naman siyang ngumiti sa akin.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon