Chapter 87

98 4 0
                                    

CHAPTER 87

AIRA'S P.O.V.

-Beep beep-

From : Sherna

Aira sorry na talaga hah. Bati na tayo pleeeeeaaaasseeee... -Mula sa bestfriend mong maganda, Sherna :)

----

Nandito ako sa terrace ngayon, wala nagpapahangin lang. Tapos, heto nagtext si Sherna sa akin. Ang tyaga niyang mag apologize sa akin, kitang galit nga ako sa kanya. Ilang beses na siyang nagtext sa akin. Pati nga missed calls eh, kahit kelan naman hindi ko siya sinagot. Kuleeet nuh? V the second lang ang peg?

"Sige na, replyan mo na yan. "

And speaking of the devil, nandito pala siya sa tabi ko. Kakagulat nga eh, parang kanina lang mag -isa lang ako dito tas bigla -bigla siyang susulpot na parang kabute dyan -___-

"ANO NA NAMAN?!" masungit na tanong ko sa kanya. Imbyerna kasi!

"Galit ka na naman. Nag -aadvice lang naman ako eh. " sagot niya sa akin.

"At bakit ko naman rereplyan yang babaeng yan hah? Tinakwil ko na siya. Ayoko na siyang maging kaibigan. " sagot ko.

"Bakit ba mahilig kang mangtakwil ng taong nagmamahal sayo hah? Gaya ko, mahal na mahal kita pero lagi mo akong tinatakwil. "

"Gaya mo? Eh kasi katakwil-takwil ka naman talaga eh. "

"Eh yung bestfriend mo? Katakwil takwil din ba siya?" tanong niya. Tumawa naman ako sa sinabi niya.

"Wala akong bestfriend. " maiksing sagot ko sa kanya.

"So anong tawag mo kay Sherna?"

"Ex-bestfriend! Parehas sila ni Loren. Mga wala silang kwenta. Pinagkatiwalaan ko, mga tinuring kong kapatid pero sinaktan lang nila ako. Dapat kasi hindi na lang ako naging mabait sa kanila! Wala naman akong mapapala kung magiging mabait ako sa mga tao! Mang -aabuso lang silang lahat! Mas mabuti pang maging salbahe eh! At least ako yung nananakit ng damdamin ng iba, hindi ako yung sinasaktan! Sana pala naging ganun na lang ako sa kanila simula nung una pa lang. Minsanan na nga lang ako makapagpakita ng pagmamahal, ng concern, ng kabaitan, mali pa ako ng napiling tao. Minsan na nga lang akong makahanap ng kaibigan, puro peke pa! " sabi ko. Ano ba to, ang drama ko tuloy -__- Hindi sa akin bagay! Bakit ba kasi ako naglalabas ng saloobin sa kanya? Kung hindi ko talaga true friends sina Sherna at Loren, edi fine! Hindi na! Wala akong paki. Hindi ko sila kailangan, kaya kong mag -isa.

"Naiintindihan ko kung bakit ka galit ngayon kay Loren, Aira. Pero hindi ko talaga magets kung bakit pati si Sherna, tinataboy mo na din. " sabi niya.

"Eh bakit? Traydor din siya at sobrang disappointed ako sa kanya kaya mas mabuti pa ngang lumayo siya sa akin." sagot ko.

"Hindi mo ba naiintindihan yung reason niya kung bakit niya hindi sinabi yun sayo? Una, ayaw ka niyang makitang masaktan ng harap-harapan. Pangalawa, gusto niya ikaw mismo ang makatuklas ng bagay na yun. Pangatlo, tinatry niyang pigilan yung mga nangyayari. Pinipilit niyang iconvince si Loren tuwing may binabalak siyang masama. Nagawa pa nga niyang ireto kay Loren yung taong gusto niya diba? Para lang tigilan na ni Loren si Mark. Kahit sobrang mahal niya yung lalaki, mas pinili niya na lang na siya yung masaktan kesa ikaw. Marami siyang ginawa para sayo Aira, para lang hindi ka masaktan. Sabihin na nating hindi naging successful yung mga ginawa ni Sherna dahil hindi niya pa din napigilan si Loren pero hindi mo pa din ba icoconsider yung efforts at sacrifices niya para sayo? Totoo mo siyang kaibigan. Mahal na mahal ka ni Sherna at tinuturing ka din niyang kapatid gaya ng turing mo sa kanya. Hindi lang naman to yung first time na nasubok yung friendship niyo diba? Alam kong simula nung maging magkaibigan kayo, marami ng napatunayan sayo si Sherna. Kaya sana, wag niyo nang palakihin yung issue at wag na kayong mag -away dahil wala naman talaga kayong dapat pag -awayan. Hindi niyo dapat tinatapos yung matagal niyo ng pinagsamahan ng dahil lang sa breakup niyo ng ex mo. Isipin mo din na si Loren at si Mark at tunay na nakagawa sayo ng kasalanan at hindi siya. " ang mahabang speech ni V. Grabe nagulat ako sa mga sinabi niya. Bumabakla na naman siya... akala ko ba lalaki na siya? Bakit ang lakas maka beauty pageant ng sagot niya? Di joke lang, alam niyo pwede na nga siyang DJ eh. In fairness, napaisip ako dun sa sinabi niya. Hindi nga ako nakasagot eh. Nakukunsensya kasi ako ngayon dahil may point siya. Walang kasalanan si Sherna. Ayaw niyang mangielam sa aming tatlo kaya mas pinili niya na lang na manahimik. Kung tutuusin, malaki dapat ang ipasalamat ko kay Sherna eh, pero bakit ganito? Nasasaktan ako? Nadidisappoint ako kasi parang feeling ko, pinagkaisahan nila ako at hinayaan niya lang akong magmukhang tanga.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon