Chapter 36

169 8 1
                                    

CHAPTER 36

Kinabukasan.

Pagkapasok ko ng room, nilapitan ko kaagad si V. At pagkatabing- pagkatabi ko mismo sa kanya, inisnob niya lang ako. Well, hindi natin siya masisisi kung galit siya kasi may ginawa akong kasalanan sa kanya kahapon.

"Uy, sorry na.. " sabi ko habang kinakalabit ko siya. Pero hindi niya pa din ako pinansin.

"Dali na wag ka na magalit dyan... " sabi ko pa. Mabuti naman at lumingon na siya sa akin.

"Yung LBM mo kumusta? " tanong niya.

"Ehehe!! Okay na ko!! *clap*" natutuwang sabi ko habang pumapalakpak. Tumango na lang siya tas bumaling na ulit sa iba at hindi na sumagot. Huhuhu :( obvious na ayaw niya akong pansinin...

"Galit ka ba sa akin? Sorry na... di ko naman ginusto yun eh. " sabi ko ulit.

"Hindi ako galit sayo... " sagot niya. Nagningning naman mata ko sa kanya. Totoo ba? Haha! Bago to ah! Parang dati, kahit wala akong ginagawa sa kanya, parating maiinit ulo niya. Ngayon, kahit inindian ko siya kahapon, concern pa siya tas hindi galit :) Ineexpect ko pa namang sisigawan niya ako lalo pa at inisnob niya ako kanina.

"*\(*0*)/* Weh? Di nga? Hindi ka galit? :))"

"Hindi nga... isasantabi ko na lang lahat ng inis ko sayo kahapon. Ang importante okay ka na ngayon :) "

"Yehey!! *clap*" tuwang-tuwa kong reaction habang pumapalakpak. "Ang bait talaga ng V ko! Kaya love na love kita eh, thank you :) " dagdag ko pa sabay yumakap sa kanya ng mahigpit. Hindi ko naman intention na yakapin siya eh, nagulat din ako sa ginawa ko. Siguro kasi sobrang tuwa ko lang kasi nakakapanibago siya, ang bait niya ngayon. Pero alam mo kung anong mas nakakagulat? Hindi niya ako tinulak palayo.

"OY HINDI TO PARK!! " nagulat ako ng may biglang sumigaw sa loob ng room, napabitaw tuloy ako kay V para tignan kung sino yun kasi kilala ko yung boses. Lumingon din si V sa sumigaw gaya ko. At pagtingin namin, hindi nga ako nagkamali. Si Mark yung sumigaw, hindi siya sa amin nakatingin pero alam kong nagparinig siya. Si V hindi naman nagreact. Ako naman, umayos na lang tuloy ng upo. Sorry na sweetheart ko... baka mambabae ka na naman niyan?

"Uhmmm... gusto mo later na lang natin ituloy yung date natin? Okay naman na ako eh. Dali, tawagan mo ulit si Jack :)" sabi ko kay V.

"Sigurado ka dyan sa sinasabi mo? Baka na naman hindi matuloy, isipin mo muna kung may nararamdaman ka ngayon. "

"Okay na nga ako... Tignan mo pa.. " sabi ko tas nagyayabang na pinakita sa kanya yung mga muscles ko sa braso na wala naman talaga para mapakitang malakas ako at hindi na ako madadapuan pa ng kahit anong sakit. Nakita ko namang pinigilan niya yung tawa niya.

"Sige na... tumigil ka na dyan sa ginagawa mo, mukha kang tanga. " comment niya sabay tumawa ng palihim.

-----

Here at EK. Wala, napagdecide-an kasi naming lahat na dito na lang kaming apat na magdate para maiba naman. Mukha namang exciting at magiging masaya to eh kaya approve sa akin to! Mahilig kasi ako sa rides!! :)) Namimiss ko na din kayang maging bata :) Oo nga pala, double date nga pala to kaya bukod kay V, kasama ko si Jack pati din daw yung 'girlfriend' niyang ang pangalan ay Soledad. Remember yung pinagtripan namin ni Loren na professor before? Yung tinapunan niya ng mainit na kape at ininsulto ko ng bongga sa chapter 4 kaya padabog na binutas niya yung pinto para mag walk out? Siya yun -___- Akalain mo bang magku-krus pa pala ang mga landas namin? Kaso ang panget lang ng situation, bukod sa nalaman kong taken na ang crush kong si Jack, bakit sa lahat ng babae siya pa? Ano pa bang ieexpect kong sasabihin niya kay Jack tungkol sa akin? Huhuhu naku naman oh! Oh well, never mind, may boyfriend na kaya ako tas andito pa si V, ang dami ko ng lalaki sa buhay, wag na siyang dumagdag!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon