Chapter 85

114 6 0
                                    

CHAPTER 85

"Okay class, listen." sabi ng professor namin kaya naman lahat ay nanahimik at nagsiayos na.

"You are required to do a thesis research in this subject for your final examination. So now, I'm going to annouce your assigned groups first for this research. " sabi nung professors tapos kinuha niya na yung listahan.

"Na naman? OMG. I hate defense! " asar na comment ni Sherna sa akin.

"Yeah... Me too. " pag agree ko. Simpleng aral nga lang, sumasakit na ulo ko. Thesis pa kaya!

"How I wish na magkagrupo tayo. " sabi pa ni Sherna. Hindi na ako sumagot since nagsalita na yung professor namin. Pero sana nga talaga...

"Okay. Group one: Olivares, Krystal Helga. Smith, Rachel Marie. Watson, Sherna. And Yamamoto, Kathryn Miyoko. Group two: James, Nald. Santero, Vincent Luke. blah.. blah.. blah... " announced ng professor namin. Halos magkatinginan kami ni Sherna sa narinig naming dalawa.

"WHAT THE F*CK!!" asar na reaction ni Sherna. Ako nga napa buntunghininga at napailing na lang eh. Wala din naman kasi akong magagawa kung dun siya na-assign na grupo. Pero of all people naman, bat yung tatlo pang yun?!

"Well. Well. Well. What a coincidence! Tayo-tayo din pala ang magkakagrupo :)" bigla namang may nagsalitang boses mula sa likuran namin. Pagkalingon namin, si Helga lang pala yun kasama yung dalawa niya pang kaibigan.

"Oo nga eh! Asar diba? " inis na sagot ni Sherna sabay umirap.

"What? Hindi nuh, masaya nga eh! Right, girls? " sagot ni Helga tapos nakipag appear sa mga kaibigan niya at nagtawanan silang tatlo. "So... panu ba yan? Kitakits na lang tuwing free time para gawin tong research natin hah? Bye :*" sabi pa ni Helga tapos bumalik na sila dun sa upuan nila.

"HMMMPP!! Akala niyo natatakot ako sa inyo? Kahit pagtulungan niyo akong tatlo, hindi kayo aatrasan!! Magkamatayan na! Mga demunyita!! " asar na sabi ni Sherna sa sarili niya.

"Don't worry dear, sabihin mo lang sa akin kapag inaway ka nila. Patay sila sa akin pag -uwi nila sa bahay. Ipaghihiganti kita :)" sabi ko sa kanya. Matapos nun, nakinig na ulit ako sa sinasabi nung professor namin. Hindi ko na alam kung nasabi niya na yung pangalan ko -___-

".... Acapulco, Daniel. Reyes, AL. And Salonga, Leah Kym. Group five: Asuncion, Loren Conchita. Kim, Vincent. Lerman, Mark Jezelle. And Rosenweig, Aira. "

O____O

"O-oh... " comment ni Sherna nung marinig kung sino yung mga kagrupo ko. Akala ko, si Sherna na ang pinakamalas na tao sa mundo para makagrupo yung mga bruhang inggiterang yun. Pero mas malala pa pala yung sa akin T____T

"That's BULLSH*T! " sabi ko. Nakakainis!! Isang buong semester ko talaga silang kasama?! FISHTEA.

"I think our destiny is making sport of us. " comment pa ni Sherna.

"Ano bang ginawa nating kasalanan hah?! " sabi ko pa. Tumawa na lang siya at inakbayan ako. Kami lang naman magdadamayan dito eh :'(

"So class, that would be your assigned groups. Ireremind ko lang sa inyo na bawal ang magpapalit ng grupo. Ayoko ng paimportante at hindi nakikipag cooperate kaya kung sino man sa inyo ang ganun, tatanggalin ko kaagad. Kayo din naman ang maaapektuhan eh dahil sisiguraduhin kong ibabagsak ko kayo at hindi kayo makakagraduate kapag nag -inarte kayo. Kaya ngayon pa lang, matuto kayong mag adjust. Now, go to your assigned groups and I'll give you time to discuss everything with your groupmates para makapagprepare din kayo. " sabi nung prof kaya halos lahat nagsilipatan na ng upuan.

"Panu ba yan besplen? " tanong sa akin ni Sherna na para bang ayaw niya ding pumunta sa kagrupo niya pero kailangan.

"Hmmm!! Dito lang ako! " matapang na sabi ko sabay nagpasak ng earphones sa tenga ko. Ayokong makasama yung tatlong yun nuh!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon