Chapter 27

160 3 0
                                    

CHAPTER 27

V's P.O.V.

(°________°)

"KYAAAAAAAAAHHHH!!! "

Sabay naming tili. Ewan ko kung bakit din siya tumili pero bakit siya nandyan?

"A-anong ginagawa mo dyan!? " sigaw ko sa kanya habang dinuduro siya. Ang ineexpect kong makikita sa likod ng kotse ay yung laptop ko, bakit biglang nagkaroon ng higad? Bumangon na siya sa pagkakahiga, binitawan ang laptop ko at nagsalita.

"Uh... w-wala, gusto kasi kitang kadate eh, kaya ako na gumawa ng paraan. " sagot niya.

"Paraan? At yan ang naisip mo? Ang pumasok ng di namamalayan sa kotse ko? "

"Ehehe. Sorry na... ayaw mo kasi madaan sa pakiusap. Of course, hindi naman ako papatalo nuh. "

"Paano ka nakapasok sa kotse ko? Kanina ka pa ba dyan? "

"Oo, makakapasok ba ako ng umaandar tong kotse? Syempre hindi nuh? Tinulungan ako ng mga boys na nakasalubong mo kanina sa parking lot na makapasok dito. Sorry kung sinira namin yung pinto ng kotse mo ah, ikaw kasi eh. " sagot niya. Ah! Kaya pala ang weird ng mga boys na yun! Teka, ako pa talaga sinisi niya hah!? Namumuro na sa akin tong babaeng to eh... Asar!! Sisira-sirain yung kotse ko tas ako pa may kasalanan!! Sinisisi niya pa ako kung bakit ayaw kong makipagdate sa kanya? Badtrip siya!! Nagboyfriend-boyfriend siya dyan tas ngayon kulitin niya ako!! Anak ng alligator!! Dun na siya sa Mark niya, pisti siya!!

Hinila ko siya palabas ng pwersahan.

"Aray!! Teka nasasaktan ako. "

"Wala akong paki, umalis ka na!! " sabi ko tas hinila siya palabas ng condominium. Pumiglas naman siya.

"A-ano ba? Bitawan mo nga ako... "

"At bakit? Hindi dito ang bahay mo kaya umuwi ka na. "

"Ayaw. Gusto ko dito! Nag effort ako na makasama kita tapos papaalisin mo lang ako? "

"Wala akong pakielam, ang gusto ko umalis ka dito. " sabi ko tas kinuha ulit yung kamay niya para hilain. Bumitiw ulit siya.

"V please... pagbigyan mo na ako. " pagmamakaawa niya. Tinitigan ko siya at nagbuntunghininga. Ang kulit nitong babaeng to.

"Fine. " sabi ko.

"\(*0*)/ Talaga!!? Payag ka na? " biglang nagningning ang mga mata niya. Binatukan ko naman siya.

"Ouch!! >_>"

"Baliw ka ba? Syempre hindi nuh! Bahala ka dyan sa buhay mo kung ayaw mong umuwi. Basta ako, papasok ako sa unit ko at wala akong intensyong isama ka. " sagot ko at pumunta ng elevator para puntahan ang unit ko. At gaya nga ng ineexpect ko, sumunod siya sa akin.

"Oy teka lang naman! Di ba pwedeng pagbigyan mo na ako? Ngayon lang naman eh. " sabi niya habang hinahabol ako. Tumakbo kaagad ako papasok ng elevator at agad naisinira ang pinto. Pero di ko akalain ng makakaabot siya ang kaso naipit siya.

"AAACCCKK!! V naman! Ibukas mo yung pinto! Papasok pa ako!! " sabi niya habang tinutulak pabukas yung pinto. Ako naman, patuloy na pinipindut yung button para iclose yung pinto ng elevator.

"AAAAAARRRGGHHH!! Uy Vincent!! Masakit na, iopen mo na to!! "

"Ayoko nga. "

"V!! Gusto mo bang masira tong elevator? "

"Wala akong paki. Kung bubuntutan mo lang din naman ako, mas gugustuhin ko na to. " sagot ko. At nagpatuloy kami sa pagtatalo. At the end, siya panalo -_- Tignan mo siya, ngiting aso sa tabi ko habang nakapulupot sa akin. Hmmmmpp! Sasampalin ko na to eh. Kung wala lang talagang ibang taong nakasakay dito, patay na siguro tong higad na to. Oo, kung hindi lang dahil sa ibang taong sasakay sa elevator, hindi ko sana kasama ngayon si higad. Sila dahilan kung bakit nakapasok to sa loob eh tsk!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon