Chapter 39

161 4 0
                                    

CHAPTER 39


AIRA'S P.O.V.


Since kuhaan na naman ng clearance, kailangan kong magspend ng aking precious time sa school para sa mga nonsense na mga bagay na yan kahit labag sa loob ko. Pagpasok ko sa campus, nakita ko kaagad si Mark na nakaupo sa sofa dun sa may lobby, si V na nakatayo sa lilim ng puno na parang may hinihintay, at dun naman sa may bursar nakita ko si Sherna na... wait! Anong meron? Pinagagalitan niya ba si Loren? Oh well. Hindi ko naman kailangang makitsismis. Pumunta na ako kay Mark, at pagdating ko sa harap niya agad siyang ngumiti sa akin at lumapit para magbeso.


"Hi sweetie p-" ang kaso hindi natuloy dahil dumating si V kaya tinulak ko siya kaagad palayo sa akin at nagtaas ng kilay.


"Do I know you? Makikiupo lang ako dito sa sofa, wag kang FC. " sabi ko tas umirap sabay umupo sa sofa ng parang queen. Wala na din nagawa si Mark kundi sakyan yung acting ko. Lumapit naman sa akin si V at umupo sa tabi ko.


"Kanina pa kita hinihintay... " sabi niya.


"Bakit? " tanong ko sa kanya.


"Wala lang..." sagot niya. Hindi na ako nagsalita. Wala naman palang kailangan eh. Nami-miss lang ako niyan.


"Okay ka na? " tanong niya bigla sa akin kaya napalingon ako pati na din si sweetheart ko sa kanya. Nagtaka naman ako sa tanong niya, ako okay? Teka... tinutukoy niya ba yung nangyari last time nung nagdate kami? Yung may biglang matandang umappear sa harap namin at tinawag akong Paulita Beatrice?? Gosh, naalala ko na naman. Nasira tuloy araw ko! V kasi eh.


"Hmmm! " umismid ako. "Kasumpa-sumpa yun, bakit ko kailangang isipin yung mga ganun? " mataray na sagot ko.


"Uh... oo nga sabi ko nga. Kinukumusta lang naman kita eh. " sabi niya.


"Okay nga ako! " napakahinahon kong sagot -__- Hindi na siya sumagot, obvious naman na hindi ako okay eh kahit hindi ko sabihin sa kanya.


Nakita ko naman sina Sherna at Loren na papunta na sa amin. May kasabay naman silang naglalakad na limang lalaki na puro flowers ang dala at may teddy bears pa. Ay mali, apat lang pala, yung isa kasi lesbian. Mga nakangiti sila, hindi ko sana sila papansinin kaso lumapit sila sa pwesto namin at ako pala ang sadya. Pagdating nga nila sa harap ko, nagtulakan pa eh at nagturuan kung sino magsasalita parang mga tanga. Pero at last, nadala sila sa tingin ko at may naglakas-loob din na magsalita.


"Uh... H-hi A-Aira... uhm... I'm P-phil. I know, it's not the right timing to confess. It's awkward for me to talk with you in front of everyone. Especially your friends, your ex boyfriend, and the someone special in your life are all here while having our clearance but we ask you to give us some time to say everything to you. Can you please listen to us? We can't stand it anymore, we want to let you know that we like you. Can you give us chance to get you know better? " sabi nung isang lalaking mapayat. At nawindang naman po ako dun sa sinabi niya. Napataas talaga kilay ko dun! At pati din si sweetheart at si V halatang nashock. Dagdag mo pa sina Sherna at Loren, pati yung iba pang tao sa lobby. Pakak!


"Really? So gusto niyong manligaw sa akin ganun? " tanong ko sa kanya.


This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon