Chapter 62

129 5 0
                                    

CHAPTER 62

"Oh Aira? Ano bang nangyayari dyan? " tanong ni Kuya Gong.

Patay.

Lumapit sila sa amin para tignan ang nangyayari. Lagot na talaga ako, anong idadahilan ko? >__<

"Asar kang babae ka! Binigay ko naman lahat -lahat sayo... Bakit di mo pa rin ako magawang mahalin, Aira? Bakit mo ako niloko?!! Ang sakiiitt!!! Sinaktan mo ang puso ko! Sinaksak mo ng kutsilyo! Binuhusan mo ng asido! Pinukpok ng martilyo! Sinaktan mo ang puso ko! Mauubusan na ako ng dugo! Sinaktan mo ang puso ko!!! " bigla namang sabi ni V habang hinihila ang kamay ko. Nagkatinginan tuloy yung kambal. Teka, kanta yung sinabi niya diba?

"Anong pinagsasabi neto? Lasing ba to?" tanong ulit ni Kuya Gong.

"Ehehe... medyo eh. Pahelp naman oh, kanina pa ako nahihirapang ipasok to sa bahay. " sabi ko. Nagkamot naman siya ng ulo.

"Haaayy nako.. kaya pala ang ingay -ingay eh. May nagwawala palang lasing dito. Ano ba kasing ginawa mo sa kanya?" tanong niya habang pinagtutulungan nila ni Kuya Jong na buhatin si V.

"Hala! Bat mo ko sinisisi? Wala akong kinalaman dyan ah. Nananahimik lang ako dito, hindi ko naman siya inaano dyan! " pagdedeny ko.

"Wussiooo... kung hindi nga ikaw ang dahilan, anong pinagsasabi nito? " sabi niya naman tapos naglakad na papasok ng bahay. Hindi naman na ako sumagot at sumunod na lang sa kanila, tama naman siya eh. Nagdeny pa kasi ako -___- Nung papunta na kami sa kwarto ni V, nagsalita na naman siya.

"AIRA!!! HINDI KO MATANGGAP YUNG GINAWA MO SA AKIN!!! HUHUHU!! \(TToTT)/ NAGPAKALALAKI AKO! TINALIKURAN KO PAGKABADING KO PARA SAYO TAPOS GANITO LANG IGAGANTI MO SA AKIN HAH?! HINDI KO MATANGGAP! NASAAN ANG HUSTISYA!! ANG SAKIT SA DIBDIB!! HINDI NA AKO MAKAHINGA! MAMAMATAY NA YATA AKO!! (TT^TT)" sigaw niya. Halos mapahinto yung dalawa kong kuya sa mga narinig nila.

O____O

"BADING?! BADING TONG SI VINCENT?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Gong. Napakamot naman ako ng ulo at nangiwi.

"Uhhh... dati yun. Nung hindi pa siya nafa-fall sa akin. Pero ngayon, hindi man halata, barako na yan promise!! (^__^)v " sagot ko. Bigla ko namang nakitang natawa ng mahina si Kuya Jong sa mga nalaman niya.

"AIRA!! MAHAL NA MAHAL KITA!! AKO NA LANG PILIIN MO PLEASE.... T_____T" sabi niya pa tas bigla niya na lang niyakap si Kuya Gong.

"O____O U-UH!! Hindi ako si Aira! Ano ba!! " natetense na sabi naman ni Kuya Gong sabay tinulak si V palayo sa kanya. Tyempo namang natumba siya kay Kuya Jong kaya siya naman ang niyakap ni V.

"O-oy! Oy! Oy! Mas lalong hindi ako si Aira, layuan mo ako! " natetense ding sabi ni Kuya Jong sabay tinulak ulit si V. Sa lakas ng tulak sa kanya, humampas siya sa terrace ng hagdan at kamuntik na talaga siyang mahulog kaya tumakbo kaagad ako para lapitan siya.

"V?? Okay ka lang?!" nag -aalala kong tanong sa kanya sabay chineck yung katawan niya kung may sugat o pasa. Mabuti naman at wala. Inis naman akong tumingin sa mga kapatid ko.

"Ano ba?! Kita niyo namang lasing to diba? Paano kung mapahamak to sa ginawa niyo hah?!" galit na sabi ko sa kanilang dalawa.

"Siya ang may kasalanan, hindi kami nuh! Nangyayakap kasi eh! " sagot ni Kuya Jong.

"Kahit na! Tama bang itulak mo siya sa hagdan?! Sayo ko kaya gawin yun?!"

"Tama na! Tama na! " pumagitna naman si Kuya Gong. "Sorry na Aira. Wag ka na magalit. Sige na, ipapasok ko na siya sa kwarto. " dagdag niya pa tas itinayo na ulit si V at pinasok na siya sa room niya. Naiwan naman kami ni Kuya Jong dito sa labas. Nakita ko naman siyang tumawa na naman kaya lumingon ako sa kanya.

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon