Chapter 74

108 3 0
                                    

CHAPTER 74

AIRA'S P.O.V.

Kinabukasan.

Pagkagising ko sa umaga, kumilos kaagad ako ng mabilis para makapasok na sa school. At nung matapos akong magprepare for school, bumaba kaagad ako sa first floor at tyempo namang nakita ko din si V na papasok na din.

"Hi. Good Morning :)" bati niya sa akin. Nagdere-deretso lang ako at hindi na siya sinagot pa kasi hindi ko alam ang ikikilos ko sa harap niya. Masyado nang awkward sa tuwing nakikita ko siya. Hindi na nga dapat kami nagsasama sa iisang bahay eh, bakit ba kasi kailangan pa siyang pag istayin ni kuya dito?

"Teka Aira! " tawag niya sa akin nung nakalabas na ako sa pinto kaya lumingon ako sa kanya.

"Papasok na din kasi ako. Gusto mo sabay na tayo? Kung okay lang sayo? " paalam niya sa akin. Ang kuleet naman ni V oh, kailangan ko nga siyang iwasan. Bat di niya maintindihan yun? Bat kausap pa din siya ng kausap sa akin?

"Papunta na si Mark dito, sabay kasi kaming pumasok. " sagot ko tas sabay umiwas na sa kanya ng tingin.

"Ah.. ganun ba? " sabi niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, alam kong nalungkot siya. Ramdam ko sa boses eh.

"Sige una na ako. Bye. Kita na lang sa school :)" sagot niya sa akin sabay naglakad na. Nung mapadaan siya sa harap ko, lumingon siya sa akin sabay ngumiti ng fake at kumaway pa. Ang tyaga niyang ngumiti sa harap ko kahit nasasaktan na siya nuh?

Nung makaalis na siya, nagstay pa din ako sa kinatatayuan ko para hintayin ang pagdating ni Mark. Pero maya -maya pa, biglang bumukas ang pinto sabay niluwa nito ang tatlong bruhilda na saksakan ng mga ingay. Palibhasa minsan lang makalabas eh, masyado kasing subsob sa trabaho. Gusto ko na nga silang tatlo na isubsob sa nagbabagang apoy ng sabay-sabay eh.

"Oh yeah! We're on the way na to school. See you na lang later hah! Bye -bye bessy!! Love-love!! Hummmuuwaaaaah!! :*" naririnig kong sabi ni Helga. Paglingon ko sa kanilang tatlo, may hawak si Helga na tablet at mukhang may kausap sila. With matching flying kiss at pakaway-kaway pang nalalaman eh, mga hindi naman bagay mag -inarte!

At sa sobrang kaartehan nga nilang tatlo, nabangga nila ako. Halos matalisod nga ako eh sa sobrang taas ng heels ko kaya tinitigan ko sila ng masama. Ewan, kunyari hindi napansin ni Helga na nandito ako pero ramdam kong sinadya niya yun.

"Naku sorry hah. Hindi kasi namin napansin :) " sabi ni Helga na nakangiti pa. Talagang sincere siya sa paghingi niya ng sorry hah, I can feel it!

"Isa pa, busy kasi kami sa pagkausap ng bago naming bessy. Gosh! Apat na kami, hindi mo ba kami ico-congrats man lang?" dagdag niya pa. Natawa naman ako.

"HA! Bagong bessy pala hah! Bakit ko naman kayo ico -congrats? Kasi sa kauna-unahang pagkakataon, may pumayag na magtyaga dyan sa ugali niyo? Well, congrats nga! Akalain mo yun, sa sama ng ugali mong yan, may pumatol pa? Wow! You deserve a clap! " sabi ko sa kanya sabay pumalakpak. "Ang galing mo enday! Bigyan na ng jacket yan! "

"Haaayy whatever! Naiinggit ka lang eh. " asar na sabi niya.

"Of all people, ikaw pa? Why? Eh kita naman ng lahat na from head to toe, napakalaki ng lamang ko sayo. " sagot ko. At dahil dyan, nakita kong naningkit ang mata niya sa galit.

"Sige, sabi mo yan eh. Edi ikaw na sikat! Gusto mo bang malaman kung sino ang new best friend namin? " tanong niya.

"Duh? Like I care? "sagot ko sabay umirap. "Pakelam ko kung sino yung hayup na kalahi niyong yun. Magsama -sama kayong masasama ang budhi. " bulong ko pa sa sarili ko. Nakita ko namang ngumiti ng wagas si Helga sa akin. Anak ng p*ta kakairita!

This Girl Is Obsessed With The SheMaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon